Chapter 21

189 8 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 21

"Zean, you have photoshoot tomorrow."

"Yeah I know." sagot niya kay Tasha na nasa kabilang linya.

"I'm just reminding you. Baka makalimutan mo na naman."

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako makakalimot. And besides alam mo namang ayokong mag-stay dito sa bahay. Kaya aattend talaga ako. So you have nothing to worry about." she gave her the assurance that she will attend the photoshoot.

"That's good to know. But anyways, ano ba kasing meron diyan sa bahay niyo at para kang nasisilihan diyan? You didn't even want to stay there. Is there something wrong?"

Napabuga siya sa tanong nito. Sa araw-araw na magkasama sila ng kaibigan ay hindi niya naikwento dito na nandoon si Kristof. Hindi na niya sinabi dito dahil alam niyang mangungulit lang ito, mag-uusisa at aasarin siya. Or worst baka nga bigla na lang itong sumugod sa bahay nila para lang makita ng personal si Kristof. Matagal na kasi nitong gustong makita at makilala si Kristof sa personal. Sa facebook lang nito nakita ang binata.

Two years had passed. Sa loob ng mga panahon na iyon ay ilang beses siyang sinubukang kausapin ni Kristof. Tinatawagan siya sa number niya ngunit agad din niyang pinalitan ang number niya. Sinubukan siya nitong kontakin sa facebook account niya ngunit agad niyang binura ang account niya pati ng ibang accounts niya sa social media. Sinubukan din siya nitong tawagan sa landline ng bahay nila ngunit hindi niya lahat iyon pinapansin at agad din itong binabababaan ng telepono. Halos lahat na yata ay nagawa nito. Nagawa na rin nitong kontakin ang mga kaibigan niya sa facebook lalo na si Tasha ngunit nasa kanya ang panig ng kaibigan. Tanging si Tasha lang ang nakakaalam ng lahat ng mga pinagdaanan niya sa Pampanga. And her parents know nothing about it.

"Zean? Are you still there?"

Nagising ang natutulog niyang diwa nang marinig ang boses ni Tasha sa kabilang linya. Agad niyang ipinilig ang ulo.

"Yeah, I'm still here."

"Are you ok? Ano ba talagang problema?" nag-aalalang tanong nito.

"Nothing.. It's just that I'm bored here kaya ayokong naglalagi dito sa bahay."

"Ah ok." tila naniwala naman ito sa sinabi niya at halos ay nakahinga siya ng maluwag dahil doon.

"Ahm Tasha I need to hang up. Medyo lumalamig na kasi dito sa labas. Kumakapal na rin kasi ang hamog." aniya at bahagyang nayakap ang sarili nang manuot sa balat niya ang lamig sa paligid. Nang mga oras kasi na iyon ay nasa terrace siya at nagpapahangin. Gawain na kasi niya iyon bago siya matulog sa gabi.

"Ok, basta kitakits na lang bukas. See you. Bye bessy."

"Bye." paalam niya at tinapos na ang tawag. Muli siyang tumingala sa langit at tinitigan muna ang ilang nagkikislapang bituin doon. Huminga muna siya ng malalim at pagkuwa'y pinakawalan din iyon. Tumalikod na siya at naglakad patungo sa pinto ngunit napatda siya nang makita si Kristof na nakasandig sa may pinto. Nagsimula na naman siyang makaramdam ng kaba sa presensiya nito.

"Can we talk?

Ilang beses na siya nitong sinubukang kausapin ngunit hindi niya ito pinagbigyan. Ngunit ngayon ay mukhang wala na siyang kawala dito dahil nakaharang ito sa pinto.

"There's nothing for us to talk about." Akmang lalampasan na niya ito ngunit iniharang nito ang katawan sa pinto. Mukhang desidido talaga itong kausapin siya. "What do you want?" naiinis na tanong niya.

"Time Zean. Just give me your time." nagmamakaawang sagot nito. "I know I hurt you Zean-"

"Mabuti naman at alam mo." sarkastikong putol niya sa mga sinasabi nito.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon