Chapter 23

170 6 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 23

Alas sais na ng gabi nang matapos niyang gawin at puntahan lahat ng kailangan niyang asikasuhin para sa araw na iyon. Hapung-hapo at nanlalatang sumalampak siya ng upo sa sofa nang makapasok siya sa loob ng bahay. Sa matinding pagod niya ay parang gusto na niyang humilata sa kama niya at matulog. Idinipa niya ang dalawang braso at napabuntong hininga.

"What a very tiring day!" ipinikit niya ang mga mata.

"Oh kailan ka pa dumating hija?" tanong ng mayordoma nilang si Manang Cecil nang makita siya nito.

"Kakarating ko lang po." nakapikit ang mga matang tugon niya.

"Gutom ka na ba? Ipaghahanda na ba kita ng dinner mo?"

"Sige po para makapagpahinga na din po ako." sagot niya at mabilis na sumunod dito papuntang dinning area.

"Kumusta naman ang lakad niyo?"

"Okay naman po. Nakakapagod." sagot niya at umupo sa high stool. Mas feel niya kasing kumain doon sa counter ngayon kaysa sa mahabang mesa. Mag-isa lang naman kasi siyang kakain.

"Nasaan nga pala si Kristof? Para sabay na kayong kumain."

Natigilan siya sa narinig na pangalan. Parang ngayon lang niya naalala ang lalaki.

"Nasaan nga po pala siya?" tanong niya dito. Kunot-noong nilingon siya nito.

"Hindi ba't kasama mo siyang lumabas?" nagtatakang tanong nito.

"H-hindi pa po ba siya dumating?" maang na tanong niya. Nagsimula na siyang kabahan nang mga oras na iyon.

"Hindi pa." sagot nito. Ilang sandali pa'y kumunot ang noo nito. "Bakit hindi mo ba siya kasama?"

Napakagat-labi siya. "Ahm ano po kasi," napakamot siya. "Akala ko nauna na siyang umuwi." pagsisinungaling niya.

"Paanong uuwi yun dito eh hindi pa naman niya kabisado ang lugar natin."

Natigilan siya at natauhan sa sinabi nito.

'Don't leave me here! Hindi ko alam ang address niyo. I didn't have my cellphone with me.' naalala niya ang sinabi ni Kristof. Tila noon lang pumasok sa isip niya ang sinabi nitong iyon. Kaninang tinotoyo kasi siya ay nakasara ang isip niya. Kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin ang sinabi nitong iyon.

Problemadong nasapo niya ang noo.

"Damn! What have I done?" bulong niya sa sarili. Gusto niyang sabunutan ang sarili ng mga oras na iyon. Papaano pa niya ito mahahanap? Papaano niya malalaman kung nasaan ito ngayon kung hindi naman nito dala ang cellphone nito? She wanted to hate herself for acting so immature and insensitive.

Alam niya, oras na may mangyari dito ay uusigin siya ng konsensiya niya. At alam din niyang oras na malaman ng parents nila na ganon ang nangyari ay panigurado niyang malilintikan siya. Baka hindi lang sermon ang aabutin niya kapag nagkataon.

Kailangan niya itong hanapin. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Mabilis siyang naglakad palayo.

"Saan ka pupunta? Gabi na."

"Hahanapin ko na lang po muna siya. Iupdate niyo po ako kung may balita tungkol sa kanya." paalala niya kay Manang Cecil bago niya ito iniwan. Marami pa itong sinasabi ngunit hindi na niya iyon pinansin.

Pagkalabas niya ng bahay ay saktong may dumaang taxi kaya agad niyang pinara iyon. Nang huminto iyon ay nagmamadaling sumakay siya doon.

"Saan tayo miss?" tanong ng taxi driver.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon