Chapter 45

170 7 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 45

Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa silid niya nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Nababagot na dinampot niya iyon sa ibabaw ng mesa at sinagot iyon nang malamang si Austin ang tumatawag.

"Hello Austin, napatawag ka, gabi na ah."

"I'm sorry to disturb you Zean but I need to tell you something."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Ano naman kaya ang sasabihin nito para tumawag pa ito ng ganoong alanganing oras? Gaano ba kahalaga iyon at hindi na ito nakapaghintay pang sabihin iyon bukas?

"Tungkol saan?"

"Sinugod ako ni Kristof."

"What?!" napabalikwas siya ng bangon dahil sa matinding gulat.

"Sinuntok niya ako.. He even told me to stay away from you." kwento nito.

"G-ginawa niya iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo.." sagot nito. "And he even told me na sasabihin niya sa mga kaibigan at parents mo ang tungkol sa sakit mo."

Halos ay napigil niya ang paghinga dahil sa huling sinabi nito. Malalaman ng parents at mga kaibigan niya ang tungkol sa sakit niya? No! Hindi pwede! Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya.

"Don't he dare!" nanginginig sa matinding galit na sabi niya. "Subukan niyang sabihin sa parents ko ang tungkol dito at ipinapangako kong hinding-hindi ko siya mapapatawad." Hindi na niya napigilan ang sariling makaramdam ng galit sa binata.

"Zean.. What if.. What if umalis na lang tayo ng bansa? Magpakalayo-layo tayo sa kanila.." suhestiyon nito na nagpatigil sa kanya.

Napaisip siya ng malalim sa sinabi nito. Mas mabuti pa nga sigurong umalis na lang siya para hindi na siya magugulo ni Kristof. At para magkaroon na din siya ng tahimik na buhay. Mas mabuti na nga siguro kung iyon na ang gagawin niya. Ang umalis at lumayo sa mga taong mahal niya upang hindi na masaktan ang mga ito oras na mawala siya sa mundo.

"Kung plane ticket ang pinuproblema mo, nakapagpabook na ako.. Kahit anong oras.. Makakaalis na tayo ng bansa Zean.."

"S-sige.. Pumapayag ako Austin.." desidido at walang pagdadalawang isip na sang-ayon niya. Uunahan na niya si Kristof bago pa man ito makapagsumbong sa parents niya. Mas mabuting makaalis na siya bago pa man siya puntahan ng parents niya doon. "We're going to have our flight tomorrow."

__ __ __ __ __

"Are you ok?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Austin.

Natauhan siya nang marinig ang tanong nitong iyon. Napatingin siya sa katabing binata at bahagya siyang napangiwi nang makita ang blackeye sa gilid ng labi at kaliwang mata nito. Hindi na niya kailangang tanungin kung sino ang gumawa niyon. Base na rin sa kwento nito kagabi ay alam niyang si Kristof ang may gawa niyon. Kung bakit nito iyon ginawa? Hindi na niya alam at wala na siyang balak alamin pa.

"Yeah." Nginitian niya ng pilit ang binata at pagkuwa'y bahagyang napasulyap sa mga kapwa nila pasaherong parito at paroon habang hinihintay ang kanya-kanyang oras ng flight.

Ginagap nito ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit.

"What do you feel?" usisa nito.

Ano ang nararamdaman niya? Sa totoo lang, wala siyang maramdaman. She felt empty.

"Wala, don't mind me."

Napabuntong-hininga ito. "Always remember Zean that leaving is the best thing that you can do. It's for your own good."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon