Nang mawala sa aming paningin si Meriah ay humupa na rin naman ang galit ng dalawa. Nagpatuloy sila sa pag-re-review.

Matapos ang isang oras ay napagpasyahan ko ng maunang umuwi. Alas singko y medya ang tapos ng huling klase ni Jane kaya naman nag-send ako ng message at sinabing magsabay na kami sa pag-uwi. Wala akong dalang bisikleta kaya rito kami magkikita ni Jane sa gate.

Nakatanaw lang ako sa covered walk para agad siyang makita ngunit iba ang nakita ko. Walang ekpresyon ang mukha ni Meriah at mabagal ang kaniyang lakad, marahil ay tapos na sa kaniyang panghuling klase. Nagtama ang paningin namin bago siya lumiko papunta sa parking lot.

"Huy, Kuya, heto na ako! Layo ng tingin mo," ani Jane na hindi ko namalayang nakarating na sa tabi ko.

Naglalakad na kami sa labas nang makasalubong pa namin ang sasakyan nila Meriah. Nakabukas ang bintana nito at nakita ko siya. Napakunot ang aking noo.

"Pupunta iyon sa bayan?" tanong ko sa sarili nang makita silang kumabila ng daan.

Sa kabilang direksyon dumaan ang sasakyan nila, hindi sa daan papunta sa syudad. Naalala ko bigla na mayroon nga pala silang building doon, marahil ay doon sila pupunta.

Napayuko ako at napahimas sa aking batok. Marahan akong napailing. Bakit ko pa ba iniisip ang pupuntahan ng isang 'yon?

"Patalsikin ang dayo!" muli kong naalala ang sinabi ng dalawang kaibigan.

Mukhang ayos naman siya rito. Wala namang kakaibang nangyayari. Dapat ba siyang paalisin dito?

Halos mapailing ako dahil sa tumatakbo sa aking isip. Panigurado'y biro lamang iyon ng dalawa at hindi na dapat isipin pa.

Itinuon ko ang tingin sa daan at ipinatong sa ulo ng kasabay na si Jane ang aking braso. Mabilis naman niya itong hinawi at inayos ang buhok. Nalaglag sa balikat niya ang aking braso at hindi ko na ito naisipan pang tanggalin.

"Magaan braso mo, Kuya? Magaan?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Mahirap din pala ang walang pinagkakaabalahan. Kung anu-ano ang naiisip na wala namang kabuluhan. Napabuntong hininga ako.

+×+×+×+×+×+×+×+

"Whoo!" Finally, I finished arranging my things in my room here in province.

I wasn't able to finish arranging all of my things yesterday and it's all because of my clothes. They are too many that I regret bringing it with me! Cabinets here doesn't have rods para maisabit na lang sana ang mga damit. Tiniklop ko pa tuloy ang mga iyon.

However, Manang Tasing and Kuya Lando finished what it needs to be done in the kitchen and living room last night. They also have their own small rooms. They will be with me while I'm studying here.

"Anak, kakain na," I heard Manang Tasing behind my door. Isa sa pinakamatagal at mapagkakatiwalaan naming maid.

"Sige po. I'll be there in a minute." Inayos ko ang aking bedsheet na nagulo kanina. Nang matapos ay bumaba na ako para kumain.

"Maayos na ba ang lahat?" Manang spoke behind my back as I look around in my room when I got back after eating. Well, yeah, I'm really done. My room is nice!

I get my fillers and sign pen from my bag. I'm planning to write my notes. But as soon as I got my phone from my bed, it vibrates. I saw that I have 9 messages and a missed call, all of it was from one person. It was Leslie.

My brows raised to what I have read.

"What is it?" I murmured, curious to what Leslie is talking about.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now