Epilogue

3.1K 35 14
                                    

One Year Later

Isang taon na ang nakalipas simula noong huli kong makita si Jennie. Isang taon na ang lumipas simula noong nanahimik ang buhay ko, ang buhay namin nila Roseanne, Jisoo, at Kuya Jin. Simula noon ay sinusuportahan na nila ako sa trabaho ko. Maraming nagpapasalamat sa akin sa tuwing natutulungan ko sila. Mapamaliit o malaking bagay man ang naitulong ko sa kanila.

"Lisa!" Narinig kong tawag sa akin ni Jisoo mula sa baba. Kakagising ko lang at hindi ko alam kung bakit naririnig ko na agad ang boses ni Jisoo.

Sa kanila pa rin kami nakatira, kahit gusto na namin ni Roseanne na bumukod dahil nakakahiya na sa kanilang mag-asawa.

"Bakit?" Sagot ko sa kanya pagkatapos kong maghilamos at magmumog. Mabagal akong bumaba dahil medyo inaantok pa 'ko. Nakita ko si Roseanne na may kausap na ibang babae. Nang makita na ako ni Jisoo ay agad niya akong hinila pababa.

"May bisita ka." Nakangiting sabi nito at lumingon ako kay Roseanne. Pagkatingin ko sa kanila ay napatigil sila sa pag-uusap.

Tumayo si Roseanne at nagpunta sa tabi ni Jisoo. Nakangiti akong sinalubong ng bisita ko.

"Kailan ka pa nakalabas ng rehab?" Tanong ko sa kanya at saka umupo sa tabi ni Jennie na iba na ang kulay ng buhok. (multimedia) Malaki na rin ang ipinagbago niya.

"Kahapon lang." Sagot niya sa tanong ko at tumango lang ako. Tinignan ko sila Roseanne pero wala na sila doon ni Jisoo. Tumayo ako at inaya ko si Jennie na mag-usap sa labas.

"Alam mo Lisa. Mahal pa rin kita." Panimula niya at bigla akong natigilan. Bigla kong naalala yung sinabi niya one year ago, bago siya dinala ng mga pulis. Tibay naman ng feelings niya para sa'kin. Umabot ng isang taon.

"Per---" Tumigil ako sa pagsasalita ng itinaas niya ang kamay niya para pigilan ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya at ngumiti lang siya.

"Kaso narealise ko na, hindi talaga 'to tama." Sabi niya kaya biglang gumaan ang loob ko. Mabuti na lang.

"Simula nang maging okay ako, pinakawalan na kita kahit hindi ka naman naging akin." Sabi niya ulit at bahagya siyang tumawa kaya napangiti ako sa kanya.

"Natutuwa ako na naging okay ka na." Pag-amin ko sa kanya. Hindi man halata na natutuwa ako sa pagbalik niya pero seryoso ako sa sinabi ko.

Minsan man akong nagalit sa kanya dahil sa hindi ko matandaang dahilan. Minsan ko mang gustuhin na patayin siya dahil sa trabaho ko. Hindi pa rin mawawala yung pinagsamahan namin bilang magkaibigan. Kahit na under the influence of drugs siya ng mga panahong 'yon, deep inside alam kong sincere siya sa mga sinabi niya. Inosente si Jennie, at hindi kakayanin ng konsensya ko na magalit sa kanya. Biktima lang din si Jennie kaya minabuti kong intindihin siya.

Kaya hindi ko siya pinatay kahit na mayroon na akong pagkakataon one year ago.

Hindi ko man naibalik sa kanya yung feelings na mayroon siya para sa akin, special pa rin siya sa akin. May puwang na siya sa puso ko kasi dahil sa kanya, dahil sa kanya kung bakit nawala na sa buhay namin yung asungot na Clarise na 'yon.

Akmang yayakapin niya ako pero agad ko siyang pinigilan. Duh, hindi pa ako naliligo. Nakakahiya.

"Huwag, kakagising ko lang. Hindi pa 'ko naliligo." Natatawa kong pigil sa kanya kaya umatras agad siya at natawa na lang din.

"Lisa! Jennie! Pasok na may inihanda na akong pagkain." Sigaw ni Kuya Jin mula sa bahay at napalingon agad kami sa kanya. Nagkatinginan muna kami ni Jennie bago kami dali-daling pumasok sa loob.

Pagkapasok ko ay hinila agad ako ni Roseanne papunta sa kusina kung saan ay kakatapos lang nila Kuya Jin at Jisoo na magluto.

"Kamusta naman ang naging pag-uusap niyo?" Aniya.

"Ayos naman. Tinanggap naman niya yung fact na hindi ko talaga mababalik yung feelings niya para sa akin." Kaswal kong sabi sa kanya at tumango na lang siya sa sinabi ko.

"Bakit kaya?" Tanong ulit niya sa akin at nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Anong 'Bakit kaya?'?"

"Bakit kaya hindi mo naibalik yung feelings na meron siya para sa'yo?"

Napaisip ako sa tanong niya. Oo nga 'no. Bakit nga ba hindi ko naibalik sa kanya 'yon? Hindi naman ako straight and nagustuhan ko din naman siya at some point.

"Siguro hindi lang talaga kami destined para sa isa't isa."

End

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now