11

2.5K 57 2
                                    

Ilang araw na lang at malapit na kaming makalabas ni Roseanne dito. Akala ko magiging pasakit or sabihin na nating gagambalain pa ni Ms. Hipon yung buhay ko sa loob ng military. Hindi nga pala ako ang top priority niya sa panggugulo, si Jisoo pala. Nakakatanggap kami ng mga balita in a secret way. Hindi naming hinahayaan na magambala ni Ms. Hipon sila Jisoo-unnie, special thanks to Cody's connections.

"Lisa, two days from now, mababantayan na natin yung bestfriend mo." Napaupo kami ni Roseanne dito sa puno sa likod ng dorms. Walang masyadong dumadaan or nagpupunta dito kaya masarap talagang tumambay. Lumingon ako sa kanya ng mapansin kong may hawak-hawak siyang phone.

"Icontact mo si beshywaps, balitaan mo na siya." Aniya habang tumatawa ng mahina. Hindi ko alam na sa ilang buwang samahan naming, maiimprove ang humour niya. Thank me later, Rosyanabels.

"Bumebeshywaps ka na ha. Amin na." Sabi ko sabay hablot sa phone na hawak-hawak niya. Dinial ko ang secret number ni Jisoo-unnie. Bakit secret number? Alam naming may mga connections din si Ms. Hipon kaya kailangan naming mag-ingat.

"Jisoo?" tanong ko nang sagutin niya agad sa isang ring pa lang. napangiti ako nang narinig ko na ang boses niya.

"Lisa? Bakit napatawag ka?" Alam kong nakakapagtaka para sa kanya na mas madalas na akong tumatawag sa kanya. Simula nang malaman niya yung tungkol kay Ms. Hipon at sa plano niya, nagsimula na siyang maging cautious, well yun ang sabi niya.

"In two days, makakabalik na ako." Si Roseanne ang nagsisilbing look out ko sa tuwing nagkakausap kami ni Jisoo sa phone ng patago. Narinig ko kay Jisoo ang pagiging excited niya sa muli kong pagbabalik.

"Bakit mukhang napaaga?"

"Babae kami kaya mas maaga ang alis namin ni Rosyana." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Puro k-drama kasi ang alam ng babaeng 'yon kaya walang kaalam-alam sa ibang bagay. Masyado din yatang busy sa asawa niya.

"Ah ganun ba. Ano nang balita tungkol kay Ms. Hipon?" Aniya na ikinabuntong-hininga ko. Kahina-hinala na yung hindi niya pagpansin sa akin. Mukhang wala ring alam sila General at Lieutenant General. Sa pagkakaalam naming, walang alam ang dalawa tungkol sa lovelife no'n.

Pinaliwanag ko na sa kanya yung mga napapansin ko. Mabuti na lang talaga at makakaalis na kami dito. Hindi na kami mahihirapan pang protektahan yung mag-asawa.

Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil baka may makahuli pa sa amin. Nakita ko na nakakunot si Roseanne habang tinatanggap yung phone.

"Diba bisexual si Clarise?" Tanong niya sa akin na bigla ko rin namang ikinakunot. Bakit naman kaya niya natanong bigla?

"Oo, bakit?" Tinignan ko siyang mabuti pero ganun pa rin siya. Nag-iisip ng malalim, mas malalim pa yata sa Pacific Ocean.

"Ah wala wala." Bigla na lang siyang tumayo at akmang iiwanan na ako pero hinawakan ko na ang braso niya. Tinignan niya lang ako, nakangiti na parang tanga.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya nang nakatayo na ako. Pinagpag ko yung pwet ko kahit wala naman ako no'n, slight lang.

"Wala naman. Diba pogi ka?" Tanong nanaman niya sa'kin. Minsan talaga sana nababasa ko utak neto. Bigla-bigla na lang nagtatanong ng walang katuturan. At saka alam naman na niya ang sagot do'n. Pogi naman talaga ako. Hindi nga lang pumapatol sa kapwa babae.

"Of course, hindi naman nagbago 'yun." Pagmamayabang ko sa kanya. Tumawa siya pero bigla siyang nagseryoso ulit. Ano ba talagang problema niya?!

"Bakit hindi ka pumayag sa unang plano?" tanong niya na may halong pang-aasar. Ngumiti pa talaga ng nakakaloko amp. Hahampasin ko na sana siya nang biglang may dumating na epal.

"Hoy! Bakit nandito pa kayo? Hinahanap na kayo ni bebe ko este ni Cody." Sabi bigla ni Bryan nang bigla siyang sumulpot sa harapan namin. Medyo naiilang pa rin siya kay Roseanne dahil nalaman niya na minsan na siyang naging "crush" nito.

"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami palabas sa likuran ng dorm. Napansin kong todo hairflip pa si Roseanne habang naglalakad kami, nadadaanan kasi namin yung mga bruhang minsan nang umaway sa kanya. Kesyo hinding-hindi daw makikipagkaibigan si Bryan sa kanya.

"Wala lang." Nagkibit balikat na lang ako sa sinagot ni Bryan. Ano pa nga bang maaasahan ko sa isang 'to? Wala naman yatang nasabing matino sa akin yan.

Dumiretso na lang kami sa dorm at nakasalubong namin si Clarise. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya tinignan ko siya pabalik ng mula paa hanggang ulo.

Panis.

"May problema ba?" Tanong niya sa akin. Nakataas ang isa niyang kilay na hindi naman pantay. Tumawa ako ng sarkastiko saka sumagot sa kanya.

"Wala naman." Mahina kong sabi bago akmang lalagpasan siya pero napatigil ako bigla. Tinignan ko ulit siya at chineck ko yung mukha niyang mas makinis pa ang NLEX.

"Paderma ka ha? Pantayin mo na rin kilay mo." Nakangiti kong sabi sa kanya bago umalis. Nakita ko pang bahagyang natawa sila Bryan at Roseanne sa ginawa ko habang si Clarise naman ay natameme lang.

"Panisss." Kumento ni Cody. Napanood din niya pala yung ginawa ko. Bilib nanaman siya sa akin niyan.

"Pero ang sabi ko paibigin hindi alipustahin." Medyo natatawa niyang sabi na ikinairap ko na lang. Hindi naman ako pumayag na gawin yung planong 'yon. Hinding-hindi ako papatol kay Clarise jusko naman.

"Hindi naman ako pumayag sa planong 'yon ah? Bakit mo 'ko sinusumbatan?" Pagtataray ko sa kanya. Alam kong walang palag yung pagiging monster niya sa pagtataray ko kaya panis siya diyan. Napairap na lang din siya bago siya hilain ng jowa niya.

Stay strong.

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon