16

1.9K 44 7
                                    

"Welcome my dear friend. Sus. Bakit? Close ba kami? Kainis." Sabi ko sa sarili ko habang tinutupi yung papel na nahulog kanina. Sino naman kaya yung 'clrs'? Hindi yata uso yung vowels nung ginawan siya ng pangalan ng mga magulang niya.

Sinarado ko nga pala ulit yung pinto. Lamig kasi ng hangin e.

*click*

"Hi."

Bigla na lang nanigas ang buo kong katawan nang mapagtanto kong may kung ano na nakatutok sa ulo ko. Nang dahil din sa tunog kanina, alam kong baril 'yon. At kung sino ang nagsalita, alam ko rin 'yon.

"C-clarise?" Sabi ko sabay harap sa kanya. Pero nagulat ako nang makita kong wala namang tao sa likod ko at wala ding baril. May narinig akong tawa na halos mag echo na sa buong bahay.

Itinuloy ko na lang ang paglalakad ko at nang mapansin kong may naapakan akong kakaiba, agad kong nilabas ang phone ko para ilawan 'yon. Laking gulat ko nang malaman ko kung ano ang mga 'yon.

Mga litrato.

Mga litrato ni Jennie. Bakit naman 'to nandito? Ano bang problema ni Clarise? Nananahimik si Jennie, hindi siya dapat madamay dito.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko kasabay ng pagpulot ko sa mga litratong nakakalat. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging masikip sa pakiramdam. Itinigil ko ang pagpupulot at tumayo ng diretso.

Nasa harapan ko ang isang pinto. Luma at yari sa kahoy. Bahagyang nakaawang kaya mas malinaw kong naririnig ang ingay sa likod ng pinto. Ingay na para bang umiiyak.

Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at naramdaman ko na lang na naninikip ang dibdib ko kahit wala naman ako no'n. Bakit siya nandito? Hindi dapat. Tatakbo na sana ako papalapit sa kanya pero napatigil ako bigla. Nasa loob siya ng isang kahon na gawa sa salamin. Kaya hindi ko agad nalaman kung may harang ba o wala.

Oh diba ang tanga?

"Jennie?" Nag-aalala kong tanong. Nakapiring ang kanyang mga mata at nakagapos ang buong katawan. May tela na nakaharan sa kanyang bibig na tumitigil sa kanya sa paggawa ng ingay.

Ang dating matapang at magandang Jennie na nakikita ng iba, lubhang nasasaktan at nahihirapan dahil sa kagagawan ng kapatid niya sa labas.

Nakarinig ako ng tunong ng takong na papalapit ng papalapit sa akin. Habang tumatagal, kinakain ako ng galit at hindi ko na naisip kung ano ang maaaring sabihin sa akin ng iba kapag may nagawa akong masama.

Nabitawan ko ang mga litratong pinulot ko pati na rin ang phone. Tinignan ko ang buong paligid at laking gulat ko na nasa tabi ko na agad si Clarise na may hawak na baril. Nakatutok sa ulo ko ang baril pati na rin ang mga mata niyang akala niya ay makakapagpa-intimidate sa akin. Masyado na siyang napabayaan ng nanay niya. Palibhasa anak lang sa labas.

"Paano mo nagawa 'to?" Matigas kong tanong sa kanya habang nararamdaman kong nanginginig na ang buo kong katawan ng dahil sa akin.

Malinaw kong nakikita ang mukha niya nang dahil sa ilaw na nasa ibabaw ni Jennie. Kita ko ang paglisik ng kanyang mga mata at ang malasatanas niyang ngiti. Tinitigan kong mabuti ang kanyang mga mata at bigla akong kinilabutan ng may nakita akong kakaiba.

Isa lang ang alam ko.

Hindi siya tao.

Kung hindi edi ano? Alien? Hayop? Mythical creatures? Ay wow.

Tapos na ang halloween bakit ngayon lang siya nagcostume? Paspecial masyado.

"Hindi 'to costume." Tahimik niyang sabi na ikinilaki ng mga mata ko. Hala marunong yata magbasa ng isip ang isang 'to. Hindi nga siya tao.

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o nasa loob ako ng isang fantasy story. Bigla na lang kasing umapoy ang mga mata niya at nagpalit ng damit kahit na nakatayo lang naman siya sa harapan ko. Ni hindi nga niya ginalaw ang kamay niyang may hawak na baril na nakatutok sa akin. Napalitan ng mga puro itim ang suot niya kanina.

"Nagulat ka ba?" Tanong niya sakin na halos natatawa. Ngumiti ako pabalik sa kanya at saka inagaw ang baril in one swift move. Nagulat siya sa ginawa ko at namental block siguro.

"Hindi." Matapang kong sagot sa kanya. Itinutok ko sa kanya ang baril at kumuha pa ng isa na nakaipit sa likod ko. Kaya ako nagmilitary. Hindi naman ako papayag na magiging under ako sa kahit kanino, lalo na sa mas bata pa sa akin.

Hindi naman ako ganoon ka tanga para hindi magdala ng pang defense ko. Simula nang makaalis ako sa military, nagsisimula na rin akong magtraining tuwing gabi sa isang kaibigan. Siya ang sabihin na nating pinakamagaling na secret agent sa Korea. Hindi naman sa pagmamayabang pero ilang araw pa lang ang nagiging training namin ay nasabihan na niya ako na kayang-kaya ko na siyang talunin.

Bago ako lumabas ng bahay para hanapin yung papel na sinasabi ng unknown number kanina. Nakasuot na ako ng black na sando na pinatungan ng leather jacket na may mga bulsa sa loob. Doon na din nakalagay ang nga pocket knife at yung iba kong baril. Nasa pants ko naman ang mas maliliit na pocket knife at mga injection na makakapagpatulog ng tatlong oras sa mga matuturukan nito.

Hindi alam nina Jisoo na meron ako nito, kahit si Roseanne. Kahit si Jennie, hindi niya rin alam. Mas minabuti ko na hindi agad nila malaman. Mahirap na baka pagbawalan pa ako. Hindi rin naman ako nakikita ni Jennie ngayon dahil nga nakapiring siya ano ba.

"What the--" Naputol ang sinabi ni Clarise nang maturukan ko agad siya ng injection na makakapagpatulog. Bumagsak siya sa sahig at agad kong hinanap ang makakapagpabukas sa salamin kung saan nasa loob si Jennie.

Nang mahanap ko na ay agad itong bumukas at dali dali kong tinanggal ang mga gapos niya. Tinanggal ang piring pati na rin yung nasa bibig niya. Nag-adjust siya sa kaunting liwanag na nasalubong ng mga mata niya at agad akong tinignan. Bigla niya akong yinakap dahilan para mapahiga kaming dalawa at...

At magkalapit ang aming mga labi.

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now