22

1.6K 30 3
                                    

"Congrats." Nakangiting salubong sa amin ni Miss S nang makabalik kami sa kung saang lupalop man siya nakatira. Pagod man ay nagawa pa rin naming ngumiti dahil sa wakas ay may natapos akong isang misyon. "Kailan ang susunod?" Tanong ko sa kanya na biglang ikinaseryoso ng mukha niya.

"Sa totoo lang, dapat hindi mo muna malaman ngayon." Tahimik niyang sabi kaya bigla akong napakunot ng noo. Gusto ko man siyang tanungin kung bakit ay hindi ko magawa dahil ayaw ko naman na maging makulit sa kanya. Makakapaghintay naman siguro 'yon.

"Ganoon ba? Sige, mauna na ako." Pagpapaalam ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas sa opisina niya. Mabilis akong naglakad palabas at nagulat ako ng biglang nagring ang phone ko.

"Lisa?" Tanong ng taong nasa kabilang linya. Hindi ko na napansin ang caller id kasi because. "oh-- Jennie?" Nagulat ako nang malaman ko na siya pala yung tumawag sa akin. "Napatawag ka yata?" Tanong ko sa kanya ng mapansin kong hindi pa rin siya kumikibo. "Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin." Tahimik niyang sabi at wala sa sarili akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Okay naman ako, ikaw ba?" Nakangiti kong sagot sa kanya habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada pauwi.

- Jennie's POV -

"Okay naman ako, ikaw ba?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito kapag kausap ko siya. Parang nawawala yung pagkaanimal ko. Pag-ibig na nga ba it--

"Lisa?" Nagulat ako dahil bigla siyang sumigaw. Naputol ang tawag at napatingin na lang ako sa phone ko. Aaminin ko, medyo kinabahan ako dahil sa sigaw niya.

"Ano meron?" Tanong ko kahit alam kong wala namang sasagot sa akin kasi mag-isa lang naman ako sa kwarto ko. Nilagay ko na lang ang phone ko sa nightstand at nagpasyang matulog.

- Lisa's POV -

"hOY! pVt∆NGINA iBALIK MO YAN! HAUP KA!" Sigaw ko sa lalaking naka motorsiklo na umagaw sa phone ko. Ang saya saya kong naglalakad dito tapos hahadlang yung hinayupak na animal na 'yon! Wala ba siyang sariling phone ha?!

"Huy, kalma." Narinig kong may nagsalita sa likod ko. Napalingon ako sa likod ko at nagulat ako nang makita ko kung sino yung nagsalita. Matagal-tagal na ang huli naming pagkikita. Bata pa lang yata kami noon. At bago pa siguro kami magkakilala ni Jisoos.

"Momo?! Ikaw ba yan?" Magkahalong tuwa at gulat kong tanong sa kanya. Lumapit ako sa kanya para malaman ko kung si momo ba talaga itong nasa harapan ko. Malay ko bang si Momo na nag-uutos ang nasa harapan ko 'diba?

"Ako 'to." And I'm not gonna kill you." Natatawa niyang sagot.

"Ay kaloka. Kamusta ka namang bakla ka?" Tanong ko sa kanya sabay hampas sa braso niya. Siguro naman ay namiss niya ang panghahampas ko sa kanya noong mga bata pa lang kami. Sabay kaming pumapasok noon sa dance class malapit sa amin. Pero simula nang lumipat sila ng pamilya niya papuntang Japan, hindi na kami nagkausap.

"Okay naman ako. E ikaw ba? Buhay pa rin 'yang bangs mo ha?" Nang-aasar niyang sabi sabay gulo sa precious kong bangs.

"Aba siyempre. Baka makita nila yung airport na pagmamay-ari ko." Sabi ko sa kanya at napagdesisyunan na naming maglakad. Natawa siya sa sinabi ko. Kinwento niya ang mga nangyari sa kanya noong bumalik sila sa Japan. Mahirap para sa kanya na mag-adjust ulit dahil nasanay na siya sa amin.

"Ano namang nangyari sa'yo?" Tanong niya sa akin. Sinabi ko lahat ng pwedeng sabihin maliban na lang tungkol kay Jennie. Baka kasi isipin ni Momo na bakla ako e talagang bakla naman ako e soooo.

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now