27

1.3K 26 2
                                    

Pagkatapos namin kumain ay nagmadali nang umalis si Jennie nang hindi ko man lang natatanong kung bakit. Hahabulin ko pa sana siya para ihatid pauwi pero hinayaan ko na lang siya.

Mabilis akong nakauwi sa amin at sinalubong agad ako ng ususerang si Roseanne.

"Anong nangyari sa date niyo?" Tanong bigla sa akin ni Roseanne na ikinakunot ng noo ko. Inalis ko siya sa harapan ko at dire-diretsong umupo sa sofa.

"Anong date? Walang date na naganap." Inis kong sabi sa kanya at halata sa kanya na dismayado siya sa sinabi ko. Naupo din siya sa tabi ko at isinandal niya ang ulo niya sa kamay niya na nakapatong sa sandalan ng sofa.

"So ano 'yon?" Tanong ni Roseanne sa akin kaya hindi na naalis ang kunot sa noo ko.

"Inaya ko lang siya kumain kasi gutom na 'ko. Hindi date 'yon." Paliwanag ko sa kanya sabay bukas ng phone ko. Wala naman talaga akong balak na buksan 'to pero gusto 'kong takasan yung mga tanong ni Roseanne.

"So hindi mo siya gusto?" Tanong niya sa akin na ikinaangat ko ng tingin mula sa phone.

Napataas ako ng kilay at inis na inis na umirap sa kanya.

"Hindi." Maiksi 'kong sabi sa kanya na ikinainis niya. Ano namang nakakainis sa sinabi ko? Hindi ko naman talaga siya gusto.

Uh, siguro? Pero hindi e.

Tumayo na lang ako at dumiretso na sa kwarto. Hinayaan ko na lang si Roseanne na mainis doon sa baba at napagpasyahan ko na lang na magpahinga.

Ilang oras na akong nakatulala pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok.

Napagdesisyunan ko na lang na kunin ang phone ko at magkulikot ng kung ano-ano.

Isasarado ko na sana ang phone ko at ibabalik sa nightstand sa tabi ng kama ko pero biglang may lumabas na message.

Mabilis 'kong tinignan iyon at nalaman 'kong galing kay Jennie ang message. Gabi na pero bakit gising pa siya. At ano naman ang gusto niyang sabihin sa akin.

Naalala ko kaagad yung mga nangyari kanina. Yung gusto niyang sabihin sa akin. Gustong-gusto ko na malaman pero parang ayaw talaga ng tadhana na malaman ko 'yon. Bakit kaya?

Jennie: Lisa?
Lisa: hmm? bakit gising ka pa?
Jennie: masama ba?
Lisa: hindi naman. pero late na kasi.
Jennie: so concerned ka sa akin?

Napatitig ako sa message niya para sa akin. Concerned nga ba talaga ako sa kanya?

Lisa: as a friend.
seen 9:05 pm

Hindi na siya nakapagreply sa message ko. Siguro nakatulog na siya. Baka dinapuan na ng antok. Sana all.

Nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan na biglang umilaw ang phone ko.

***

Malapit na mataposssss~

destined | lisa ✔️On viuen les histories. Descobreix ara