32

1.8K 27 1
                                    

"sige! Lumapit ka Lisa! Para makita mo ng harap-harapan ang pagkamatay ng pinakamamahal mo!"

"Luh? Nakadrugs nga kayo." Iyon na lamang ang tangi kong nasagot sa sinabi ni Clarise. Pinakamamahal? Siguro, pinakamamahal na kaibigan pero hindi e. Wala pang taon na kilala ko si Jennie so no.

Walang emosyon si Jennie habang nakatitig sa akin samantalang si Clarise naman ay halos lumuwa na ang mata niya at madurog ang baril sa ulo mismo ni Jennie.

Babarilin na sana ni Clarise si Jennie kaso muli nanaman itong naagaw ni Jennie. Wala pa ring emosyon ang mukha niya pero halata sa kanya ang galit.

"Ikaw muna ang mamatay cyst." Sabi ni Jennie at saka walang habas na binaril ang ulo ng mokong na gulat na gulat sa ginawa ni Jennie. Kahit ako nagulat din ako sa ginawa niya, siyempre pati yung mga pulis na kasama ko nagulat din.

Inulit pa nito ang pagbaril sa ulo niya at ngayon alam ko nang hindi ko mapapatay si Jennie, kasi makukulong siya. Nakapatay ba naman siya ng asungot sa harap ng mga pulis.

Akmang huhulihin na ng mga pulis si Jennie at ako naman ay nakatalikod na at magsisimulang lumayo sa kanya ng makaramdam ako ng matigas na bagay sa likod ng ulo ko.

"Saan ka pupunta Lisa?" Malambing na tanong sa akin ni Jennie sabay diin ng baril sa ulo ko. Masakit yon pero hindi ako umaray. Natawa lang ako sa sinabi niya. Hindi naman niya ako mababaril kahit pa kalabitin niya ang gatilyo. Dadalawa lang ang bala ng baril na hawak niya, at inubos na niya 'yon kay Clarise.

Pero para makasigurado, hinawakan ko na ng mabuti ang baril na hawak-hawak ko para hindi niya maagaw. Mabilis pa maman ang kamay niya.

"Hindi naman siguro halatang mahilig ka sa ulo?" Tanong ko sa kanya bago ako bahagyang tumawa ng nakakaloko. Humarap ako sa kanya habang nakatutok pa rin sa akin ang baril. Nagtitigan lang kami hanggang sa may bumagsak na luha sa mata niya. Itinaas ko lang ang kilay ko sa kanya at saka nagsalita ulit.

"Ano na? Babarilin mo pa ba 'ko? Gutom na 'ko." Bored 'kong tanong sa kanya at saka niya binitawan ang baril. Napaupo siya sa pwesto niya at saka naghahagulhol na parang bata. Tinignan siya ng mga pulis at tinignan ko rin sila. Sinenyasan ko na sila na kunin na si Jennie at saka na ako naglakad palayo.

Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay narinig kong nagsalita nanaman si Jennie.

"Lisa, mahal kita." Hindi ako tumigil sa paglalakad, dumiretso lang ako at lumabas ng kwarto hanggang sa nakasalubong ko sina Cody at Brian kasama ang iba pang mga pulis.

Nakasakay na ng ambulansya si Clarise at dinadala na si Jennie papunta sa police mobile. Nakapamulsa lang akong nakatingin sa kanila at saka ako tinapik ni Cody.

"Akala ko papatayin mo talaga siya." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. "Kawawa e. May pag-asa pa siyang magtino." Sabi ko sabay tawa. Napangiti rin ang magjowa sa sinabi ko kaya inaya na nila akong umuwi. Ang pulis na daw ang bahala na mag-ayos ng mga kailangang ayusin.

"Sigurado kang hindi mo talaga siya gusto?" Tanong bigla ni Brian na nasa tabi ni Cody sa harapan ng sasakyan.

"Pati ba naman ikaw?!" Inis kong tanong sa kanya at natawa silang dalawa sa ginawa 'ko. Kahit kailan talaga 'tong mga bakla na 'to.

"Pero seryoso. Nagkagusto ako sa kanya, pero nawala na." Seryoso kong sabi sa kanila. Tumango lang silang dalawa sa akin at saka ako hinatid sa bahay nila Jisoo.

new fanfic. check my profile.





destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon