23

1.3K 28 0
                                    

"Oh, sino naman 'yang maganda mong bisita?" Salubong sa akin ni Jisoo pagkapasok ko sa bahay. Sinama ko na si Momo para malaman niya kung saan ako nakatira. At naginsist rin naman siya na gusto niya akong samahan pauwi dahil wala naman akong matatawagan kasi nga ninakaw phone ko, 'di ba?

"Jisoo-unnie, si Momo nga pala. Childhood friend ko. Momo, si Jisoo, childhood friend ko din at parang ate na rin hehe." Sabi ko sabay ngisi sa kanilang dalawa. Nagshake hands sila at nagbow pa sa isa't isa. Napansin kong si Jisoo lang ang nasa bahay. Nasaan na kaya yung asawa niya at si Roseanne? Pinaupo ni Jisoo-unnie si Momo sa sofa at nagpaalam na kukuha ng kanyang maiinom. Nagpaalam rin ako para pumunta sa kwarto ko para magbihis. Paano na ako neto? Wala akong phone.

"Lisa, aalis tayo." Bigla kong narinig si Jisoo na nagsalita sa likod ko.

"Si Momo?"

"Umuwi na, hindi nakapagpaalam sa'yo. Emergency yata e."

"Ahhh."

"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya bago siya makalabas ng kwarto ko.

"Nasaan yung phone mo?" Tanong niya sa akin at bigla akong natigilan.

"Ahm, ninakaw e. Hehe." Nahihiya kong sabi sa kanya bago tumingin sa sahig.

"Exactly." Sabi niya bago siya lumabas ng kwarto ko at sinarado ang pinto. Naguluhan ako sa sinabi niya pero nagpalit na lang ako ng mas komportable na damit at bumaba na.

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now