15

2.1K 47 4
                                    

"What the hell?" So kailangan talaga na isama pa ako? Sumasayaw ako pero never pa akong kumanta. Oobject pa sana ako sa idea ni Kuya Seokjin pero alam kong wala akong magagawa dahil papayag silang lahat. Isa lang ako, apat sila. Talo tayo mga par.

"Wala ka namang magagawa e." Bulong sa akin ni Roseanne na may kasamang nang-aasar na tawa. Napairap na lang ako sa kawalan dahil may tama siya sa utak este may tama siya sa sinabi niya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nag-usap usap pa rin sila tungkol doon pero hindi na ako nakisali pa.

Nauna akong natapos sa kanila kaya dumiretso na ako sa kwarto. Hihiga na ako nang biglang tumunog ang phone ko.

1 new message

Agad kong binuksan ang phone ko para tignan kung sino ang nagmessage. Napatigil ako dahil unknown number ang sender at sa palagay ko, adress ang isang 'to.

Hindi ko na pinansin pa yung message pero nagtext ulit yung unknown number.

"Pumunta ka sa gate ng bahay niyo."

Grabe nakakakilabot ha. Paano kung ayaw ko? May maagawa ba yung sender? Wala naman hindi ba? Pero dahil mukhang papatayin ako ng curiousity ko, nilagay ko sa bulsa ang phone ko at tahimik na lumabas ng kwarto.

Wala na sila sa sala, mukhang sa kusina nagkuwentuhan. Sinilip ko muna bawat sulok ng sala para siguraduhing hindi ako makikitang lumabas. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at tinignan kung may tao sa labas. Sinarado ko ulit 'yon at tahimik na dumiretso sa gate.

Tinignan ko ulit ang phone ko at saktong may message nanaman.

"Hanapin mo ang isang papel."

Putangina naman. Bakit ko pa kasi sinusunod ang isang 'to. Ni hindi ko nga siya kilala e. Sino ba siya? Nanay ko ba siya? Tatay ko ba siya? Jowa ko ba siya?

Ay wala nga pala akong jowa.

Wala na akong nagawa kung hindi ang hanapin ang papel na sinasabi ng mokong na nagtetext sa akin. Nakita ko 'yon na nakatago sa gilid ng gate. Hindi na nagtext ulit yung unknown number kaya binuklat ko na lang yung papel.

Pagbukas na pagbukas ko. Bumungad sa akin ang papel na may mga mantsa ng dugo o ewan. Kung ano man 'yon. Baka wala sigurong napkin yung naglagay nito dito kaya ito na lang ang ginamit. Pero hindi naman siya amoy dugong-dalaw. May nakasulat doon na halos hindi ko maintindihan dahil maliit. Parang ikaw. Charot.

"Jenlisa pa rin mga ulol? Anong klaseng code name 'to." Napasalita ako ng mag-isa dahilan para siguro marinig ako ni Jisoo na nasa pintuan na pala. Tinago ko ulit ang papel at saka humarap sa kanya na nakataas na ang kilay at nakapamewang pa. Akala mo naman talaga, e mas matangkad pa ako sa kanya.

"Ano yan?" Aniya kaya bigla akong napalunok lalo na nang tignan niya kung ano yung hawak ko sa likod ko. Napayuko ako nang tuluyan na niyang makuha sa akin 'yon.

"Hala ano 'to?" Tanong niya sa akin. Binasa niya kung ano ang nakasulat. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. May sira na ba talaga 'to sa utak?

"Fan niyo pala ni Jennie yan e." Sabi niya sabay hagalpak nanaman sa tawa. Wala man lang pakialam kung magising yung mga kapitbahay. Nasisiraan na talaga siya ng ulo. Tinapik-tapik niya ang balikat ko bago pumasok ulit sa loob.

Naisipan kong replyan yung unknown number dahil hindi ko naman alam kung kailan ko kailangang pumunta sa sinasabi niyang adress.

Mabilis akong nakatanggap ng reply. Buti pa 'to mabilis magreply.

"Ngayon na mismo."

Bahagyang lumaki ang mga mata ko at tinawag ko ulit si Jisoo. Lumabas naman siya agad at dali-daling tumakbo papunta sa akin. Akala mo tumakbo sa marathon dahil pagdating sakin hingal na hingal. Loka-loka.

"Kailangan kong umalis." Sabi ko sa kanya at bahagyang kumunot ang mga noo niya. Tila ba naguguluhan at nagtataka pa siya sa sinabi ko. Nag-isip isip muna siya ng kung ano bago tumango-tango. Akala mo naman talaga may isip.

"iYON LANG PALA SASABIHIN MO DAPAT TINEXT MO NA LANG AKO!" Bigla niyang sigaw kaya automatic akong napatakip ng tainga dahil sa boses niya. Sakit sa ears.

Tinawanan ko lang siya at saka pumasok sa loob para kunin ang bag ko. Lumabas agad ako at hindi ko na siya nakita pa ulit. Mukhang pumasok na rin yata. Sinarado ko ang gate at naisipan kong maglakad na lang. Pero dahil gabi na, magtataxi na lang ako. Baka may mangyari pa sa akin, sayang yung katawan ko gosh.

Pagkadating ko sa mismong adress, nakakapagtaka dahil isa lang naman 'tong abandonadong bahay. So ano bang gagawin ko dito? Tinignan ko ulit ang phone ko at sakto namang nagtext ulit yung unknown number.

"Pumasok ka sa loob."

Wtf? Ako? Papasok sa abandonadong bahay na 'to? Tangina naman. Naisipan ko nang replyan 'tong kupal na 'to dahil I'm so bothered. Wow taglish.

"Pinapanood mo ba 'ko?" Pagpindot ko ng send ay tumingin-tingin ako sa paligid para icheck kung may nanonood ba sa akin. Baka naman kasi may kung anong gawin yung 'nanonood'.

"secret" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sagot niya. Nasisiraan na rin 'to ng ulo. Kung magsama na lang kaya sila ni Jisoo?

Pagpasok ko sa loob ng gate ng abandonadong bahay na 'to ay may isang nakaipit na papel. So basically nahulog siya noong binuksan ko ang gate.

"Welcome, My Dear Friend.

- Clrs"

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now