4

3.5K 67 1
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na kahit papaano'y nakakapasok dito sa kwarto namin. Hindi ko pa gustong bumangon pero kailangan. Wala na ako sa bahay. Kailangan ko ng maging responsable sa mga bagay-bagay.

"Tagal mong magising ah," Ang buong akala ko na natutulog pa ay kumakain na pala. Hindi man lang ako ginising. Simpleng noodles lang ang kinakain niya dahil malapit na kaming magsimulang magtraining.

"Mabuti at hindi ka tumataba," Sabi ko sa kanya. Sa katawan niya, hindi mo mahahalata ang taglay niyang katakawan.

"Mag-ayos ka na. Malapit na tayo mag simula." Sabi niya sabay akyat ulit sa kama niya.

Pagkalabas namin ng kwarto ay mga duwende agad ang nakita namin. Hindi ko alam kung bakit nila kami inaabangan pero naabutan namin silang naglalandian.

"Ehem," pagtikhim ko ay bigla namang kumapit sakin si Roseanne. Hindi naman siya sobrang clingy noh?

"Ang tagal niyo naman," sabi nung maputlang nilalang na halatang inip na inip na. Mabuti na lang at nadiyan si Brian kung hindi ay matagal na niya kaming binulabog ng sigaw niya.

"Sino ba kasi nagsabi sa inyong hintayin niyo kami?" lakas loob na tanong ni Roseanne. Wao tapang naman this gurl.

"Sabay-sabay tayong magtetraining at bago lang kayo kaya kami magiging guide niyo," paliwanag ni Brian dahilan para mawalan ulit ng lakas ng loob si Roseanne. Kawawang nilalang.

Sumunod na kami sa dalawa at nagsimulang maglakad papunta sa hindi ko alam kung saan. Bahagya akong nagulat nang mapansin kong tumigil sa paglalakad ang dalawang nasa harapan at humarap sa amin.

"Wag na wag niyong gagalitin ang General Lieutenant," Biglang sabi ni Cody at naglakad ulit. Ano kayang meron kay General Lieutenant?

"These are Lisa Manoban and Roseanne Park. They'll now join you." Pagpapakilala sa amin ng General Lieutenant. Talaga bang kasama siya sa pagbabantay sa amin habang nagtetraining?

Pumunta na kami sa pwesto namin nang may narinig akong mga bulungan.

"First time sumama ng General Lieutenant ah,"

"Oo nga. Tska kanina pa siya nakatitig dun sa baguhan na blonde ang buhok,"

Teka, ako?!

"Huy, ang bagal mo namang maglakad." Pagtawag sakin ni Roseanne na kanina pa pala nauna sakin. Ang alam ko ako yung naunang naglakad e.

you're whipped.

stfu author. Malay ko bang mabilis palang maglakad 'tong si Roseanne.

Maayos namang natapos ang training namin. Dumiretso na kaming lahat sa mga shared rooms namin. Alam kong ang gara pakinggan pero nag-expect ako ng slight na ipapatawag nanaman ako. Lagi kasi akong nagkakamali, sa kadahilanang nawiwierdohan ako sa Gen. Lieutenant. Ikaw ba namang titigan buong maghapon?

Ginawa ko ang best ko dahil nga first day ko to 'ngina. Pabalik na kami ni Roseanne sa military dorms nang may narinig kaming nag-aaway malapit lang sa kinatatayuan namin. Madilim na kaya alam kong hindi kami makikita nung nag-aaway. Lumapit ako ng kaunti para makita ang isang trainee din katulad namin.

Wait.

Isa lang?

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na nandito ako para mag training at hindi para maghanap ng iba?!"

mAY PHONE SIYANG NAILUSOT DITO SA LOOB!!

I can't believe this. Paano niya nagawa yon? Paturo ples kyah

"Wao, nakalusot yung phone niya dito sa loob ng base?" Manghang mangha na sabi ni Roseanne na hindi ko namalayang kasama ko pala.

Gusto na sana naming bumalik pero nagulat kami ng tawagin kami nung may kausap kanina sa phone. Seryoso ang boses niya pero alam kong takot siya. Ewan ko lang kung bakit.

"Oy."

Kinakabahan at dahan-dahan kaming lumingon pabalik sa kanya. Seryoso ang mukha niya at tila ba nangbabanta ang kanyang mga tingin. Pero--

"hUWAG NIYO KO ISUMBOOOOONNGGG HUEHUE" pabulong niyang sigaw na nagmamakaawa sa amin. Biglang nagbago ang aura niya. Yung seryoso at nangbabanta na mukha kanina ay napalitan ng natatakot, kinakabahan, at nagmamakaawang lalaki.

"Oo, hindi ka namin isusumbong. Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya pero parang mas lalo siyang natakot.

"Theo Kim," Pagpapakilala niya sa sarili niya nang bigla na lang siyang kumalma at nagsalita na parang walang nangyaring kababalaghan sa kanya kanina. Napansin ko ang suot niya. Hindi lang ito basta basta na uniform, mukhang pinatahi at sa isang sikat na clothing brand pa.

"Hulaan ko paborito mong clothing brand," Sabi ko sa kanya sabay arte na parang nag-iisip ng mabuti.

"Sige nga," Excited na parang bata niyang sagot sakin. May pagka maysaltiksautak pala ang isang to. Paano kaya 'to nakapasok ng military...

"Gucci?" Tanong ko sa kanya na kunwari ay hindi ako sigurado pero sigurado talaga ako. Halata naman kasi sa uniform niya yung maliit na pangalan ng gucci, duh.

"Waw, paano mo nalaman?" Manghang-mangha niyang sagot sa sinabi ko. Uto-uto din pala.

"Manghuhula kaya ako," Mayabang kong sagot sa kanya. May narinig akong tawa mula sa tabi ko at nakalimutan kong kasama ko pala si Roseanne.

Nagpakilala na sila sa isa't isa at nagpaalam na rin kami. Pinangako din namin siyempre na hindi namin siya isusumbong. Nakakaawa din kasi yung mukhang tukmol na yun. Hindi na rin pinalampas ni Roseanne ang pagkakataon na makasilip man lang sa kwarto nila Brian kahit saglit. Pero nadismaya siya ng nakita niyang nakasarado ang maliit na bintana ng pintuan nila.

Aalis na sana kami nang may narinig kaming umuungol mula sa loob. Napatigil kaming bigla ni Roseanne. Hindi namin alam kung ano ang irereact namin, kung matatawa ba o mandidiri.

Hinayaan na lang namin iyon at dumiretso na sa kwarto nang may hindi nanaman siguro magandang mangyayari ngayong gabi.

"Excuse me," Pageexcuse ni Roseanne at tuluyan na niya kong iniwan dito sa tapat ng kwarto namin kasama ang Gen. Lieutenant.

"Bakit po ma'am?" Magalang kong tanong sa kanya. Kailangan 'yon kasi ayaw ko pang mamatay na virgin.

"Wala lang,"

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon