19

1.7K 35 5
                                    

"Good morning. Kamusta ang tatlong oras na tulog?" Bungad sa akin ni Jisoo habang nakaupo na silang lahat sa dining table. Nag-aalmusal na sila, ni hindi man lang ako tinawag.

"Ayos." Sagot ko sabay thumbs up. Pagkaupo na pagkaupo ko ay hinigop ko agad ang kape na nakahanda. Halos mapatayo ako nang marealise ko na mainit pa ang kape.

"Ganyan ba ang---"

"Antok lang 'to." Pagputol ko sa sasabihin ni Roseanne dahil alam kong tungkol sa ginagawa ko ang sasabihin niya. Hindi naman sa ayaw kong sabihin kila Jisoo 'yon, pero kasi, 'wag muna ngayon.

Nginitian ko si Roseanne dahilan para sumubo siya ng maraming pagkain. Mukhang takot na yata sa akin ang isang 'to.

"Si Jennie-unnie nga pala, umalis na. Hindi na siya nakapagpaalam sa'yo." Aniya. Obvious naman. Sa isip isip ko.

"Ok." Maiksi kong sagot sa kanila sabay kain, no that's not the appropriate term for that, sabay lamon.

"Gutom na gutom ka ah." Mapang-asar na sabi ni Roseanne pero tinignan ko lang siya ng masama. Masayang nag-uusap ang mag asawa kaya hindi nila nahalata ang ginawa namin ni Roseanne.

"Tungkol nga pala sa napag-usapan na magrerecord kayo ng kanta, mag uumpisa na kayo bukas." Napataas lang ako ng kilay ng marinig kong sinabi 'yon ni oppa Seokjin. Akala ko pa naman hindi tuloy 'yon.

"Bukas na talaga?" Tanong ko habang inuubos ko pa ang pagkain na nasa bibig ko. Tinignan ko si Roseanne at palihim siyang tumatawa sa upuan niya kaya sinipa ko na lang siya.

Tumango-tango si Jisoo at mas lalo pang lumaki ang ngiti niya nang makita niyang inis na inis na ako. Naubos ko na ang pagkain ko kaya dali dali akong umakyat ng kwarto. Naalala ko na may ipapagawa sa akin ang trainer ko.

Shit

Narinig ko nang nagring ang phone ko. Sinagot ko agad ito at lumabas na ng kwarto. Wala sila sa sala kaya hindi na ako nagpaalam.

***

"Bakit ang tagal mo?" Salubong sa akin ng trainer ko na pangalanan na lang nating Ms. S. Bakit S? Kasi Miss Sungit.

"Late na 'ko nakatulog kagabi, anong ineexpect mo?" Sagot ko sa kanya. Sa tagal ng pinagsamahan namin ni Miss S, parang hindi ko na siya trainer. Para ko na siyang kapatid dahil sobrang close na kami.

Umupo ako sa upuan na nasa harapan ng office table niya. Dark themed ang office niya kaya mapagkakamalan mo siyang demonyo, pero sabagay demonyo naman talaga siya. Tinitignan ko lang siya habang naglalabas ng isang itim na folder, na may lamang isang pirasong bond paper sa loob. Ibinigay niya 'yon sa akin.

"Buksan mo." Binuksan ko ang sinabing folder pero nagtaka ako kung bakit hindi ko maintindihan.

"Baliktad." Aniya.

"Bilang unang misyon mo, kailangan mo siyang ligpitin. Nang hindi nalalaman ng nanay niya kung sino ang nagligpit sa kanya." Mabilis na paliwanag ni Miss S. Ibinaliktad ko ang papel at binasa ng mabuti. Sumalubong sa akin ang pangalan ni Clarise at ang picture niyang halatang phinotoshop.

"'Yun lang ba?" Tanong ko sa kanya habang sinasarado ang folder at ibinalik sa kanya. Madali lang namang alamin ang bahay nila Clarise. Hindi ako nagtraining under Miss S for nothing.

Tumango si Miss S, hudyat para makaalis na ako at magawa ko na ang misyon ko.

"Hanggang kailan 'to?" Huli kong tanong nang malapit na ako sa pinto ng office niya. Inilipat niya ang tingin sa akin mula sa laptop niya bago sumagot.

"ASAP." Mariin niyang sabi dahilan para matakot ako ng slight.

Habang palabas ako ng hide out niya, iniisip ko na kung kailan ko gagawin ang pagliligpit kay Clarise. Kung mamayang gabi na kaya? Hindi naman siguro nila ako tatanungin kung saan ako pupunta dahil maaga silang mga natutulog.

Naglalakad na ako palayo nang maramdaman kong nagvavibrate nanaman ang phone ko. Sino nanaman kaya ang tumatawag?

"Lisa?" Sabi ng nasa kabilang linya. Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. Ang boses ni Clarise.

"Oh bakit?" Pasimple kong sagot sa kanya. Kunwari hindi ako interesado sa ginawa niyang pagtawag sa akin. Paano naman kaya niya nalaman ang number ko?

"Nasaan si Jennie?" Tanong niya sa akin dahilan para mapatawa ako ng sarkastiko. Alam kong mukha akong sira ulo ngayon but anyways---

"Bodyguard ba niya ako para malaman ko?" Tanong ko pabalik sa kanya. Mga ilang segundo ding walang sumagot sa kabilang linya hanggang sa naputol na ang tawag. Mukhang nabadtrip yata siya sa akin.

Humanda ka sa akin mamaya Clarise.

---

Sorry sa mga late updates and sorry kung maiksi 'tong chapter na 'to. Stressed ako sa schedule ko. Mianhe

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon