6

3K 76 6
                                    

"Lisa," Pagtawag sakin ni Roseanne habang naghahanda na kami sa pangalawang araw ng training. Mukhang seryoso siya na parang hindi. Ang hirap basahin ng utak neto.

"Oh?" Sagot ko sa kanya nang hindi man lang siya tinitignan. Mas mahalagang tignan ko kapogian ko sa salamin kesa sa kanya.

"Bakit kayo magkasama ni Theo kagabi?" Tanong niya sa akin kasabay ng mapang-asar na ngiti at pag akyat-baba ng mga kilay niya. Nababaliw na 'to.

"May pinakita lang siya sa'kin." Maikli kong sabi sa kanya sabay focus ulit sa pogi kong mukha.

"Woah woah, malaki ba?" Mapang-asar na tanong sa'kin ni Roseanne. Sabi ko na nga ba at iyon ang iisipin niya. Tsk.

"Anong malaki?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot yung ang noo. Tangina sino ba kasing mag aakala na ang mala anghel na babaeng 'to ay may maduming pag-iisip?

"Tangina mong hayop ka," Sabi ko sa kanya sabay hampas ng unan. Tinawanan niya lang ako na parang joke lang yung sinabi ko. Pero seryoso, malaki kaya? Joke.

"Joke lang naman. Ano ba kasi ginawa niyo kagabi?" Seryosong tanong niya sa'kin pero hindi ko alam kung seryoso na ba talaga 'tong kupal na 'to o dapat ko na ba siyang itapon papuntang North Korea.

"Nagpunta kami sa office ng Gen. Lieutenant pero hindi niya alam." Pagpapaliwanag ko. Ayaw ko nang sabihin yung mga narinig ko dahil baka mas lalo pang maintriga 'tong babaeng 'to at hindi ako tantanan buong maghapon

Hindi na niya ako pinagpaliwanag pa. Umalis na kami at sakto namang nakasalubong namin yung mga baklang gumagawa ng milagro kagabi. Napatawa na lang ako bigla nang maalala ko yun kaya napatingin sakin sina Brian at Cody. Tila ba alam na nila kung ano ang iniisip ko.

"Oh?" Tanong ko sa kanila. Kanina pa kasi nila ako tinitignan ng masama.

"Shhh." Bulong bigla ni Cody dahilan para mapatawa na rin si Roseanne. Hindi ko talaga alam na alam nila na alam namin yung ginawa nila kagabi. Alam kong magulo, kaya hayaan niyo na lang. Pogi pa rin naman ako.

Anyways, hindi na ako nagulat nung nalaman kong yung Gen. Lieutenant nanaman ang magbabantay sa amin. Ano pa bang bago do'n? And, wala akong pake sa kanya.

"20 push ups, go." Utos nung trainer namin. Sus basic. 20? What a small thing. Nakita kong medyo nahihirapan si Cody. Wow, nagawa niyang halos hindi palakarin si Brian tapos hirap na hirap siya sa 20 push ups?

Sobrang dali lang din para kay Brian ang 20 push ups dahil nga may abs siya. Si Roseanne naman, ayun todo paimpress pero hindi na kay Brian. Do'n na sa isa pang trainee na hindi ko naman kilala. At wala din akong balak kilalanin. Itinuloy ko na lang ang pagpupush ups ko nang biglang---

"Ms. Manoban." Tumingala ako sa tumawag sa akin habang nagpupush up pa rin siyempre. Nagulat ako dahil yung trainer pala 'to.

"20 lang, 'di ko sinabing 30." Natigilan ako sa pagpupush ups nang malaman kong sobra na pala ako sa bente. Nasobrahan yata ako sa pagkapabibo pero kahit ganon, pogi pa rin ako.

Tumayo ako agad at nagsorry sa trainer namin. Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtawa ng Gen. Lieutenant, ang secondhand embarrassment ni Roseanne, paglabas ng gilagid ni Cody, at ang pagsayaw este pagsaway sa kanya ni Brian. Nakakaloka sila, kung hindi lang masisira yung kapogian, matagal ko na silang inupakan.

Natapos ang training namin na may mga matang nakatitig sa akin. Ganoon na ba 'ko kapogi?

"Lisa, pansin ko lang. Buong araw nakatitig sayo si Gen. Lieutenant." Tinapik ako ni Roseanne habang nagpapahinga kami saglit bago bumalik sa dorms. Yun rin yung napansin ko pero isinawalang bahala ko na lang. Baka kasi isipin no'n na may gusto ako sa kanya. Kahit wala naman.

"Oh ano naman ngayon?" Pagtataray ko sa kanya. Tumawa lang siya ng nakakaloko tsaka sumagot.

"Crush ka nga kasi niya," Sabi niya sa mapang-asar na tono. Kung hindi ko lang kaibigan 'to, baka kanina ko pa 'to napatay. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Hangga't maaari, hindi ko papansinin si Roseanne lalo na kapag tungkol kay Gen. Lieutenant ang sinasabi niya. Mas lalo lang akong naiistress e.

"Um, Roseanne 'diba?" Tanong sa akin nung lumapit na kapwa trainee namin. HAHAHAHA pota napagkamalan pa akong si Roseanne. Pilit akong nagpigil ng tawa.

"Ah hindi ako yung nagkakacrush sayo. Ayun si Roseanne." Sabay turo sa humahabol na chipmunk sakin sabay takip ng bibig. Umaarte na parang may sikreto akong nabunyag.

"Ops, may nasabi yata akong--" Napatigil ako ng hampasin ako bigla ni chipmunk tapos nagbow siya sa crush niya. Nagbatian silang dalawa at wala na akong nagawa kung hindi mauna na. Ayoko namang maging third wheel. Hindi naman sa pagiging bitter pero mas feel ko lang kasi yung pagiging malaya kapag walang karelasyon.

Mag-isa ako ngayong nakatunganga sa kwarto namin. Iniisip ko na pangalawang araw ko pa lang 'to pero feeling ko pangdalawang taon na. Sobrang bagal tumakbo ng oras, daig pa pagong. Sabagay hindi naman tumatakbo ang pagong. Ninja turtles lang.

"Lisaaa! Bakit mo sinabiii?!" Pangbubulyaw sakin ni Roseanne na pulang-pula ang mukha at hingal na hingal pa. Mukhang nagmadali yata talaga 'tong kupal na 'to makabalik para lang bulyawan ako ng wala sa oras.

"Alin?" Kunwari'y walang alam kong tanong sa kanya. Uminom muna siya ng tubig bago siya magsalita ulit.

"Bakit mo sinabing crush ko siya?!" Sigaw niya ulit. Mabuti na lang talaga at maganda ang boses nito kaya hindi mababasag ang bintana namin.

"Ah yun? Bawal magsinungaling 'diba? Sinabi ko lang naman yung totoo." Pagpapaliwanag ko ng may kalahating seryoso at kalahating biro. Inis na inis siyang umakyat sa kama niya. Kahit naman umarte siya ng ganyan, halata pa rin sa mukha niya yung kilig.

"Magpasalamat ka na lang kasi dahil sa'kin, nagkausap kayo." Pang-aasar kong sabi sa kanya sabay higa na rin.

"Edi salamat"

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now