25

1.4K 29 5
                                    

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na agad kami sa recording studio na binili ni Jin-hyung. Pagkababa namin ng sasakyan ay dumiretso kami agad sa loob.

"So gagawa tayo ng english cover ng kanta ng sikat na girl group--

"Oh my God BLACKPINK!!" Excited na sigaw ni Roseanne kaya napatigil si Jin-hyung sa pagsasalita.

"So anong kanta nila ang gagawan natin ng cover?" Tanong ko sa kanya. Kaunti lang ang mga kanta ng Blackpink pero lahat high quality. Hindi ko masisisi si YG kung bakit ayaw niya maglabas ng maraming kanta para sa kanila.

"Naka highlight na ang mga parts niyo diyan." Sabi ni Jin-hyung sabay abot sa amin ng tigdadalawang piraso ng papel. Tinignan ko at napansin kong mas okay pa ang distribution sa amin kaysa sa Blackpink mismo.

Pinractice muna namin isa-isa ang bawat part namin at agad naman naming nakuha ang thumbs up sa kaibigan ni Jin-hyung na producer.

***

"Lisa?" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin. Kasalukuyan akong nasa labas ng studio para magpahangin. Tapos na ang recordings at final touches na lang ang ginagawa nila sa loob.

"Uh, hi." Awkward kong bati sa kanya.

"Bakit nga pala bigla kang nawala nung magkausap tayo sa phone nung nakaraan?" Bigla niyang tanong sa akin na bigla kong ikinakaba. Nakakihiya naman kasing sabihin na kaya nagkaganoon ay dahil ninakaw ang phone ko.

Pero sige sabihin ko na lang, ganoon din naman 'yon e.

"Nahablot kasi phone ko, hindi ko nahabol. Nakakapagod kaya maghabol."

Ay saan nanggaling yung hugot?

"Bakit? Naghabol ka na ba dati?" Tanong niya sa akin. Nbsb ako, as in No Boobs Since Birth este No Boyfriend Since Birth. At hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend. Ngayon ko nga lang tinanggap na bading ako e.

"Hindi naman. Pero parang mangyayari pa lang." Paliwanag ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa kanya.

"How do you say so?"

Ay grabe english. My blood is nosing.

"Hindi ko rin alam. Parang may nagugustuhan na kasi ako e." Pag-amin ko sa kanya. Napansin kong biglang lumungkot ang mga mata niya. At nawala rin ang ngiti sa mga labi niya.

"Bago ka pa magkagusto ng tuluyan sa kung sino man 'yon, may aaminin ako." Napatigil ako sa mga sinabi niya.

Ano naman kaya ang aaminin niya?

"Kasi Lisa--"

"Lisa! Jennie! Tawag kayo!" Biglang sigaw ni Roseanne at napatayo ako bigla. Hinila ko na si Jennie sa loob.

Makapaghihintay naman siguro yung aaminin niya sa akin. Kung ano man 'yon.

***

"Maganda pala talaga boses ni Lisa e." Biglang sabi ni Jennie out of nowhere dahilan para matahimik kaming lahat. At nararamdaman kong namumula na ako ngayon.

"Ohhhhhh~" Sabay sabay na pang-aasar ng tatlo at ibinabaling ang tingin saming dalawa ni Jennie.

Pinapakinggan namin ang nirecord namin kanina. Magkatabi kami ni Roseanne at nasa harapan naman namin sila Jin-hyung, Jisoo, at Jennie.

"Lisa, galaw galaw na fren." Bulong ni Roseanne sa akin na may kasamang demonyong ngiti. Naguguluhan akong nakatingin sa kanya at nung sinenyas niya si Jennie ay nagets ko ang ipinupunto niya.

"Soon."

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now