31

1.3K 29 4
                                    

"Clarise?" Tanong ko ng makita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa likod ni Jennie. Kita ko sa mga mata ni Jennie ang takot, pero hindi ko hahayaang makaapekto yun sa dapat kong gawin.

"Lisa?" tanong pabalik sa akin ni Clarise dahilan para mapatawa ako. Kahit itago niya ay kita ko pa rin ang baril na nakatago sa loob ng coat niya. Mukhang ginaya pa niya ang ootd ko ah.

"Bakit ngayon ka lang nagparamdam?" Tanong ko sa kanya nang hindi umaalis sa pwesto ko. Nakangiti ako habang kinakausap ko siya habang ang bruha naman ay parang bomba na sasabog na. Napatawa ako sa itsura niya, at dahil doon ay mas lalo pa siyang nagalit.

"Wala ka na 'don." Mariin niyang sabi sa akin habang unti-unting lumapit kay Jennie. Mistulang kinukuha na niya ang baril na nasa loob ng coat niya pero mas mabilis ang kamay ni Jennie. Nakuha agad 'yon ni Jennie at mabilis na itinutok sa akin.

Nanlaki ang mata ko at mapang-asar akong nagulat sa ginawa niya.

Kahit si Clarise ay nagulat sa ginawa ni Jennie pero napangiti na lang ito ng mapang-asar. Ugh ang panget niya.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay na parang sumusuko sa mga pulis pero hindi ko pa rin inaalis ang mapang-asar kong ngiti. Sa sobrang tuwa ko sa pakikipaglokohan sa kanila, nakalimutan kong may binagay nga palang ear piece si Cody kanina bago kami pumunta dito.

"Lisa, nakapaligid na ang mga pulis sa buong area. Huwag kang mamatay diyan ha." Natatawang sabi ni Brian sa earpiece at napangiti na lang ulit ako kila Jennie at Clarise.

"Sige Jennie, barilin mo 'ko." Bigla 'kong paghamon kay Jennie at nakita 'kong nanlaki ang mga mata niya. Pansin ko rin na nanginginig na ang kamay niya na nakahawak sa baril na nakatutok sa akin.

Akmang aagawin ni Clarise ang baril mula kay Jennie pero bigla niyang inalis 'yon sa pagkakatutok sa akin at biglang inilipat kah Clarise.

Nanlaki ang mata ni Clarise at hindi siya makapaniwala sa biglang paplot twist ni author.

"Oh cyst, bakit ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Clarise kay Jennie at itinaas pa niya ang made in China niyang kilay.

Kitang-kita sa mga mata ni Jennie ang takot, kaba, at galit. Siguro gawa na rin ng drugs kaya nagkakaganyan siya.

"K-kasalanan mo 'to.. kasalanan mo 'to!" Sigaw ni Jennie na halos ikabingi ni Clarise, mabuti na lang at medyo malayo ako sa kanilang dalawa. Walang emosyong nakatitig sa kanya si Clarise, habang gigil na gigil na si Jennie dahil halos madurog na niya yung baril sa sobrang higpit ng hawak niya dito.

Walang ganang naglabas ng panibagong baril si Clarise at itinutok naman niya 'to sakin habang nakatingin pa rin kay Jennie.

"Sige, patayin mo 'ko. Mamamatay din ang taong pinakamamahal mo." Ani ni Clarise sabay baling ng tingin sa akin. Nakababa na ang kamay ko at pinapanood ko na lang sila kaya nagulat na lang ako na bigla siyang tumingin sa akin.

Sa totoo lang, hindi naman ako natatakot na baka mamatay ako kasi nga nakatutok sa akin yung baril ni Clarise. Natatakot ako para kay Jennie, lulong na siya sa drugs.

Hindi na ako nakapaghintay pa at nilabas ko na lang din ang baril na kanina pa gustong-gusto na lumabas sa likod ng coat ko. Itinutok ko kaagad iyon kay Clarise, at saka inilipat agad kay Jennie. Bahagyang nanlaki ang mata ni Jennie sa ginawa ko, pero bigla siyang kumalma nang magkatitigan kami ng ilang segundo.

Wala pa ring emosyon si Clarise at wala rin sa kanilang dalawa ang nagsasalita kaya nagpabida na ako.

"Magpapatayan lang ba tayo dito? Ang boring naman." Sabi ko sabay ngisi ng nakakaloko kay Clarise. Kumunot ng noo niya at kahit papaano ay nagbago ang pangit niyang mukha. Well, pangit pa rin naman. Lumevel up lang.

Narinig ko bigla si Jennie na humihinga ng malalim habang ibinabaling niya ang tingin niya mula sa akin papunta kay Clarise tapos sa akin ulit. Paulit-ulit niyang ginawa 'yon hanggang sa sumalampak siya sa sahig. Napaupo siya at napahawak ng mahigpit sa ulo habang hawak-hawak pa rin ang baril.

Akmang lalapitan siya ni Clarise pero umabante ako ng kaunti papunta sa kanila.

"Sige, lapitan mo siya. Para one shot, one kill." Sabi ko bigla kaya hindi na niya naituloy pa ang paglapit kay Jennie. Ilang segundong napatulala si Clarise kay Jennie hanggang sa marinig ko na ang mga pulis na tinututukan ng baril si Clarise.

Walang emosyong tumingin sa kanila si Clarise hanggang sa nabitawan niya ang baril na hawak-hawak niya kanina. Ilang metro na lang ang layo ng mga pulis kay Clarise ng bigla niyang hilain si Jennie patayo at kinuha ang baril na hawak-hawak nito. Itinapat niya 'to sa ulo ni Jennie na mukhang hanggang ngayon ay sumasakit pa rin.

Bigla akong napalapit sa ginawa niya pero agad ding napatigil ng sigaw niya, napatigil din ang mga pulis.

"sige! Lumapit ka Lisa! Para makita mo ng harap-harapan ang pagkamatay ng pinakamamahal mo!"

Huh? Pinakamamahal ko?

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now