10

2.6K 63 10
                                    

"Ikaw nanaman?" Aba't nakita ko nanaman ang kutong lupa na 'to na halata namang pinagawa lang ang boobs. Tinignan ko lang siya ng masama pero mukhang wala lang sa kanya 'yon.

Teka nga, ano bang problema ng bruha na to sa akin?

Balak ko na sana siyang lagpasan at irapan ng mapansin kong papalapit sa direksiyon niya ang General. Hindi naman sa natatakot ako pero ayaw ko lang naman maging bastos lalo na sa harap ng hipon na 'to. Hinintay ko na lang na makarating dito sa amin si General Chae-rin bago ako magpaalam na aalis na. Akmang aalis na sana ako ng bigla na lang nagsalita si Ms. Hipon.

"Saan ka pupunta?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong tinawag ako ni Ms.Hipon.

Hindi pa man din ako nakakalingon sa kanila ay ramdam ko na ang mainit na titig sa akin ng General.

"Oh Lisa?" Bati sa akin ni General. Wala akong magawa kung hindi ngumiti ng peke sa kanila. Kahit urat na urat na ako kay Ms. Hipon.

"Mom, how was her training here?" Aba spokening dollars. Taray. Kitang-kita ko na sa peripheral vision ko ang takot ng mga kasamahan ko. Hindi ko alam kung dahil ba kay General o dahil dito sa hipon na hindi ko naman kilala.

"She's good. By the way, Lisa, this is Clarise, my second daughter." Pagpapakilala ni General kay Ms.Hipon este Clarise pala ang pangalan. Ganda sana ng pangalan, hindi lang bumagay sa may gamit. Pero teka, second daughter? Akala ko ba e only child si Ms. Jennie?

Nagpaalam na ang dalawa na hindi man lang nasasagot ang tanong ko. Alam ko rin namang magiging bastos kung magtatanong na lang ako bigla about sa personal nilang buhay pero curious lang talaga ako.

"Your curiousity can kill you." May isang nakakakilabot na boses ang bumungad sa likod ng tenga ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng nagsalita pero alam ko na kung sino ito.

"Ms. Jennie?" Tawag ko sa kanya. Ni hindi man lang niya pinansin yung pagtawag ko sa kanya ng 'Ms.'. Ngumiti siya pero alam kong mapait ang isang 'to. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong malungkot siya. Hindi ko din alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.

"Hangga't maaari, huwag mo na hayaan 'yang sarili mo na macurious, lalo na kay Clarise." Mahina at malamig niyang sabi.

Hindi ko naiintindihan pero mukhang kailangan ko nga talagang umiwas sa kanila. Mukhang may attitude problem si Ms. Hipon, mas malala pa dito kay Ms. Jennie na hindi ko alam kung kapatid niya nga ba talaga o ano. Gulong-gulo na ako pero kagaya nga ng sabi ni Ms. Jennie. Huwag na lang akong mangialam. Hindi rin naman kawalan sa akin 'yon.

"Lisa, halika dito." Tawag sa akin ni Cody ng makalayo na ako kila Ms. Jennie. Nagtataka akong pumunta kay Cody, at napansin kong kasama niya na sina Roseanne, Bryan, Theo, at Timothy.

"Anong problema?" Tanong ko sa kanila pero sinenyasan niya ako na huwag masyadong maingay. Lumapit pa ako lalo sa kanila para hindi na nila ako sawayin.

"Kailangan namin ng tulong." Mahinang sabi ni Theo mula sa likuran ni Timothy. Nakita kong nakayuko lang silang lahat kaya mas lalo akong nagtaka.

Kunot-noo ko silang tinitigan at napansin kong hindi na nila kinaya ang katahimikan. Si Theo na rin mismo ang bumasag sa katahimikan na 'yon.

"Si Clarise. Malaki ang parte niya sa buhay niyo ng bestfriend mo." Maikling pakiwanag ni Theo habang nakatingin sa akin. Papaano naman niya nakilala si Jisoo-unnie?

"What do you mean?" Nagtataka ko pa ring tanong sa kanila. Medyo kinabahan ako dahil ilang buwan na akong walang balita sa kanya. Kamusta na kaya siya?

"Si Clarise ang ex-girlfriend ng asawa ngayon ng bestfriend mo. Alam mo naman na arranged marriage lang ang nangyari sa bestfriend mo at kay Seokjin-hyung diba?"

Panimula ni Cody na lubha kong ikinagulat. Gusto ko nang tanungin kung papaano nila nalaman 'yon. Pero mas importante kung patatapusin ko muna sila.

"Hindi 'yon matanggap ni Clarise. Kaya alam naming gagawin niya lahat mapasakanya ulit si Seokjin-hyung." Pagtatapos ni Bryan. Tumango-tango ako sa kanila bago ko mapagdesisyunan na magtanong na.

"Paano niyo nalaman lahat ng 'to?" Tanong ko sa kanila. Lumapit sa akin si Roseanne. Pero hindi siya nagsasalita. Sinenyasan niya si Timothy kaya siya na ang sumagot sa tanong ko.

"Bestfriend namin si Seokjin-hyung. Bago pa man kami pumasok ng military, mag on pa sina Clarise at Seokjin-hyung." Pagpapaliwanag ni Timothy na alam kong tatapusin ni Theo.

"Kilala namin si Clarise, kaya natatakot kami na baka kung anong gawin niya sa asawa ni hyung ngayon, lalo na at nalaman din naming pinakamatalik mo siyang bestfriend." Sabi ko na nga ba at tatapusin ni Theo ang pagpapaliwanag na nagaganap.

"Lisa, isang buwan na lang tayo dito. At mukhang mas mauuna tayo lumabas kaysa sa kanila.." Sabay turo ni Rose sa apat.

"Oh tapos?" Pagtataas ko ng kilay sa kanya. Hindi ko alam kung anong connect nung paglabas namin dito sa problema na sinasabi nila.

"Kailangan may plano na tayo bago tayo makalabas para masigurado nating ligtas yung bestfriend mo. Pero siyempre kailangang umiwas ka kay Clarise, kasi alam niyang bestfriend ka ng sinasabi niyang umagaw daw sa boyfriend niya." Mahabang paliwanag ni Roseanne. Tinititigan niya lang ang mga mata ko.

Gets ko na.

Masamang damo talaga 'yong Clarise na 'yon.

Pero paano? Ano? Anong plano ang gagawin namin? Hindi pa man ako nagtatanong pero mukhang masasagot na ni Cody 'yon. Nangbabasa ba siya ng isip?

"Bisexual si Clarise. Alam kong gusto ni Roseanne na iwasan mo siya pero.. alam kong kaya mo siyang paibigin."

wHAT?

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon