5

3.1K 66 2
                                    

Hindi ko alam kung ano ang nahithit ng babaeng yon. Paano kaya naging General Lieutenant yun?

"Crush ka siguro ni Ma'am," Biglang sabi ni Roseanne habang palalim na ng palalim yung iniisip ko. Hindi agad nagprocess sa utak ko yung sinabi niya kasi hindi ko alam kung gumagana pa ba ng maayos 'tong utak ko hoehoe.

"Wtf?" Napamura ako nung marealize ko kung ano yung sinabi niya. Napakaimposible naman yata n sinasabi niya.

"Hindi halata sa kanya na bakla siya ah," Totoo naman eh. Maganda siya, sexy, hot, ang astig ng aura niya. Hindi mo mahahalata sa kanya na bakla siya. Hindi mo mahahalata sa kanya na babae din ang gusto niya.

"Pero hindi ba sabi mo ship din niya yung shiniship mo?" Pagtatanong sakin ni Roseanne. Ano namang connect no'n sa pinaguusapan namin ngayon?

"Ano connect no'n?" Tinaasan ko siya ng kilay, hindi ko kasi talaga maisip na pwedeng maging gano'n yung Gen. Lieutenant namin.

"It means tanggap niya ang homosexuality and same sex relationships, malay mo." Pagpapaliwanag niya sabay kindat sa huli. Ano bang topak ang nangyayari kay Roseanne ngayon hays.

"Malay mo, bakla talaga siya." Dagdag pa niya sabay akmang kukunin nanaman yung pagkaing nasa tabi ko. Pinigilan ko siya at tinitigan ko siya ng maigi. Niliitan ko siya ng mata na sinasabi na 'seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?'.

"Ano ka ba? 'Di ako nagsisinungaling." Natatakot na sabi niya sakin sabay balik sa kinauupuan niya kanina.

Hinayaan ko na lang siya at humiga na ako sa kama ko. Masyado akong stressed kaya siguro tulog na lang talaga ang sagot dito. Hahayaan ko na lang muna siguro na kumuda si Roseanne tungkol do'n sa sinasabi niyang pagiging bakla ni Gen. Lieutenant.

"Goodnight," Bati ni Roseanne na nakahiga na rin pala. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi na ako nakapagfocus. Baka magkaganito din ako bukas. Patay.

"Lisa," Huh? Tulog na si Roseanne pero may tumatawag sakin. What the actual f---

"Sa ilalim," Tumingin ako sa ilalim ng kama ko para makita yung nakita namin kanina.

"Theo?" Bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya nakarating sa kwarto namin. At sa hindi inaasahang daanan pa. Masyado siyang baliw tignan para makaisip ng ganitong daanan.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit sa kanya ng hindi siya sumagot kanina. Tumingin lang siya at sinabing sundan ko siya. Tangina kasyang-kasya ako sa dinaanan niya pero ang awkward naman no'n.

"Dali," bulong niya sakin. Siya na ang nauna kasi mahirap na pag ako 'di ba?

"'Wag kang maingay. At bilisan mo," Bulong ulit niya sakin sabay 'shh'. Umiling-iling na lang ako dahil hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kupal na 'to.

"'San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Tuloy-tuloy lang siya sa paggapang niya hanggang sa lumabas kami sa mas maluwag na lugar. Nasa taas pa rin kami ng kisame pero makakatayo na kami dito.

"Bakit ba kasi tayo nandito?" Pabulong kong sigaw sa kanya. Nababaliw na 'tong lalaking 'to. Kung hindi lang talaga may pagka isip bata 'to, napagkamalan ko ng rapist.

"Shhh!" Pagtatahimik niya sa akin habang nakatingin sa baba. Makikita mula dito sa kinatatayuan namin ang office ng Gen. Lieutenant.

"Jennie! Nahihibang ka na ba?!" Sigaw nung isang babae. Mukhang nanay ata ng Gen. Lieutenant. Magkamukha sila pero hindi ko alam kung bakit nakauniform din siya.

"General Kim, huminahon po kayo." Sabi nung secretary niya yata. Pero ano?

General?

Babae?

Bakit hindi ko alam 'to?!!

"Ma, wala akong gusto sa kanya. At isa pa, babae din siya." Mahinang sabi ni Gen. Lieutenant. Ano ba 'tong pinag-uusapan nila? Hindi dapat ako nakikinig sa usapan ng iba, lalo na n usapan nilang mag-ina. Pero bakit parang nagkakaroon ako ng interes?

Naloloka na 'ko.

"Mabuti naman. Hindi 'yon ikabubuti ng posisyon mo kung nagkataon." Seryosong sabi ng kanyang ina. Tahimik lang na naghihintay si Theo sa harap ko. Alam kong nakikinig din siya pero busy siya kakaisip ng kung ano-ano.

Napagpasyahan na naming bumalik. Pero bago 'yon. Tinanong ko muna siya kung bakit niya ako hinayaang marinig ang usapan nila.

"Bakit mo pinarinig sa'kin ang usapan nila?" Seryoso kong tanong kay Theo. Walang ekspresyon siyang tumingin sa akin.

"Narinig ko kayo ni Roseanne kanina. Kaya sa tingin ko, mas mabuting malaman mo na ang side ni Gen. Lieutenant bago pa lumago 'yang nararamdaman mo para sa kanya." Mahabang paliwanag niya sa akin sabay pasok ulit sa pinanggalingan namin kanina.

Hindi ako nakasagot sa kanya. May point siya pero ang hindi ko inaasahan, ay maging ganoon katalino pakinggan si Theo. Kilala siya ng mga tao bilang isang kwela, baliw, at takas sa mental na lalaki. Ang laki ng pinagbago niya. Ni hindi ko man lang siya nakilala. Siya pala yung kaklase ko dati na laging binubully, pero may talino naman.

Naging magkaaway din kami dati kaya hindi ko inaasahang magiging ganito siya kabait sa'kin. Masyado siyang mabait para pagbigyan lahat ng nangbubully sa kanya dati.

"Wao. Taehyung, laki na ng pinagbago mo. Pati pangalan binago. Tsk." Sabi ko sa sarili ko sabay tawa na parang abnormal.

Hindi ko alam kung nasisiraan na ako ng bait pero hindi ko rin alam ang nararamdaman ko. Masyado akong naging harsh sa kanya dati, kaya dapat mapasalamatan ko siya, at manghingi na rin ng patawad.

"Nice one."

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon