2

5.5K 93 14
                                    

"uh miss?" Nabalik ako sa katinuan ko nang tinawag niya ako ulit. Feeling ko karank ko lang itong kaharap ko pero wala pa talaga akong rank. Trainee pa lang naman ako hehe.

"Um. Yes Lieutenant General Kim Jennie," Pormal kong sabi kasabay ng pagtango niya. Halata sa kanya na nagulat siya dahil alam ko kaagad ang pangalan niya. Kaya siguro niya hindi na ako tinanong dahil obvious naman sa pangalan na nakadikit sa uniform niya.

Ganda niya shet.

Inexplain niya lahat. Nagtataka lang ako kasi bakit siya pa? Pwede namang yung mas may mababang ranggo na lang ang gumawa nito hindi ba? Pinadiretso na niya ako sa magiging shared room ko kasama ang kung sino dito sa base at pinagpahinga. Hindi naman ako pagod pero okay na rin ito para maayos ko yung mga gamit ko, pati na rin yung sarili ko. Para dagdag pogi points.

"Kababae mong tao ganyan ka," May narinig akong boses mula sa taas ng double-deck na kama. Nagulat ako hindi dahil sa babae ang makakasama ko, nagulat ako kasi parang ang bata naman niya tignan para maging trainee din katulad ko.

"Babae ka din naman ah," Pang-aasar kong sagot sa kanya. Kahit hindi ko pa siya kilala ay magaan na ang loob ko sa kanya. Siguro dahil kami lang ang babae sa lahat ng military trainees ngayong taon.

"Sabagay," Mahina niyang sabi. Siguro napagtanto na niyang matatalo siya sa akin kapag nakipag-asaran pa siya.

"Roseanne Park," Pagpapakilala niya sabay baba sa kama niya. Matangkad siya pero magkasingtangkad lang kami kaya wag kayong ano diyan.

"Lisa Manoban," pagpapakilala ko rin. Inabot niya ang kamay niya papunta sa direksyon ko. At dahil sa mabait ako at pogi pa, tinanggap ko. Mukhang maglakasundo rin naman kami.

"Mahilig ka ring kumain noh?" Tanong niya sakin habang pinapanood niya akong ilabas ang mga gamit ko sa bag. Nakatingin siya sa mga snacks na nilabas ko. Gutom yata siya. Huwag siyang mag-alala, hindi lang siya.

"Mukhang ikaw din," sabi ko sabay tawa na sinabayan din naman niya.

"Magkakasundo tayo," dagdag ko sabay hagis sa kanya ng isang malaking chips.

"Akin lang to?" Tanong niya sakin sabay bukas ng hinagis ko sa kanyang pagkain. Aba matakaw pa sakin ang isang to.

"Ugok, share tayo," Natatawa kong sabi. Hindi na siya nakasagot pa dahil puno na ang bibig niya. Nagmukha tuloy siyang chipmunk hahaha.

"Bakit ka nga pala pumasok sa military bilang trainee?" Tanong ko sa kanya. Nacucurious kasi talaga ako ee.

"Bago lang ako, eh ikaw?" Sagot niya na wala naman kakonek konek sa tanong ko pero hayaan mo na.

"Obvious ba? Teka, hindi mo naman sinagot yung tanong ko." Sagot ko sa kanya. Hindi naman siguro halata na medyo may pagkaboblaks siya noh?

"Gusto ko lang talaga makasama yung crush ko kaya pumasok din ako ng military," pagpapaliwanag niya. Aba malandi pala itong chipmunk na ito.

"Wala ng ibang rason?" Tanong ko pa sa kanya sabay hablot ng chips na halos ubusin na niya. Hindi naman kasi ako makapaniwala na iyon lang ang rason niya para pumasok dito sa military. Para kasing hindi akma sa katawan niya ang pagmimilitary.

Grabe, Lisa, nahiya yung katawan niya sa katawan mo ha.

"Gusto ko din siyempre matuto kung paano maging independent," Haays sa wakas may matino na siyang reason.

"Sino ba yung crush mo?" Tanong ko. Alam kong hindi naman niya ako mabibigyan ng picture pero nagkamali ako. May iniabot siya sakin na printed picture ng isang pandak na nakasuot ng Seoul University uniform. Sana nakapag-aral din ako doon.

"Wow, pangalan niya?" Tanong ko habang tinatantsa kung gaano kapandak ang isang to. Nagulat ako ng may isa pa siyang picture na ibinagay.

"Huwag mong sabihing abs lang niya ang nagustuhan mo," Bago pa man siya makasagot sa tanong ko ay nagsalita na agad ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Huwag mong sabihing abs lang niya ang nagustuhan mo," Bago pa man siya makasagot sa tanong ko ay nagsalita na agad ako.

"Hindi ah. Mabait at cute yang si Brian Park. Coincidence diba? Brian Park tapos ako Roseanne Park." Sabi niya sabay kinilig ang gaga.

"Third wheel si Rizal Park," Tahimik kong sabi. Alam kong korni kaya hindi ko na ipinangalandakan pa. Pero teka, eto yung nabalitaan ko dati na may pinopormahang lalaki ah.

"Pero balita ko may pinopormahan na daw yan na lalaki. Trainee din, baka nga nasa kabilang kwarto lang eh hahaha," Malungkot niyang sabi. Tanggap niya ang mga bakla, hmm nice. Mag-gagabi na kaya hindi na namin inintindi yung oras. Kaninang umaga lang siya dumating kaya baka bukas pa magsimula ang training namin.

"Sino naman yung pinopormahan niya? Anong pangalan?" alam kong parang akong detective pakinggan pero buti na lang at hindi yon pinapansin ni Roseanne.

"Cody Min," Sagot niya sa tanong ko na ikinalaki ng mga mata ko. Siya yung kapatid ng dati ex ko ah. Or baka naman tamang hinala lang.

"Kaano-ano niya si Seulgi Min?" Tanong ko ng hindi na kinayanan ng curiousity ko. Masyado na kong nacucurious sa mga bagay-bagay pagpasok ko pa lang ng base na to.

"Kapatid," Maikling sagot ni Roseanne saby subo nanaman ng mga natitirang chips sa bibig niya. Sabi ko na nga ba at siya yung kapatid ng ex ko. Pandak nga lang din siya hindi kagaya ng Seulgi hahaha.

Nagulat kaming pareho nang may kumatok sa kwarto namin. Sakto naman si Cody ito. Hindi niya halos maabot yung maliit na window sa pintuan e. Ako na ang nagbukas ng pinto at nagulat siya ng makita niya ko. Long time no see, ganoon pa rin ang height niya.

"Lisa?" Takang tanong niya. Ngumiti lang ako kaya umubo siya kunwari at nagsalita ulit.

"Kakain na raw." Maiksi niyang sabi at nilingon ko na si Roseanne para sabihan siya.

"Kasama ang Lieutenant General," Nagulat ako, si Roseanne, pati na rin si Cody ng may isa pang pandak na nagsalita mula sa likod niya.

Ah siya si Brian Park.

Tinignan ko si Roseanne na sumisiksik sakin. Nahihiya siguro siya. Halata naman eh. Kung ano yung idinaldal niya kanina, siya naman ikinatahimik niya ngayon na kasama na namin yung crush niya. Masaklap lang dahil kasama din yung pinopormahan niya.

"Simula nang pumasok tayo ng military, ngayon lang may sasabay sa atin na mas mataas ang ranggo," Sabi ni Cody. Tahimik lang kaming sumusunod ni Roseanne sa kanila. Hindi naman namin sila closeat idagdag mo pa na nahihiya kasi talaga si Roseanne.

"Baka dahil dito sa mga bagong dating," sabi ni Brian sabay lingon saming dalawa. Agad namang yumuko si Roseanne kaya medyo natawa ako ng slight.

"Ano namang meron samin?" Tanong ko sabay taas ng isang kilay na hindi mo naman halos mahahalata dahil sa bangs ko na bukas ko pa balak itago.

Hindi nila sinagot ang tanong ko bagkus ay binuksan na lamang ang isang pinto papasok sa isang kainan. Makikita mo na agad kung nasaan ang Lieutenant General dahil siya lang naman ang may naiibang uniform dito.

"Miss Lisa Manoban,"

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now