12

2.3K 56 5
                                    

Habang naglalakad papunta sa canteen, napansin ko ang mga nagkukumpulang trainees. Nandoon din sina Theo at Timothy. Hindi ko alam kung bakit kaya nakikumpol na lang din ako doon para malaman kung ano pinagchichicmisan nila.

"Uy alam niyo ba? Natanggal na daw si Ms. Jennie sa posisyon niya bilang Lieutenant General." Sabi nung pinanggagalingan ng balita. Bahagya kong tinulak ang nasa harapan ko para makatabi na ako kila Theo at Timothy. Nandito na rin sina Cody at Bryan.

Tama ba ang narinig ko? Natanggal si Ms. Jennie?

"Sino naman ang pumalit?" tanong ko sa kanila na medyo ikinagulat nila. Alam kong may ilang takot sa akin dahil siga ako. I don't give a shit. Tinaas ko ang isa kong kilay nang mapansin kong hindi pa rin nasasagot ang tanong ko. Lumapit pa si Cody at siya na ang nagsalita.

"Si Clarise." Mahina niyang sabi. Napataas bigla ang kilay ko nang dahil sa pagkabigla. Paano naman mapupunta kay Clarise ang pwestong hindi naman niya deserve? Naintindihan ko sana kasi anak siya ng General pero parang mali naman sa part namin. Lalo na sa akin. Maraming hindi nakakaalam sa mga pinaggagagawa ni Clarise sa buhay niya, pati na sarili niyang ina.

Hindi lingid sa kaalaman nila na maraming kababalaghan sa likod ng pagkatao ni Clarise.

"Lisa, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Theo. Alam kong pag nagsinungaling ako, magiging plastik pa ako sa kanila. Gusto kong tumutol pero wala naman akong kapangyarihan para gawin 'yon. umiling-iling ako para sabihin sa kanila na hindi ako okay. alam naman na nila ang dahilan kung bakit.

"Mabuti na lang talaga at aalis na tayo mamaya." Bulong sa akin ni Roseanne. Magiging masaya na sana ako dahil nga aalis na kami pero mas naging malakas hawak niya kay General.

Papaano kung may gawin siya? Mahihirapan kami. Posibleng hindi na namin alam kung ano ang gagawin kapag nagkataon na kampihan pa siya ng nanay niya.

"Ms. Lisa Manoban." Biglang may tumawag sa pangalan ko kaya bigla akong kinabahan. Tumalikod ako sa kanila para tignan kung sino ang tumawag sa akin.

Si Ms. Jennie.

"Ms. Jennie?" Tanong ko sa kanya nang napansin kong hindi na simpleng blangko ang expression niya. May kasama ng lungkot at..

Galit.

"Pwede ba kitang makausap?" Bahagyang humina at lumambot ang boses niya dahilan para bigla na lang akong maawa sa kanya. Alam kong mahirap sa kanya na basta basta na lang mawala sa posisyon niya bilang Lieutenant General.

Tumango ako at pinasunod niya ako sa mas private na lugar. I can tell this was her favorite spot. May puno kasi dito at kita ko ang nakaukit na pangalan niya.

"May problema po ba?" Agad kong tanong nang makaupo na kami sa isang malaking ugat. Hindi ako sanay na ganito si Ms. Jennie.

"Hindi ko matanggap." Yumuko siya at akmang pinipigilan ang mga luha niya. Tinignan ko siya at saka hinimas sa likod para icomfort siya. Inangat niya ang ulo niya para punasan ang mga luha na hindi tumitigil sa paglabas sa mga mata niya. Hinilamos niya ang kamay niya sa kanyang mukha bago sinabunutan ang sarili.

"Ms. Je---"

"Jennie na lang. Masyado kang formal." Pagputol niya sa sasabihin ko habang tumatawa ng mahina. Hindi ko alam kung bakit. Ngayon lang naman kami nagkausap ng ganito pero bakit ang gaan na ng loob ko sa kanya?

Ngumiti ako sa inasal niya. Hinayaan ko lang siyang lumuha hanggang sa maubos na yung mga luha niya. Sa tingin ko ay iyon lang naman ang kailangan niya sa ngayon.

"Alam mo na ba?" Bigla niyang tanong sa akin nang bahagya siyang kumalma sa pagkakaiyak. Kumunot ang noo ko at saka umiling-iling.

"Anak sa labas si Clarise. Simula nang mamatay si Daddy, mga ilang araw pa lang ang nakakalipas, nagagawa na niya ang gusto niyang gawin. Pati na ang pag-kuha sa pwesto ko." Pagpapaliwanag niya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam na patay na pala ang tatay niya. Ngumiti siya ng mapait at saka ako yinakap. Agad ko rin naman siyang niyakap pabalik.

"Salamat sa pakikinig sa akin. Ang gaan lang kasi talaga bigla ng loob ko sayo." Nakangiti niyang sabi sa akin nang humiwalay na siya mula sa pagkakayakap. Natawa ako ng mahina dahil ganoon din pala siya. Pareho kami.

"Ganoon din ako. Kaya nga hindi na ako nagdalawang-isip pa na sumama sayo nung tinawag mo ako kanina." Masaya kong sabi sa kanya and I swear napasaya ko siya nang dahil doon.

"So ano nang balak mo?" Tanong ko sa kanya at bigla siyang ngumiti.

"Aalis ka na mamaya, hindi ba?" Tanong niya sa akin kaya medyo nagtaka ako.

"Sasabay ako sa inyo sa pag-alis dito. At, kailangan ko ng tulong niyo." Napangiti ako sa sinabi niya pero bakit naman niya kailangan ang tulong namin? May alam ba siya sa ginagawa namin?

"Huh? Tulong? Bakit?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Alam kong may balak si Clarise na masama sa asawa ng ex niya na nagkataong bestfriend mo pala. And I think makakatulong kayo sa akin na mapabagsak siya." Aniya. Bakas sa mukha ko ang gulat at hindi ko alam kung bakit tumatawa nanaman siya.

"I have my connections." Pagmamayabang pa niya sa akin. Hindi ko na napigilang umirap dahil hindi ko naman tinatanong 'yon.

"Alam mo ang cute mo." Mahina niyang sabi dahilan para mapakunot ang noo ko and at the same time, medyo nahiya. Ganito pala ang babaeng 'to.

"I know right." Sabi ko sabay hairflip. Natawa nanaman siya sa ginawa ko kaya tumikhim na lang muna ako bago magtanong.

"So ano nang plano?"

destined | lisa ✔️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ