26

1.3K 30 0
                                    

Pauwi na kami galing sa studio nang ayain ako ni Jennie na huwag munang umuwi.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya sa akin kaya biglang kumulo ang tiyan ko.

"Kahit saan." Sagot ko sa kanya sabay ngiti. Bahagyang namula ang pisngi niya dahil sa ginawa ko.

Tumawag siya ng taxi at sinabi kung saan kami pupunta.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa restaurant. Nauna akong bumaba at bago pa man makababa si Jennie ay pinagbuksan ko na siya ng pinto. Napatigil siya sa pagbaba at halata sa kanya na nahihiya siyang tumingin sa akin.

Nginitian ko lang siya hanggang sa makababa na siya ng tuluyan at umalis na ang taxi.

"Hindi ko alam na magaling ka mag-rap." Sabi ko sa kanya habang hinihintay ang inorder namin.

Isang tipid na ngiti ang ipinakita niya sa akin at saka yumuko.

"Lisa,"

"Hmm?"

"May gusto talaga akong sabihin sa'yo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bigla kong naalala na mayroon nga pala siyang dapat na sabihin kanina pero hindi natuloy dahil tinawag kami bigla.

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya at bahagyang lumapit. Magkaharap kami sa lamesa at kitang-kita ko kung paano niya kalikutin ang mga daliri niya sa ilalim. Nag-aalala na rin ako dahil baka dumugo na ang labi niya sa kakakagat niya.

"Kasi Lisa may g---

"Ma'am, order niyo po." Hindi na naituloy ni Jennie ang sasabihin niya dahil dumating bigla ang waiter.

Napasandal na lang ulit ako sa kinauupuan ko habang nakita ko si Jennie na napayuko ulit.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin pero nahahalata ko sa kanya na parang takot siya.

Jennie:

Kailan ko kaya masasabi 'yong gusto kong sabihin kay Lisa kung palagi namang may pumipigil sa akin. Pangalawang bese na 'to, at nawawalan na ako ng lakas ng loob na sabihin pa sa kanya ang gusto kong sabihin.

Napanghihinaan na ako ng loob. Natatakot ako kung anong magiging reaction ni Lisa sa sasabihin ko.

Hindi ako sigurado kung gusto niya rin ba ako.

***

stream Kill This Love

https://m.youtube.com/watch?v=2S24-y0Ij3Y

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now