3

4.2K 83 11
                                    

Gusto ko lang i-credits kay pattatass yung mga bts' character names dito sa story ko. Sa story kasi niya na Train To Daegu ko nakuha 'yong idea na 'yon kaya gusto ko siyang pasalamatan. And kindly support yung book niya. Maganda siya pramis parang ako choss. Silent reader talaga ako ng story niya pero dahil alam na niya, hindi na silent yun siyempre.

'Yun lang. Enjoy :>

-

Kasalukuyan akong naninigas sa kinauupuan ko. Malamig ang kwartong 'to.

Kasing lamig niya sa'kin noon. choss.

Daming dama ni author amp. So yun na nga. First day ko pa lang dito sa military pero napatawag agad ako and worse, si masungit na General Lieutenant pa ang nagpatawag. Jusko po, ano po bang naging kasalanan ko para kabahan ako ng ganito kabongga.

Bahagya akong tumingin sa kanya na may halong takot. Nakita ko na binabasa niya yata yung profile ko sa hindi ko malamang dahilan. Dahil siguro bago ako? I don't know, I don't know, I don't know, I don't know why.

"Pogi ko po noh?" Ayan na. Lumabas nanaman ang kayabangan ko at nawala na ang hiya ko siyempre. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magtanong pero itutuloy ko na 'to. Go lang ng go hehe.

"hmm," wao. 'yan lang sinabi niya? Sama naman niya sa'kin. Pogi naman talaga ako ih.

Ngumiti siya nang siguro nalaman niya na naiinip na ako sa magiging sagot niya. Ngayon ko lang nakitang ngumiti itong halimaw este bakulaw na 'to. Lagi kasing nakabusangot. Ghad. Kunin mo na ko loorrdd. Ay joke lang pala. Gusto ko pa magkatuluyan ang Yoonmin at Jenlisa bago ako mawalan ng hininga.

"Sa tingin mo ba magkakatuluyan ang Yoonmin at Jenlisa?" Nabigla ako sa tanong niya siyempre dahilan para maging kuwago ako ng hindi oras. Binabasa niya kaya isip ko?

"Fan ka rin?" Kalmado kong tanong sa kanya kahit sa loob loob ko ay gusto ko ng magwala dahil nalaman kong Army at Blink pala itong General Lieutenant namin. Hindi halata sa kanya, masyado kasing nangingibabaw ang resting bitch face niya.

Tumango siya bilang 'oo' sa tanong ko. Buti pa nga 'yon sinagot niya eh. Yung tanong ko kanina kung pogi ba ako, wala man lang akong napala.

"Ano po bang dahilan ng pagpapatawag niyo sa'kin?" 'Yan ang kanina ko pa gustong itanong nung may hiya pa ako. Kaso ngayon wala na kaya susulitin ko na.

Bumalik nanaman ang resting bitch face niya. Pati yung masungit niyang aura na saglit na nawala nung nalaman kong fangirl siya.

"Sa tingin mo ba makakaya mong magtraining sa katawan mong yan?" Pabalang niyang tanong sa'kin sabay tingin sa katawan ko na pagka sexy sexy.

Napakajudgemental din naman pala neto. Hindi ako naorient ha. Tinaas niya pa talaga yung isa niyang kilay. Akala mo naman maganda.

Pero nagagandahan ka talaga sa kanya awe.

'Lul ka author. Dami mong alam. Tumikhim muna ako bago ako sumagot sa tanong niyang walang kwenta.

"Papasok po ba ako ng military kung hindi ko kaya?" Sagot ko sa kanya. Anong akala niya sa'kin, madaling sungitan? Hindi ako magpapatalo sa kanya jusko.

Nagulat siya sa katalasan ng bibig ko kaya napasmirk na lang ako sa naging reaksyon niya. Mukhang magiging komplikado ang magiging pakikitungo namin sa isa't isa dahil ngayon pa lang natriggered na siya sakin. *insert evil laugh*

"You. can. leave." Mariin niyang utos sa'kin. Talagang diniinan niya bawat salita para daw nakakatense pakinggan. Well, sa tainga niya yun at hindi akin.

Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng office niya na akala mo condo unit. Bumalik na ako sa shared room namin ni Roseanne dahil baka naubos na niya ang baon kong pagkain bago ako pumunta dito.

"Oh, musta?" Tanong sa'kin ni Roseanne nang nakapasok na ko. Mabuti na lang at hindi niya kinakain ang pagkain ko. Mukhang sa iba niya nakuha ang nilalamon niya ngayon.

"Ayos naman," Pagsisinungaling ko sabay hingi sa kinakain niya. Kakatapos lang ng dinner pero parang nagutom agad ako. Lalo na 'tong katabi kong halimaw sa pagkain.

"Di halata," Sagot niya sa'kin. Mukhang hindi manhid ang isang 'to.

Buti pa si Roseanne hindi manhid katulad ni...

Nino? Nung ex mo author? *insert evil laugh*. Anyways, nagulat kaming pareho nang may kumakatok nanaman sa kwarto namin. Ayaw yata nila kaming pagpahingahin muna jusko.

"Oh, sino ka?" Tanong ko nang sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na mukha. Hindi naman siya mukhang may mas mataas na ranggo. Parang trainee nga lang din eh.

"Irene," Nilahad niya ang kamay niya. At dahil friendly naman ako kahit papaano ay tinanggap ko.

"Uh. Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya ng binitawan na namin ang kamay ng isa't isa.

"Secretary ako ng General Lieutenant at ipinapaabot lang niya ang picture na ito. Mukhang naiwan mo yata sa office niya." Sabi niya sabay abot sa akin ng picture. Picture namin ni Seulgi.

Hindi ko alam na nasa bulsa ko pala yun kanina. Hindi ko rin alam kung paano naiwan iyon dun. Nakakaloka naman to. Matutulog na nga lang ako may pahabol pang pampastress. Jusko.

"Salamat," Na lang ang nasabi ko bago siya tuluyang umalis. Pumasok na ulit ako ng maabutan ko si Roseanne na nakahiga na sa kama niya. Ubos na rin yung kinakain namin kanina at mukhang gusto na niyang matulog.

Nagbuntong-hininga nalang ako at humiga na rin sa kama ko. Mukhang hindi agad ako makakatulog ng mahimbing sa unang araw ko dito.

Tinitigan ko lang ang picture na iniabot sakin kanina. Buhay pa pala tong picture na to. Buti pa to matibay. Hindi katulad ng naging relasyon namin ni Seulgi. Kahit naman hindi ko talaga siya minahal ay nagkaroon na rin siya ng puwang sa puso ko. Dare lang naman yung naging relasyon namin. Hindi ko naranasan sa kanya yung mga firsts. Yun ay buti na lang. Kung nangyari yun kay Seulgi ay baka wala ang story na to.

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now