29

1.2K 25 0
                                    

"Lisa, kailangan mong patayin si Jennie."

So, eto ba 'yon? Eto ba yung dahilan kung bakit ayaw ng tadhana na magkagusto din ako kay Jennie? Eto ba yung dahilan kung bakit kanina lang ay nasaktan ko siya?

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na masyadong nag-isip. Mahal ko ang trabaho ko at importante rin 'to sa akin. Ang pamilya ko, sila Roseanne at Jisoo pati na rin asawa niya, ang trabahong 'to. 'Yon lang ang mga importante sa akin.

Hindi ko pwedeng biguin sila Cody dahil lang sa may gusto sa akin si Jennie. Hindi pwedeng makaapekto ang nararamdaman niya sa akin sa trabaho ko.

"Kailangan na ba talagang gawin 'to ngayon?" Nagaalangan kong tanong kay Cody at naupo na ako sa gilid ng kama, hawak hawak ko pa rin ang picture ng papatayin ko, hawak hawak ko pa rin ang picture ni Jennie.

"Bibigyan kita ng ilang oras, pwede mo ring kausapin sila Roseanne. Mukhang kailangan mo 'yon." Sabi sa akin ni Cody habang tinatapik ng mahina ang likod ko.

short

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now