28

1.3K 27 5
                                    

Nagising ako sa sigaw ni Roseanne mula sa baba. Mukhang kulang nanaman yata ang almusal niya. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ko ang phone ko para tignan kung anong oras na.

Oras lang sana ang titignan ko pero nakita ko na may bagong message si Jennie para sa akin.

Hindi ko alam kung magugulat ba ako sa sinabi niya o babalewalain na lang dahil basta.

Jennie: aw. magkita tayo bukas sa park. sasabihin ko na yung gusto kong sabihin sa'yo.

So heto nanaman po tayo sa gusto niyang sabihin. Pupunta ba ako o pupunta ba ako?

"Pumunta ka na." Rinig 'kong sabi ni Jisoo na nasa pintuan at nakasandal habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung nalakasan ko yung tanong ko sa sarili ko at nasagot 'yon ni Jisoo. "Wala namang mawawala. May gusto ka sa kanya 'di ba?" Tanong bigla ni Jisoo na biglang ikinakunot ng noo ko.

"Wala akong gusto sa kanya." Seryoso kong sabi kay Jisoo at tumalikod na ito. Nagkibit balikat na lang siya bago pa siya makalabas ng kwarto ko.

Bumaba na rin ako pagkatapos 'kong gawin ang morning routine ko at nag almusal na ako. Amoy na amoy na kasi ang niluto nila Jisoo at ng asawa niya.

"Wala ka talagang gusto sa kanya?" Salubong na tanong sa akin ni Roseanne habang pasubo pa lang ako ng kinakain ko. Wala naman kasi talaga e, ano bang gusto nila?

"Wala." Nagkibit balikat ako na para bang wala lang sa akin ang sinagot ko at ang tinanong niya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng biglang lumabas mula sa kusina si Jin.

"Bakit?" Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang nagsalita. Ngayon sila ng tatlo ang nakaharap sa akin at naghihintay ng sagot.

"H-hindi pwede. Ewan." Sagot ko sa kanila pero parang hindi pa sila naconvince sa sinabi ko.

Thankfully, hindi na nila ako tinanong pa ulit. Nagpatuloy na lang sa pagkain si Roseanne habang pakain pa lang ang mag-asawa. Tumayo agad ako pagkatapos kong kumain at nagpaalam ako na aalis ako pagkatapos kong maligo. Hindi sila umimik man lang o tinignan ako, hindi na nila ako pinansin kaya hinayaan ko na sila.

Ano bang problema nila?

***

Lisa: papunta na ako. agahan mo please.

Hindi ko alam pero parang nag-iba ako. Masyado nang mainit ang ulo ko at ayaw ko na nang pinipilit ako sa ayaw ko.

Nakarating din ako sa park na sinasabi ni Jennie at nakita kong nakaupo na siya sa swing. Nilapitan ko kaagad siya at umupo ako sa katabi ng swing na inuupuan niya.

"So ano yung sasabihin mo?"Tanong ko bigla sa kanya at nakita ko ang pagkagulat niya. Napahawak siya sa melon niya este sa dibdib niya at napapikit pa. May motion sickness nga pala 'to.

"Lisa, gusto kita." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na magiging straight forward siya sa sasabihin niya. Hindi ko ineexpect na sasabihin niya agad as in agad-agad.

Nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumayo at naglakad palayo. Ni hindi man lang ako pinagsalita. Siguro alam na niya ang sasabihin ko. Siguro alam na niya na hindi ko siya gusto kagaya ng pagkagusto niya sa akin.

Gustuhin ko mang maawa sa kanya, pero parang may pumipigil sa akin.

Saktong patayo na ako ng bigla kong naramdaman na nagvibrate ang phone ko. Mabilis kong tinignan iyon at nakita ko ang message ni Cody. Mukhang may bago nanaman akong misyon. Kung ano man 'yon, sana madali lang.

***

Cody: pumunta ka kaagad dito sa hotel. heto ang adress. ****************

Kagaya ng sabi niya, nagpunta agad ako sa hotel na sinasabi niya. Sabi rin niya na nandoon na ang mga gamit na kakailanganin ko, pati na rin damit.

Pagkarating ko doon ay dumiretso ako sa kwarto na tinutuluyan nila ng jowa niya.

Pagpasok ko ay iniabot agad sa akin ang picture ng sabi niya ay papatayin ko. Napatigil ako sa paglalakad ng malaman ko kung sino ang nasa picture na binigay niya.

"Lisa, kailangan mong patayin si Jennie."

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now