8

2.7K 59 4
                                    

Tahimik kong hinihintay ang pagdating ng General. Nakakagulat lang dahil ni isang porsyento ng kaba e wala sa katawan ko. Hindi naman sa pagiging mahangin pero parang gano'n na rin.

"Sorry kung pinaghintay kita." Isang magandang boses ang aking narinig. Nagulat din ako dahil hindi ko akalaing babae pala talaga ang General. Tatayo na sana ako para mag bow pero sinenyasan niya ako na huwag na. Dumiretso na siya sa upuan niya at tahimik lang akong nakatingin sa kanya.

"I'm General Chae-rin." Pagpapakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay niya. Inabot ko ito at tinanggap tsaka ngumiti. Ngumiti din siya at saka tumikhim.

"May gusto lang akong itanong." Seryoso nitong sabi kaya medyo nakaramdam ako ng takot sa boses niya. Hindi ko akalaing may ganitong klaseng babae pala.

"Ano po yun?" Mahina kong tanong sa kanya. Masyado akong pogi para kabahan kaya buti na lang talaga at hindi na 'ko kinakabahan tulad ng kanina. Tinignan ko siya sa seryoso niyang mga mata at nagsimulang huminga ng malalim.

"May gusto ka ba kay Lieutenant General Jennie Kim?" Tanong nito kasabay ng pagtaas ng isa niyang kilay. Inilagay din niya ang kanyang mga kamay sa baba ng kanyang baba. Kung wala lang talaga akong respeto at kung ayos lang sa akin na mawalan ng kahihiyan ay baka napatawa na ako ng malakas.

Ako? Magkakagusto kay Lieutenant General Jennie Kim? Masyado naman yatang imposible 'yon. Mas pipiliin ko pang mamatay sa isang gera kaysa magkagusto sa kanya. Lalaki ang gusto ko.

"Ano po?" Pilit kong pagpipigil ng tawa. Nagkunwari akong hindi ko naintindihan ang tanong niya. Napasandal na lang siya sa upuan niya at saka huminga din ng malalim.

"Wala. You can go now." Mahina niyang sabi. Nagulat ako dahil akala ko uulitin niya yung tanong niya kanina, hindi pala. Tumayo na ako at sinalubong ako ng secretary niya. Mukhang ihahatid pa yata ako papunta sa dorms. Nginitian ko lang si Sheena-unnie at nauna na ako sa kanya.

"Bakit ka pinatawag?" Salubong na tanong sa akin ni Roseanne na kumakain nanaman. Hindi na nabusog ang kupal. Umupo lang ako sa tabi niya saka sumagot.

"Tinanong lang nung General kung may gusto daw ba 'ko sa anak niya." Paliwanag ko sa kanya. Nagulat siya sa sinagot ko dahil bigla na lang siyang tumigil sa pag nguya. Nanlaki ang mga mata niya at hinawakan niya bigla yung braso ko. Tinignan ko lang siya ng may pagtataka.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Wala na talaga akong ka alam alam sa mga pinagkikilos niya.

"Anong sinagot mo?" Tanong niya sa'kin na akala mo may pinapanood na movie tapos parating na sa climax na part. Umirap lang ako ng dahil sa tanong niya. Ano pa nga bang isasagot ko sa kanya 'di ba?

"Wala. Wala akong gusto sa anak niya." Malakas kong sagot sa kanya. Baka kasi ipaulit niya pa sa akin. May pagkabingi ang chipmunk na 'to.

"Ay," Malungkot niyang sabi sabay subo nanaman ng pagkain. Kukuha na rin sana ako kaso huwag na lang. Mukhang kulang pa sa kanya yung kinakain niya. Kawawa naman siya kapag kinuhanan ko pa.

Napansin ko ang mga libro sa kabilang sulok ng kwarto. Naalala ko noon si Jisoo-unnie na mahilig magbasa ng libro.

"Lisaaaa!" Sigaw ni Jisoo-unnie sa'kin. Hindi ko alam kung bakit nanaman niya ako sinisigawan eh wala naman akong ginagawang masama. Galit na galit siyang naglakad papunta sa'kin habang may hawak na libro.

"Nasaan yung isang page dito?!" Galit na galit niyang tanong sa'kin. Pilit kong inaalala kung may pinunitan nga ba akong isang page ng libro. Kinabahan ako bigla nang maalala kong hirap na hirap akong picturan yung isang page kaya pinunit ko na lang. Akala ko naidikit ko na, hindi pa pala.

Hindi ko siya sinagot at nagwalk out na lang siya na inis na inis pa rin. Natawa na lang ako ng palihim ng dahil sa maliliit niyang hakbang papalayo sa'kin.

"The Maze Runner ba 'yon?" Tanong ko kay Roseanne sabay turo sa isang libro. Napatingin siya sa tinuturo ko at tumango. Mukhang sa kanya ang libro na 'yon dahil sa pagkakaalam ko, malinis at walang gamit ang mga kwarto dito kapag walang gumagamit.

Nang dahil dito, bigla ko na lang sila namiss. Lalo na si Jisoo-unnie at siyempre pati na rin sila eomma. Namimiss ko na yung mga pagkaing laging sumasalubong sa'kin tuwing gigising ako. Pero alam ko naman na kasalanan ko rin kung bakit ko sila namimiss.

Hindi naman kasi required para sa mga babae ang pagseserve sa military pero nagpabibo ako. Napansin kong patulog na si Roseanne habang ako naman ay nagmumuni muni pa.

Nakakagulat pa rin talaga yung General kanina. Bakit naman niya naisip na magkakagusto ako sa anak niya? Nasa tamang katinuan pa ako kaya hinding-hindi ako magkakagusto sa isang babae.

Lalo na sa maarte at laging pinagsakluban ng langit at lupa na si Lieutenant General Jennie Kim.

Lalo na sa maarte at laging pinagsakluban ng langit at lupa na si Lieutenant General Jennie Kim

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now