14

2.2K 48 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nang tumira kami dito pansamantala ni Roseanne sa bahay nila Jisoo. Hindi ko akalaing naging ganito ang buhay ni Jisoo dahil sa isang arranged marriage. Pero thankful sila pareho dahil ngayon alam nilang totoo na nilang mahal na mahal ang isa't isa. Naging magkatext na rin kami ni Jennie. Balita ko ay nakatira siya sa condo na binili ng tatay niya. Mabuti na lang daw talaga at sa kanya iniwan ng tatay niya lahat ng kayamanan nito.

"Lisa, nandiyan si Jennie sa labas." Nakaupo ako sa sofa habang nagbabasa ng libro. Hindi naman ako ganoon ka adik sa social media at mas gusto kong magbasa ng mga libro na mayroon si Jisoo. Tumingin ako kay Roseanne at pakiramdam ko ay may tinatago siya sa akin. Ngingiti ngiti pa naman ang gaga e.

"Ha? Ang aga naman." Ang usapan namin after lunch, e wala pa ngang alas dose. Tumayo na ako para puntahan si Jennie na naghihintay sa pintuan. Niyakap niya ako at dahil doon muntik na akong ma out of balance.

"Namiss kita." Mahina niyang sabi nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. Nakita ko ang pamumula niya kaya medyo natawa ako sa hitsura niya.

"Nung huling araw mo nga lang ako pinansin e." Pagtatampo ko ng kunwari sa kanya. Ang corny pero hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Usually, hindi naman talaga ako ganito. May nakain ba ako?

"Sorry na. Sa---" Naputol ang pagsasalita ni Jennie nang biglang may dumikit sa likod ko. Nakita ko si Jisoo na nakasilip, mas maliit kasi siya sa akin kaya ganoon. Bumalik ang pagiging bitch mode ni Jennie dahil sa ginawang pagtaas ng kilay ni Jisoo.

"Siya ba si Jennie?" Tanong ni Jisoo sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. Alam ko na nasa utak netong bruhang 'to. Nako.

"Ah oo." Tipid kong sagot. Mas lumawak pa ang ngiti niya na ikinakunot ng noo ko. Ano ba trip ng bruhang 'to? Lumipat si Jisoo sa tabi ko para iabot ang kamay niya kay Jennie.

"Ako si Jisoo, may-ari ng bahay na 'to. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman aagawin sa'yo si Lisa kasi may asawa na 'ko." Nakangiting sabi ni Jisoo habang nang-aasar. Hinampas ko ang braso niya pero hindi man lang umaray. Lakas naman neto.

"What the fuck Jisoo?" Napamura na lang ako dahil sa mga sinabi niya. Tumingin ako kay Jennie para malaman ang reaksyon niya at nakita kong natawa din siya. Ano bang gustong iparating ni Jisoo?

"Jennie, kung gusto mo dito ka na lang din maglunch." Nakangiting sabi ni Jisoo habang hinihila si Jennie papasok ng bahay. Siyempre hindi na makakatanggi si Jennie, nahila na siya papasok e. Naiwan lang akong naguguluhan si pintuan kaya sinarado ko na lang ulit 'yon. Iiling-iling akong sumunod sa kanila papunta sa sala.

Naabutan namin si Seokjin sinasabihan na ang tagaluto na dagdagan ang panglunch dahil nga may bisita. Si Roseanne naman ay may appetizer na sa bibig habang nanonood sa laptop niya ng k-drama.

"Uy Roseanne." Tawag ko sa kanya, alam kong hindi siya nagpapaistorbo sa kahit kanino pero wala siyang palag sa akin. Tinapik ko siya ng ilang beses hanggang sa marinig kong magreklamo siya kahit puno ang bibig niya. Itinigil niya muna ang panonood at saka humarap sa akin.

"Nandiyan naman si Jennie, bakit ako pa rin kinukulit mo?" Aba at talaga namang. Ano nanaman bang kinalaman ni Jennie dito? Naguguluhan akong tumingin sa kanya bago sumagot.

"Kasama pa niya si Jisoo at mukhang nag-eenjoy sila." Nakangiti kong sabi sabay turo sa dalawa na nag-uusap sa sala kasama si Seokjin. Ano nanaman kayang idinadaldal ni Jisoo. Tumingin din si Roseanne sa direksiyon ng tatlo at nakita rin niya na magkasundo ang dalawa.

"Kamusta na kaya sina Cody.." Mahinang sabi ni Roseanne. Napaisip din ako sa sinabi niya. Ilang weeks pa bago sila matapos sa military training nila. Mukhang malakas talaga ang mga connections ni Cody dahil wala pa kaming balita tungkol kay Clarise.

Napagusapan namin na kailangan hindi kami makatanggap ng kung ano tungkol kay Clarise, in that way, malalaman namin na ligtas pa kami. Lalo na ang mag-asawa. Hindi sila aware sa lahat ng baho ni Clarise. Mas minabuti namin na wala na silang gaanong alam para na rin sa safety nila.

"Lisa, Roseanne, ready na ang lunch." Pag-aaya sa amin ni Jisoo habang hila hila nanaman niya si Jennie. Nakita kong nakangiting sumunod si Jennie kay Jisoo. Napapaisip tuloy ako kung ano ang dahilan kung bakit naging magkasundo ang dalawang 'to.

"Jennie, tungkol doon sa plano natin. Kailan tayo magsisimula?" Tanong bigla ni Jisoo habang lahat kami ay nakaupo na sa dining table. Pinunasan muna ni Jennie ang bibig niya bago magsalita.

"Well, anytime pwede ko nang ipahanda ang recording studio ko. At tungkol sa sinabi ni Kuya Seokjin, okay sa akin na yung bandmate niya ang magsusulat ng kanta natin." Pagpapaliwanag niya. Tumango-tango lang si Jisoo habang nakangiti. Nakita ko rin ang pagngiti ni Kuya Seokjin.

Ngayon gets ko na. Mukhang magrerecord sila ng kanta. At ang bandmate ni Kuya Seokjin na si Kuya Namjoon, kung hindi ako nagkakamali, ang magcocompose. Kaya naman pala magkasundo ang dalawa. Nagpunas din si Roseanne bago magsalita.

"Pwedeng sumali?" Tanong niya. Alam kong may mala gintong boses si Roseanne, kagaya ng kay Jisoo. Pero hindi ko pa naririnig na kumanta di Jennie. Pero nabanggit na rin niya once na nagrarap siya.

"Pwede naman." Nakangiting sabi ng dalawa. Nagkatinginan sila dahil sabay silang sumagot sa tanong ni Roseanne. Nagulat si Kuya Seokjin dahil hindi niya akalain magiging interesado ang pinsan niya sa ganoong bagay. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. May masama akong pakiramdam dito.

"Eh kung isali niyo na rin kaya si Lisa."

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now