17

2K 45 3
                                    

continuation

Tumagal nang halos isang minuto bago ko maramdaman ang pagkawala ng malay ni Jennie. Dahan-dahan ko siyang itinayo at aaminin kong hinanap agad ng labi ko ang labi niya. Hindi na ako nagdalawang-isip pang lumabas karga-karga ang katawan ni Jennie. Nag-abang ako ng taxi kahit alam kong masyado nang late para may dumaan pa dito. Lalo na at parang haunted street ang isang 'to.

Kapag sineswerte ka nga naman. May dumaan na taxi, ay joke hindi pala. Si Jin, kasama si Jisoo. Sila ang nakasakay sa sasakyan na huminto sa harapan namin. Sinenyasan na ako ni Jisoo na pumasok kasama si Jennie. Inuna kong ipinasok si Jennie bago tumumba sa loob ng sasakyan. Mabigat si Jennie, hindi lang halata.

Umandar na ang sasakyan at panay ang tingin ko kay Jennie. Nag-aalala ako sa kanya. Sobra. Napabuntong-hininga ako dahilan para mapatingin sa akin pareho sina Jin at Jisoo.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jisoo. Ang akala ko pa naman ay sa bahay na niya ako tatanungin. Bumalik sa pagmamaneho si Jin pero para bang may gumugulo sa kanya. Hindi rin siguro niya akalain na may mangyayaring ganito. Nagtataka na siguro siya ngayon kung sino ang may kagagawan ng nangyari kay Jennie.

"Si Clarise." Tipid kong sagot na agad na ikinabigla ni Jisoo. Lumaki ang mga mata niya at saka napatingin sa asawa niya na biglang nag-iba ang itsura. Bakas sa kanya ang galit. Alam niyang kahit kailan ay hindi siya tatantanan ng ex niya.

"Hayaan niyo na. At saka Jin, kalma lang." Natatawa kong sabi sa kanya na ikinakalma naman niya. Mabilis magalit, mabilis din kumalma. Bagay talaga sila ni Jisoo.

Bumalik na ulit sa pagkaka ayos ng upo si Jisoo habang tinitignan ko nanaman si Jennie. Totoo ba talaga yung nangyari kanina? Nahalikan ko si Jennie, hindi naman na siguro 'yon ang first kiss niya hindi ba? Sa ganda ba naman nito. Ako kasi oo, first kiss ko 'yon. Ibinabahagi ko lamang bakit ba. Ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag naalala niya yung nangyari bago siya mawalan ng malay?

"Baka naman matunaw si Jennie." Pang-aasar na sabi ni Jisoo dahilan para matawa si Jin. Nasa ganito na nga kaming sitwasyon nagawa pang mang-asar ng mga loko loko.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanila. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana.

Hindi ko pa rin makalimutan yung pagapoy ng mga mata ni Clarise. Paano ba talaga nangyari yung bigla na lang siyang nagpalit ng damit habang hindi man lang gumagalaw?

"Nandito na tayo." Sabi ni Jin kaya bumalik agad ako sa wisyo ko. Nauna akong bumaba at lilipat na sana ako papunta sa kabila para kunin si Jennie pero pinigilan na ako ni Jin.

"Ako nang magbubuhat sa kanya, kausapin mo muna si Jisoo." Aniya. Tumango-tango na lang ako at nakita ko si Roseanne na sinalubong si Jin na karga-karga na si Jennie. Pumasok na ako sa loob at hinanap ko si Jisoo na nasa kusina lang pala.

"Paano niyo nalaman na nandoon kami?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng maiinom sa ref. Nakaupo siya sa counter at umiinom din ng tubig.

"Nung bumalik ka sa kwarto mo, nagpaalam na siyang umalis. Gabi na at sabi ko dito na lang muna siya matulog pero ayaw niya, may kailangan daw siyang puntahan. Napansin ni Jin na parang may kakaiba daw sa kinikilos niya, kaya nagdecide siya na itrack si Jennie sa pamamagitan ng device na nakadikit sa damit niya na sinadya kong ilagay. Gusto lang naman namin na maging safe siya. Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan siya, wala naman siyang kaaway diba?"

Mahabang paliwanag sa akin ni Jisoo. Sabihin ko na ba sa kanila? O huwag na muna? Hindi ako makapag-isip ng maayos. Sabihin ko na lang din siguro. Mukhang may-alam na si Jin e. Ibinaba ko ang baso ng tubig na kanina ko pa pala tinutungga kahit wala ng laman.

"Si Clarise. Galit sa kanya si Clarise." Sabi ko sa kanya at mukhang hindi na siya nagulat sa sinabi ko. Nagtaas ako ng kilay para sana kuwestiyunin siya.

"Sabi na nga ba." Aniya at halata sa boses niya ang pagkainis.

"Huh?" Tanong ko sa kanya pero tumayo na siya sa kinauupuan niya. Humarap muna siya sa akin.

"Alagaan mo na si Jennie." Nakangiti niyang sabi na ikinatango-tango ko na lang. Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Roseanne at nakita kong nakahiga na sa kama ko si Jennie. Nagamot na ang mga sugat niya. Hindi na malala ang itsura niya hindi tulad kanina.

Umupo ako sa tabi ng kama at saka siya pinagmasdan. Tinitigan ko lang siya hanggang sa mapansin kong bahagyang bumukas ang mga mata niya.

"Staring is rude." Mahina niyang sabi habang nakangiti. Napaiwas ako agad ng tingin at saka pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Leaving without saying goodbye, that's ruder." Sabi ko sa kanya na ikinatawa nanaman niya. Tinapik tapik ko siya ng mahina at saka akmang tatayo na para hayaan na siyang magpahinga. Akala ko pipigilan niya ko, kagaya ng mga napapanood ni Roseanne sa mga kdrama.

Pero hindi pala.

destined | lisa ✔️Where stories live. Discover now