9

2.6K 62 1
                                    

"Uh Lisa, nakita mo ba si Roseanne?" Tanong sa akin nung crush ni Roseanne. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay di ko pa alam ang pangalan niya. Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sana ng dorms para maibigay ko na yung gamot na kailangan ni Roseanne.

Nagkasakit siya kaya hindi niya nagawang makapagtraining ngayong araw.

"Um, nasa dorms. Nagkasakit kasi siya kaya hindi siya nakapagtraining." Paliwanag ko sa kanya. Tumango tango lang siya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.

"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi sinasabi sa akin ni Roseanne kung ano pangalan netong crush niya. Kaya ako na mismo magtatanong.

"Cole." cool. Sagot nito sabay bow at tumuloy na sa pupuntahan niya. Ilang sandali pa akong nakatayo dito nang matanto kong kailangan pala ni Roseanne ang dala dala kong gamot. Hindi ko na rin siyempre sasabihin sa kanya na alam ko na pangalan ng crush niya. Baka sabihin pa niyang interesado din ako doon kaya ako nagtanong.

"Hmmm.." Habang naglalakad ako pabalik ay may naririnig akong umuungol. Hindi ba neto kayang maghintay hanggang sa kwarto niya? Hindi ko naman nakikita yung ginagawa ng kung sino mang umuungol na 'yon pero isa lang talaga ang pumapasok sa isip ko.

"Theo?" Tanong ko sa kanya habang nakikita kong minamasahe lang pala siya sa likod ng ewan, hindi ko kilala. May kalakihan ang katawan ng kasama niya at malaki din ang ilong. Guwapo sana kaso mukhang bakla.

"Dito talaga sa likod ng puno?" Tanong ko ulit sa kanila at tinigil na nung may malaking ilong ang ginagawa niya. Tumayo na rin sila ng maayos at humarap sa akin.

"Lisa, si Jeon nga pala." Sabi ni Theo nang hindi man lang sinasagot muna ang tanong ko. Tumango-tango na lang ako bago ako magpaalam sa kanila. Hindi ako pwedeng magtagal pa lalo kasi nga may sakit si Roseanne. Kawawa naman ang loka loka.

Nagsimula na kong maglakad pabalik sa kwarto namin at salamat naman dahil wala nang nakaagaw ng atensyon ko. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Roseanne na tahimik lang na nagbabasa ng libro. Ito na yata ang unang pagkakataon na hindi ko siya maaabutang kumakain.

"Bakit ang tagal mo?" Tahimik na tanong sa akin ni Roseanne ng bahagya siyang tumingala mula sa pagkakabasa. Hindi ko na siya sinagot, pagod na rin ako. Sinabi ko na lang na inumin na niya ang gamot tutal nakakain naman na siya kanina bago ako kumuha ng gamot bago ako mahiga sa kama ko.

Tinignan ko ulit siya at kakatapos lang niyang uminom ng gamot. Tinabi na rin niya ang libro na binabasa niya. Nakakalungkot pala kapag ganito si Roseanne. Wala akong naririnig na tunog ng chipmunk na ngumunguya, wala ring dumadaldal sa akin. Siguro dahil na rin sa panghihina niya kaya mas pinili na lang niyang manahimik muna. Binigyan na niya ng kapayapaan ang tenga ko sa wakas.

Umaga na at napansin kong natutulog pa rin si Roseanne. Siya kasi talaga ang kadalasang nauuna sa paggising. Hinipo ko ang leeg niya at napansin kong may lagnat pa rin siya ng kaunti. Mukhang hindi nanaman siya makakapagtraining ngayon. Naaawa na ako sa kalagayan niya. Ayaw din naman kasi niyang magstay sa clinic, mas gusto niya dito.

Papunta na sana ako sa pupuntahan ko para magtraining pero may tumawag sa akin. Hindi ko siya kilala pero alam kong isa siya sa may matataas na ranggo.

"Lisa Manoban. Sumunod ka sa akin." Utos nito at sinunod ko naman. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero parang sa isang kwarto. Kwarto na walang laman kung hindi isang upuan.

Sinenyasan ako ng sinundan ko na umupo habang may kinikuha siya sa kung saan. May iniabot siya sa akin na dilaw na papel. Ito yung papel na sabi ni Jisoo-unnie ay huwag ko daw muna bubuksan at hintayin ko na lang daw na ang mga officers na dito mismo ang magbigay sa akin ng pagkakataon na mabasa ito.

Hindi ko mapigilang matuwa at malungkot na rin dahil namiss ko nanaman siya. Namiss ko nanaman ang pagiging ate niya sa akin. Namiss ko nanaman yung pagsigaw niya ng "chikin! chikin!" kapag pinapasalubungan ko siya ng manok dati.

"Pwede mo nang basahin." Nakangiting sabi saakin nung babaeng officer na nandito. Ngumiti lang din ako sa kanya pabalik at binasa ko na ang letter ni Jisoo-unnie para sa akin.

Bahagya nang bumagsak ang mga luha ko, hindi ko na napigilan pa. Tumayo ang officer na nasa harapan ko at sinubukan akong pakalmahin. Nagpaalam na ako sa kanya at bumalik na muna ako sa dorms habang maayos na nakalagay ang sulat sa debutones kong bulsa.

Sa hindi sinasadyang paraan ay may nakabangga akong mukhang isang baguhan. Trainee din pero yung aura niya, katulad ng kay Lieutenant General. Sana naman hindi sila kambal diba?

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, para bang ineexamine ang buo kong katawan. Alam ko namang sexy ako. Nagtataka akong tumitig sa kanya habang nagtaas naman siya ng kilay.

"Pwede ba sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo," Mataray niyang sabi sabay bangga ulit sa balikat ko. Sa pagkakataong ito, sadya na. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin pero wala na akong pakialam do'n. Masasayang lang ang oras ko kapag pinatulan ko pa ang pagtataray niya.

Sinundan ko muna siya ng tingin habang papalayo at nakita kong nakasalubong niya ang General. Nagbeso beso pa na akala mo ay magtita. Baka naman magtita talaga sila. Halata naman eh. Silang tatlo kasana ng Lieutenant General ay pare-pareho ang ugali. Ang kaibahan lang ay may lihim na ugali pa ang Ma'am Jennie.

Sana lang ay hindi maging abala sa pagminilitary ko ang bruhang 'yon.

destined | lisa ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang