The One With the Gorilla

Start from the beginning
                                    

"Ano?" sagot ko. 

Mas nauna akong magulat na may bisita ako, kesa kung sino ang maaaring pumunta dito sa Paranaque para sa akin.

Agad akong tumayo at bumaba. Ang layo nang lalakbayin mula sa kwarto patungo sa lugar ng bisita. At wala pa sila doon sa salas.

"Dito sa kusina anak, " sabi ni Mama.

Inabutan si Mama na may dalang pinggan ng sinangag kasama si Ate Madel na may dalang mga itlog. May lalaking may apron ang marahang humarap sa akin.

 Sa totoong buhay e normal lang naman ang glaw niya, pero parang mabagal ng times two ang pagharap niya sa aking paningin. Yung tipopng naba-blur ang background niya at ang pinakamatingkad na nakikita ko ay ang kanyang mga ngiti.

 "Good morning," bati ni Gabriel. "Ang haba daw ng tulog mo, sabi ni Tita."

"Oo nga e," sagot ko. "Bakit ka napunta dito?"

"Na-miss kita," sagot ni Gabriel. "I think that's reason enough."

"Madel, itapon mo na lahat ng asukal sa bahay," sabi ni Mama.

"Hindi naman po kailangan tita," biro ni Gabriel. "Siguro po kung tumakbo si Alex at yumakap sa akin the moment he saw me kanina. Baka mapa-massacre na ang lahat ng bubuyog."

"Ay naku po, sir Gabriel masama po ang epekto sa kalikasan kapag nawala ang mga bubuyog," singit ni Mabel.

"Wow, karakter ang Mabel," sabi ni Mama. "Environmentalist ang peg. Halika, doon na tayo magkwentuhan ng mga pinaglalaban mo at iwanan na natin itong dalawang love birds dito."

"Ay, bading po ba sila?" tanong ni Mabel.

"Yung Bisita, alam ko, oo," sabi ni Mama. "Itong anak ko, nagto-toss coin pa."

"Ay sana po, hindi matuluyan si Sir Alex," sabi ni Mabel. "Bawal po ang bakla dito sa bahay."

"Hilig mo rin sa 'ay' Mabel, ano?" sabi ni Mama. "Hayaan na natin sila. Let's go, fly. Chupiparacci!"

Dumeretso na si Mama at si Ate Mabel sa dining area.

"Sorry," sabi ko kay Gabriel. "Hindi ko lang in-expect na nadito ka. Paano ka nakarating dito?"

"I drove," sagot ni Gabriel.

"Ibig kong sabihin..." pinutol ako ni Gabriel.

"I asked around," sabi niya agad.

"Thanks," sabi ko sabay nang paglaki ng ngiti ko kaya't hindi ko napigilang magtanong. "Asukarera ka ba?"

"Asukarera? Bakit?"

"Para kang pabrika ng katamisan e."

"You're joking now," sabi ni Gabriel. "You're making me love you more."

Dala ni Gabriel ang mga bacon patungo sa dining area.

"Let's go, and eat," yaya niya.

"Wala ba akong dadalhin?"

"I'll carry everything for you. I will even carry you."

"Gabriel, bakit?"

"Bakit, bakit?"

"Why so sweet? Alam mo namang nakuha mo na ako?"

"I thought so, too. Until you ran away on that motorcycle with Jessie. I felt that I have to get you back."

Nakatalikod sa akin si Gabriel at at pinigil ko ang kanyang paglalakad. Niyakap ko.

"I'm sorry, Gabriel."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now