Chapter 96

8K 204 42
                                    

Chapter 96

Jutay POV:

Isang tunog ang nagpagising sa aking diwa.

Tunog ng mga ibon ang  humuhuni sa labas ng kubo.
Ito ang dahilan kaya napamulat ang mata ko.

Sumabay rin ang lamig ng hangin na syang dumadampi sa aking balat.

Bahagya akong tumagilid para tingnan sana ang babaeng katabi ko kagabi na natulog.

Pero ganon na lamang ang pangungulilang naramdaman ko nang hindi ko masilayan si Airah.

Mabilis akong bumangon at hinanap ko ang dalaga.

"Airah. Airah!"
pagtatawag ko sa pangalan nito.

Habang binibigkas ko ang pangalan nya, ay tuluyan na akong lumabas ng kubo para sana don sya hanapin.

Unti-unti na ring nabubuo ang kaba sa aking dibdib.
Malakas na kumakabog ang puso ko nang hindi ko pa rin mahagilap ang babaeng mahal ko.

"Airah! Shit! Nasan ka?!"

"Airah!"

"Airah!"
muling sigaw ko.

Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin kabisado ang lugar na to.

Basta ko na lang kasi iniliko ang aking kotse dito nung makita ko ang kubo.

Ang gusto ko lang naman mangyari kagabi ay ilayo ang dalaga at kausapin.
Gusto kasing humingi ng tawad sa kanya dahil sa mga ginawa ko.

-

Napasabunot na lamang ako ng aking buhok nang hindi ko pa rin maaninag ang anino ni Airah.

Medyo malayo na rin ang tinahak ko para hanapin sya.

Tangina, kasalanan ko na naman to!

Kapag may nangyari ulit na masama sa dalaga, hindi ko na rin mapapatawad ang sarili ko puta!

Muli akong bumalik sa kubo at nagbakasakaling nagkasalisihan lang kami,
pero hindi eh.

Wala ng Airah na bumalik.
Wala na akong Airah na nakita.
At wala na yung Airah na niyakap ko kagabi.

Napaupo na lamang ako sa may katre habang iniisip ko ang nangyari kagabi.

Puno na kami ng pagmamahalan nung mga oras na yon.

Pero sa puntong ito, pakiramdam ko panaginip na lamang ang lahat.

Tila pinagbigyan lang ng babae ang kahilingan ko kagabi.

Mahigit isang oras rin akong naghintay sa loob ng kubo,
hinintay ko na baka dumating sya.

Pero wala pa rin talaga.

At doon na lamang ako nakahinga ng maluwag nang makatanggap ako ng text galing sa aking ina.

'Son, nasan ka na ba? Akala ko ba magkasama kayo ni Airah, pero bakit sabi ng tauhan ko ay mag-isa itong umuwi? Alalang-alala na kami sayo ng dad mo.'

Nang mabasa ko ang text message ni mom ay agad na ako tumayo at pumunta sa may kotse.

Nakakalungkot dahil hindi man lang ako ginising ni Airah.
Pero ayos lang, ang mahalaga ay nalaman kong ligtas sya.

Siguro kailangan nya lang ng konting oras at araw para makapag-isip tungkol sa sinabi ko sa kanya kagabi.

Totoong gagawa ako ng paraan para mapasa-akin sya ulit.
At kung kinakailangan na sobrang effort ang ilaan ko dito ay gagawin ko, kung yun lang ang paraan para maibalik ko yung relasyon naming dalawa.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now