Chapter 76

6.6K 158 4
                                    

Chapter 76

Jutay POV:

Hindi muna ako bumalik ng Manila at nanatili muna ako dito sa Bicol.

But as of now, narito ako ngayon sa isang club kung saan may mga babaeng sumasayaw sa entablado habang may mapang-akit itong taglay sa mga manonood na lalaki.

Halos kita na kasi ang kanilang katawan dahil sa hapit na hapit na damit at maikling short.

I'm not a minor anymore kaya nakapasok ako sa ganitong lugar.

Umiling na lamang ako at itungga ko sa aking bibig ang isang beer.

Kung tutuusin, kagabi pang mga alak ang laman ng sikmura ko.

Pero puta! Wala akong pake!

Gusto kong lunurin ang sarili ko rito para kalimutan ang lahat ng nangyari.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iinom ay may isang magandang dilag ang syang lumapit sa akin at humaplos sa aking dibdib.

"Hi lover boy, mukhang may problema ka yata?"
"--Kanina pa kasi kitang pinagmamasdan habang sumasayaw ako, and I think kailangan mo ng makakausap." mapang-akit na wika nito habang patuloy sya sa paghaplos.

Tiningnan ko naman ng kabuuan ang mukha nito.

At sya nga, sya nga yung babaeng nasa gitna na sumasayaw kanina.

Inalis ko naman ang kanyang kamay nang akma nitong hahawakan ang ibabang parte ko.

"Wala ako sa mood makipag-usap." walang ganang sambit ko rito sa babae.

Pero nagulat naman ako nang bigla itong kumandong sa akin.

"Masyado ka namang pahard to get lover boy."
"Alam mo bang, maraming gustong tumable sa akin?"
"At maswerte ka, dahil ikaw ang linapitan ko kahit na hindi mo ako binayaran." pakagat-labing saad nya kasabay ng pagkindat nito sa akin.

"I said, wala ako sa mood makipag-usap ngayon."
"Kaya umalis ka na sa harapan ko, bago pa dumilim ang paningin ko."
wika ko rito habang nakatingin ako ng matalim sa dalaga.

Mabilis namang umalis ang babae sa pagka-kandong sa akin at tuluyan ng naglakad palayo sa gawi ko.

Siguro natakot sya sa sinabi ko kaya hindi na ito nag-atubling mangulit pa sa akin.

Itinuloy ko ng muli ang pag-iinom ng alak.

Jake POV:

Lalo tuloy akong humahanga kay Airah, dahil sa kabila rin ng nangyayari sa kanya ay nagagawa nya pa ring ngumiti.

Airah is a strong person.
Nakaya nyang makasurvive at nakaya nyang buhayin ang sarili simula nang pumanaw ang magulang nya.

At alam ko na darating ang araw ay mawawala rin ang issue sa kanya.

Mahigit dalawang oras kaming nasa loob ng bus bago ito huminto sa kainan.

Medyo mahaba-haba pa ang byahe kaya kailangan muna naming kumain para sa ganon ay hindi kami magutom.

Kami ang huling bumaba ng bus pero hindi pa rin mawala ang tinginan ng ibang tao na nakakakilala kay Airah.
Ang tingin nila ay may halong pagkamuhi at pagkadiri sa dalagang kasama ko.

"Let's go, kumain na rin tayo." sambit ko kay Airah kasabay ng pag-akbay ko sa kanya.

Nang makapasok kami sa isang mini-restaurant ay ako na itong umorder ng makakain.

Bumalik na agad ako sa mesa kung saan namin napiling pumwesto.

"Ubusin mo yan Airah. Nagtake-out na rin ako ng burger at mineral water , para kung magutom ka, meron kang makain."  pahayag ko kasabay ng paglapag ko ng tray sa mesa.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now