Chapter 61

7.9K 175 15
                                    

Chapter 60

Airah POV:

Halos mamatay na ako sa kahihiyang ginawa ko ngayon.

Mabuti na lang at hinubad na ni Gino ang kanyang suot na jacket at kasabay non ay inilagay nya ito sa aking bewang para takpan ang pwetan ko na may tagos.

"Tumungo ka na sa c.r at bibili na ako ng napkin mo Airah." Bulong nito sa aking tenga.

Dahan-dahan naman akong tumango at naghiwalay na kaming landas na dalawa.

Lumabas na sya ng Jollibee samantalang ako ay tinutungo ko ang Cr.

Shet, ang sakit talaga ng puson ko.

Halos manghina ang aking tuhoddahil bigla akong napaluhod ng wala sa oras nang makapasok ako ng tuluyan sa Cr.
Buti na lang at ako lang ang tao rito.

Iyinuko ko ang aking ulo habang hinihintay si Gino.

Napasagi tuloy sa isip ko kung paano sya bumili ng napkin.
Siguro nakakahiya iyon para sa isang tulad nya na lalaki.

Jutay POV:

FUCK.

Malutong na mura ang paulit-ulit kong isinasambit sa aking sarili ngayon habang narito ako sa isang grocery store.

Hindi ko kasi alam kung anong kulay ba ng sister ang aking pipiliin.
Tapos tangina, may pa-wings pa ang isang klase ng sister na to!

Balak yatang paliparin ang ano ng babae eh! Tsk.

Marami akong kinuhang sister na napkin kaya matapos non ay dumiretso na ako ng cashier.
Pinagtitinginan tuloy ako ng mga ibang babae dahil  sa dala ko.
Pero shit! I don't fuckin care!
Ginagawa ko to para sa babaeng mahal ko.

Nang matapos akong bumili ay bumalik ulit ako sa Jollibee kasabay non ay pumunta na agad ako sa Cr ng babae.

Nakita ko agad si Airah na nakaupo sa sahig habang tinitiis ang sakit.

She's hurting right now kaya maging ako ay nasasaktan na rin dahil sa kalagayan nya.

"Airah, here. Hindi ko alam kung with wings ba or without wings ang ginagamit mo kaya binili ko na yan pareho." wika ko sa kanya.

Ngumiti lang ito sa akin nang kunin nya ang napkin na inilahad ko sa kanya.

Pumasok na sya ng tuluyan sa Cr, kaya wala akong nagawa kundi ang hintayin na lamang sya sa labas.

Hindi tuloy ako mapakali dahil sa nararanasan ni Airah ngayon.

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na siya ng Cr.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at yinakap ko agad sya.

"Airah, kung pwede lang sana na ako na lang ang madatnan ng regla ay aakuin ko para lang hindi ka masaktan. Tangina, kung pwede lang sana ay ginawa ko na yon. " saad ko rito habang naiinis ako sa sarili ko.

Pakiramdam ko kasi ay wala akong kwentang manliligaw dahil wala man lang akong nagawa para alisin ang sakit na nararamdaman ni Airah.

Narinig ko ang mahina nyang hagikhik kasabay non ay mahina nya rin akong tinapik.

"Hahaha, thanks sa concern mo Jutay." sambit nya sa akin habang natatawa pa.

Medyo napangiti naman ako dahil sa pasasalamat na sinabi nya.

"Halika na, uwi na lang tayo. Gusto ko na rin kasing magpahinga eh." muling sabi nito.

Dahil naiintindihan ko ang kalagayan nya ay pumayag na ako na umuwi na kaming dalawa.

Airah POV:

Pasimple akong napapangiti kapag naalala ko kung gaano ka-concern sa akin si Gino.

Ramdam ko kasi na seryoso talaga sya pagdating sa akin.

Sino bang mag-aakala na yung mayaman na Gino at Boss ko ay bibilhan ako ng napkin.
Hahaha.

Nakakatawa diba?

Pero dahil sa ginawa nya ay naibsan kahit papano ang sakit ng puson ko.

Habang nagmamaneho si Jutay ay alam kong tinitingnan nya ako dahil nga't minsan ko ng nahuli ang kanyang mata na nakatingin sa akin.

"Airah, malayo pa naman ang bahay natin kaya umidlip ka na lang muna kung gusto mo." wika nito sa akin.

Kung sabagay, may point naman talaga sya.

"Sige Jutay. Salamat. Paki-gising na lang ako kapag nandon na tayo." bilin ko sa kanya.

Medyo inaantok na rin kasi ako kaya wala na ako sa mood makipag-usap.

Pinikit ko na ang aking mata para matulog.


Jutay POV:

Inlove na nga talaga ako ng husto kay Airah.

Kaya ganito na lamang ang aking reaksyon kapag nakikita ko syang nasasaktan.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong tulog na ngayon ang babaeng mahal ko.

Alam ko kasi na hindi nya mararamdaman ang sakit kapag tulog sya.

Itinuon ko na muli ang aking atensyon sa may kalsada habang ako ay nagmamaneho.

Tumagal rin ng mahabang minuto bago ko natunton ang bahay namin si Sarah.

Pero laking gulat ko na lamang nang maagaw ang aking atensyon sa babaeng nasa pinto ng bahay mismo.

Nakaupo ito at tila ba may hinihintay.

"Sarah?"
Ito ang tanging lumabas sa aking bibig nang makilala ko kung sinong babae ang nakaupo.

Sa halip na gisingin ko si Airah ay bumaba agad ako ng kotse para paalisin si Sarah.

Mabilis naman itong lumapit sa akin at kasabay non ay yinakap nya ako ng mahigpit.

"Oh Gosh bhoo! Naghintay ako dito ng ilang oras para kausapin ka. Baka kasi nagbago ang isip mo." wika nito sa akin.

Malakas kong kinalas ang pagkakayakap nya at seryoso ko syang tiningnan.

"Sarah, umalis ka na. Hindi na magbabago ang isip ko."

"But Bhoo, bukas na ang punta natin sa bicol diba? Paano na lang yung pinag-usapan nating dalawa? Hindi mo na ba yun tutuparin?" Malungkot na tanong nito.

"Tutuparin ko pa rin yon Sarah."
"---Pero hindi na nga lang sayo, kundi sa iba na." patuloy kong sabi.

Bigla namang umiba ang ekspresyon ng mukha ni Sarah.

"What? Gino, hindi pwedeng sa iba mo yon tuparin! Baka nakakalimutan mo na binigyan mo na ako ng ari-arian sa bicol! Kaya paano ko yon makukuha kung hindi mo ako isasama!" halos pasigaw nya ng bigkas.

"Sarah, ibibigay ko pa rin sayo ang ari-arian na pinangako ko. Pero hindi ibig sabihin na ibibigay ko na yon sayo ay pwede ka ng sumama."
"--Bakasyon namin ni Airah sa bicol at the same time, idedate ko sya sa iba-ibang parte ng lugar na yon."
"--Kaya ayokong makagulo ka lang sa amin." saad ko rito para maintindihan nya ako.

"So mahal na mahal mo na nga talaga si Airah?" halos mangiyak-ngiyak niyang tanong.

Tumango naman ako bilang sagot ko sa tanong nya.

"--o-okay Gino. Naiintindihan na kita."
"--Pero sana maintindihan mo rin ako, gusto ko lang naman talaga na sumama para makita ko yung ari-arian na binigay mo sa akin at makapasyal rin."
"----Hindi naman ako mang-gugulo Gino. Promise." wika nya na animo'y may pagmamakaawa sa kanyang mukha.

"Sarah--"

"Gino, last na talaga to. Pagpinagbigyan mo ako sa hiling ko na sumama sayo, pangako--hindi na kita kukulitin pa." muling sabi nito sa akin.

Tinitigan ko naman sya sa kanyang mata at sa tingin ko naman ay nagsasabi ito ng totoo.

"Okay Sarah. Ipapasama kita, pero isang araw ka lang pwedeng magtagal don." Pagpapayag ko rito.

Hindi na bago sa akin ang ligaya sa mukha nya dulot ng aking sinabi.

He's My Boss (Book 1) CompletedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora