Chapter 62

8.2K 242 34
                                    

Chapter 62

Jutay POV:

Umalis na nga si Sarah nang pumayag akong sumama sya bukas sa pagpunta namin ng bicol ni Airah.

Mabuti na lang at tulog pa rin hanggang ngayon ang babaeng mahal ko at hindi nya man lang naramdaman ang presensya ni Sarah, dahil kung magkataon na nakita nya ang dalaga ay tiyak na magseselos sya.

Pero sa ngayon, hindi ko muna dapat isipin ang mangyayari bukas.

Hindi ko na ginising pa sya sa halip ay binuhat ko na lamang ito na parang pangkasal.
Hindi naman gaanong mabigat si Airah kaya hindi ako nahirapang buhatin sya papasok ng kwarto.

Hanggang ngayon ay sarap na sarap pa rin sya sa pagtulog kaya tinabihan ko na lamang sya.
Hinalikan ko pa ang kanyang noo kasabay non ay yinakap ko pa sya at natulog na rin.

Airah POV:

"Hmmm" pag-uungol ko nang magising ako.
Ramdam ko na may mabigat na brasong nakapatong sa aking tiyan.
Napangiti naman ako dahil alam kong kay Gino na braso yon.

Bahagya kong tinapunan ng tingin ang lalaking katabi ko at pasimple ko syang dinampian ng halik sa labi.

Para-paraan ba?
Eh kasi naman, naaakit ako sa lips ni Gino eh.

Bago pa man ako tuluyang maging manyak ay bumangon na ako.

It's already 6 a.m.
At eto na pala ang araw na pupunta na kami ng bicol ni Jutay.

Ayieeeh, kinikilig tuloy ako lalo pa't sabi nya kaming dalawa lang ang magkasama.

Feeling ko, may pinaghahandaan na naman itong surprise sa akin para pakiligin ako.

Akma sana akong papasok ng banyo para umihi nang marinig kong may kumakatok sa pinto.

Mas inuna kong buksan at tingnan kung sino ang kumakatok kaya lumapit ako sa pinto at pinihit ko ang doorknob para makita kung sino ang taong yon.

"Hi Airah, Goodmorning." ngiting sambit ni Sarah sa akin.

Awtomatikong nawala ang saya sa aking labi nang makita ko na may mga dala syang gamit.

"Anong ginagawa mo rito? At anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya para malaman ko kung bakit sya nandito.

"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Gino?" balik na tanong nito sa akin na animo'y may gusto syang iparating.

"Okay, base sa mukha mo ay halatang hindi pa nga nasasabi sayo ni Gino yon."
"--pero sige, ako na lang ang magsasabi."
"--Nandito ako dahil Gino told me na kasama ako sa pagpunta nyo ng Bicol." wika nito na hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang labi.

Teka?
Tama ba yung narinig ko?
Kasama sya sa pagpunta namin ni Jutay sa Bicol?

Abah, hindi yata ako nainform.

Taas-kilay ko naman syang tiningnan.

"Ganon ba? Hindi yata ako updated na kasama ka. Sa pagkakaalam ko kasi, bakasyon namin to ng manliligaw ko." saad ko sa kanya.

Tumawa lang ito ng nakakainsulto kasabay ng paglapit nya sa akin.

"Airah, masyado ka yatang nagiging kampante na sayong-sayo na talaga si Gino."
"Nakakaawa kang tingnan, alam mo ba yon?" sambit nito.

"Okay lang na nakakaawa, basta hindi lang magmukhang desperada na katulad mo." Ngising wika ko na rin sa kanya.

Kung inaakala nya na hindi ko sya lalabanan.
Abah! Nagkakamali yata sya!

Hindi ito nakaimik na tila ba natamaan sya sa aking sinabi.

Eh sa totoo naman talaga diba?
Mukha na syang desperada kay Gino.
Habol ng habol para lang makuha ang gusto nya.

"So pano, gigisingin ko na muna ang manliligaw ko ha? Sobrang pagod na pagod kasi sya kagabi dahil sa ginawa namin." pagpapainggit ko naman rito.

Alam ko na hindi sya magseselos dahil nga't hindi nya totoong mahal si Gino pero I'm really sure naman na maiinggit sya dahil nasa akin na ang atensyon ng lalaking pineperahan nya.

Halos pumutok na ang pisngi nito sa galit kaya pa-smirk ko syang tiningnan kasabay non ay tumalikod na ako na mala-Catriona ang dating.

Tumungo na ulit ako sa kwarto at marahan kong ginising si Gino.

"Jutay, nandito si Sarah." walang emosyong sambit ko agad sa kanya nang magising sya.

Awtomatikong napabangon sya ng wala sa oras dahil sa nalaman nya.

"Airah--"

"Lumabas ka na, nakakahiya naman sa kanya kung paghintayin mo sya." wika ko agad na hindi ko man lang hinayaang patapusin magsalita si Gino.

Alam ko naman kasing magpapaliwanag sya kung bakit nandito si Sarah.

At sa totoo lang, nagseselos pa rin ako kahit na nakipaghiwalay na sya kay Sarah.

Hinawakan nya naman ang aking braso kasunod non ay tiningnan nya ako ng diretsa.

"I'm sorry Airah. Alam kong nagagalit at nagseselos ka dahil kay Sarah. Pero gusto ko lang malaman mo na pumayag lang ako na sumama sya para hindi nya na ako kulitin pa." saad nya na may kasamang paliwanag pa.

Talagang gusto nyang maging malinaw sa akin ang lahat para hindi na ako magselos pa.

"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
Medyo nalito at naguluhan kasi ako sa huling litanya nya.

"Pumunta kasi si Sarah dito kagabi. Sad to say, tulog ka nung mga oras na yon. Nagmakaawa syang sumama sa atin kapalit non ay hindi nya na raw ako kukulitin pa." muling sabi nito.

"And? Bukod don? May iba ka pa bang sasabihin, Gino?" sunod ko ulit na tanong rito.

"Actually Airah-- ahm, may binigay kasi akong ari-arian kay Sarah sa bicol, nung magkarelasyon pa kaming dalawa." sagot nya sa tanong ko habang kumakamot pa sa kanyang ulo.

Bigla tuloy naningkit ang mata ko dahil sa nalaman ko ngayon.

Potah!
May nakuha na pala syang isang ari-arian pero nang-gugulo pa rin sya.

Ano pa bang gusto nya?
Yung makuha ang lahat at ubusin ang kayamanan ni Jutay?
Abah! Nagmumukhang pera na sya ha?!

Huminga ako ng malalim para matimpi ko ang aking inis sa harapan ni Gino.
Nakakainis rin kasi ang lalaking to, masyadong naging uto-uto pagdating kay Sarah.

"Airah, I'm sorry. I'm really sorry." hinging depensa nya habang nakatingin pa rin sya sa aking mata.

"Okay. Basta sa susunod Gino, gamitin mo rin ang utak mo. Kasi si Sarah, hindi sya yung babaeng inaakala mo." sambit ko rito na may halong pangaral pa.

"Sige na, kausapin mo na si Sarah sa labas at aasikasuhin ko na ang gamit nating dalawa." wika kong muli.

Subukan lang ni Sarah na landiin si Gino at makakatikim talaga sya sa akin ng suntok, sipa, sabunot at sampal, isabay mo na rin ang tadyak para hospital na tungo nya.

He's My Boss (Book 1) CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora