Chapter 25

10.2K 270 2
                                    

Chapter 25

Jutay POV:

Lumabas na ako ng kwarto para silipin at tingnan sana si Airah.
Hindi ko na kasi naririnig ang boses niya kaya medyo nag-aalala ako kung napano ba siya.

Nakaboxer na lang ako ngayon dahil medyo naiinitan ang katawan ko, wala kasing aircon sa bahay na tinitirhan namin ni Airah. Tsk.

Nang makatuntong ako sa labas, hinanap ko agad siya. Pero laking gulat ko nang makita kong tulog ito na tila ba pagod na pagod.

Kung sabagay, nakakapagod nga namang maglinis. Isama mo pa yung kakasigaw niya sa akin.
Medyo nakabukaka pa ang binti niya, so I try na ayusin ang pagkakahiga nito.
But shit! Bigla niya akong sinipa sa gitna!

"Ouch, fuck Airah! Ba't mo ko sinipa!", daing ko sa kanya.

Pero tila wala itong narinig dahil nanatili siyang tulog.

"Tangina, kakaiba ka talaga.", iling na mura ko rito.

Tiningnan ko naman ang posisyon ng pagkakahiga nya at kita ko na medyo masakit sa katawan yon lalo na sa leeg.

Kaya no choice ako kundi ang buhatin ito ng pangkasal para ilipat don sa kwarto mismo.

Kahit papano naman ay may magandang loob ako.
💞
Dahan-dahan ko namang iginaya pababa ang katawan nya.

"Mas maganda  at mabait ka palang tingnan pagtulog." mahinang sambit ko kasabay ng pag-kumot ko sa katawan nya.

Mabilis na lumipas ang oras at di ko namalayan at nakatulog na rin pala ako sa tabi ni Airah.

💞😍
Airah POV:

Nagising na lamang ako dahil sa kiliting dulot sa aking leeg, isama mo pa na may malaking bagay na nakapatong sa aking tyan, pagtingin ko ay braso lang pala ito ni Jutay.

Teka- pano pala ako nakarating sa kwarto na ito?
Ang pagkakaalala ko ay sa sofa ako nakatulog.
Hindi kaya---- binuhat ako ni Jutay?
Potah! Imposible naman yata yon.

Napailing na lamang ako sa aking naisip at dahan-dahan kong inalis ang kanyang braso sa aking tyan.
Tumayo na at ako tumungo sa kusina.

I decided na magluto na para sa ganon pag-gising ni Jutay este ng Boss ko ay makakain na agad sya.

Pero gaya ng inaasahan ko, hotdog at itlog lang ang nasa ref.
So yun ang linuto ko.

Medyo nakaramdam ako ng pagkaboring kaya kumanta ako para sana maging masigla ako sa aking ginagawa.

"Kung ako mag-aasawa, ang pipiliin ko'y ano? Ang pipiliin ko'y ano? Anak ng bumbero! Binomba ko sya, binomba nya ako! Nagbombahan kami, ugh sharap-sharap!"
Paulit-ulit kong kinanta yon hanggang sa matapos akong magluto.

Ewan ko ba, pero sumasabay talaga ako sa mga uso ngayon😂

After kong magluto ay hinintay kong magising si Jutay pero wala eh.

Kaya naman , tumungo ulit ako sa kwarto dala ang dalawang malaking kutsara.

Hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin ang gago.

So malakas kong kinalampag ang dalawang kutsara na yon para makagawa ng ingay.

"Gising na!!! Yuhooo!" sigaw ko sa kanya habang patuloy kong kinakalampag ang aking hawak.

"Fuck."
"--stop it airah! Ang sakit sa tenga!" mura nya sa akin habang tinatakpan ang kayang magkabilang tenga.

Tinigil ko naman ito at hinarap ko syang nakangiti.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now