Chapter 40

9.6K 256 3
                                    

Chapter 40

Airah POV:

Nakakainis!
Bakit ba iba na naman ang mga kilos ni Jutay?
Kung makapag-akto siya sa akin ngayon, akala mo boyfriend ko siya.

Ayoko ng maramdaman 'to!
Nagmomove-on na ako! At sa tingin ko, oras na para hindi na ako magpadala sa mga salitang binibitawan niya.

Bumalik ulit ako sa classroom na bitbit ang inis sa aking mukha.
Gaya ng inaasahan ko, magkakasama ngayon sila Annie at Jake.

"Airah.", sambit ni Jake sa pangalan ko na kaagad namang lumapit sa akin.

"May ginawa ba sa'yo si Gino? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa akin.", pag-aalalang bigkas muli nito.

Umiling naman ako bilang tugon sa kanya.

"I'm okay Jake. Don't worry.",

Sa puntong 'yon, lumapit na rin sa akin ang tatlo kong kaibigan na bakas sa kanilang mukha ang pagkatakot.

"Bessy, yung lalaki kanina. Nakakatakot siya kung tumingin sa amin.", saad ni Annie habang hindi mapakali ang kanyang kamay.

"Oo nga Airah. My Ghad! Sa tingin ko, unti-unti ng lumalapit sa amin ang karma. Akalain mo ba naman, kaklase natin siya!",pasegunda naman ng isa.

"Napakaliit talaga ng mundo noh? Hayss.", sambit ni Tine na tila ba hindi makapaniwala.

"Teka nga, kilala niyo si Gino? Yung lalaking transferee?", kunot-noong sabat na tanong ni Jake sa amin.

Bigla naman kaming natigilan. Pero sabay-sabay ring napatango sila Annie habang nakanguso pa.

"Pa'no niyo naman nakilala si Gino?", he asked again.

Alam kong maraming gumugulo sa isipan ng binata kaya ako na mismo ang humarap sa kanya para ipaliwanag ang totoo.

"Jake, makinig ka. Ang totoo kasi n'yan, matagal ko ng kilala si Gino. Naalala mo naman siguro yung ilang araw akong nagliban sa klase diba? That time, wala talaga akong sakit. Nakulong ako sa mansion ni Gino.", mahinang sabi ko.
Mahirap na baka marinig ng iba kong kaklase ang sinasabi ko.

"What? Airah, naguguluhan ako.",

"Magulo talaga ang nangyari Jake. Pero isa lang ang alam ko, nagsimula ang lahat ng 'to dahil sa dare prank nila Annie. Dinare nila ako na i-prank si Gino na buntis ako at sabihing siya ang ama ng dinadala ko. Buong akala kasi namin yung kasama niya ay girlfriend nito, 'yun pala kapatid niya. Kaya ayon, pinatira nila ako do'n ng ilang araw. Pero nung malaman nila ang totoo, tinulungan ako ni Gino na makatakas.", pagpapaliwanag ko.

Kahit papano naging malinaw na rin sa kanya ang lahat. Kaso biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Airah, I'm so disappointed.",
sambit nito sa akin.

"Jake, I'm sorry. Gusto ko sanang sabihin agad sa'yo 'yon pero hindi ko magawa dahil natatakot ako.", wika ko sa kanya.

"Naiintindihan kita Airah. Kaya lang medyo na-disappoint talaga ako dahil hindi mo agad sinabi 'yon sa akin.",
"---Pero ngayong alam ko na, alam ko na rin kung bakit iba ang mga kilos ni Gino everytime na magkasama tayo.", muling sabi ng binata.

"A-anong ibig mong sabihin?", I asked.

"Nevermind Airah. 'Wag mo na lang alamin.", sambit nito na may pilit na ngiti.

"Patay, andito na naman siya.", rinig kong sambit ni Annie kaya napalingon ako sa likod.

At do'n nakita ko si Gino na naglalakad papasok sa room namin.

Iba ang aura niya sa mga oras 'to. Ang titig ng mata niya ay tila may pinaparating siya kay Jake.

Oo' kay Jake nga, kapwa silang nagsusukatan ng tingin.
Ewan ko ba pero pakiramdam ko nag-uusap sila gamit lang ang mata.

Nakahinga naman ako ng malalim dahil buti na lang at dumating yung next teacher namin.

Jake POV:

Ngayong alam ko na ang lahat, kompirmado na para sa akin ang totoo.

'Na mahal ni Gino si Airah.'

Lalaki ako, kaya alam ko kung paano ipakita ng isang lalaki ang pagmamahal nya sa ibang babae.

Marahil todo deny lang itong si Gino na hindi nya gusto si Airah at dinadahilan nya na boss lang sya nito, dahil siguro alam nyang girlfriend nya ang pinsan ko.

Pero hindi nya ako malilinlang.

Kagaya ng pagtinginan naming matalim sa mata.
May sinasabi sya sa akin at alam nyo kung ano yon?

'Stay away from Airah'

Kaya napangisi na lamang ako para insultuhin sya lalo kaso biglang dumating ang guro namin kaya nagsibalikan na kaming lahat sa upuan.

Magkatabi kami ngayon, kaya kahit papano ay ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Layuan mo si Airah." mariing sambit nito sa akin.

"Sino ka ba para utusan ako?" mahinang tugon ko sa kanya para kahit papano ay hindi kami marinig ng guro na nasa unahan.

"Masyado ka talagang maangas Jake." Bigkas naman nya.

"Alam kong maangas ako. Eh ikaw, masyado kang pabida. Kung umasta ka akala mo boyfriend ka ni Airah." patamang sabi ko rito.

Dahil sa sinabi ko ay napatingin sya sa aking gawi.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin Gino? Natamaan ka ba? Pasensya na, bato-bato sa langit ang matamaan, ay hindi marunong umilag." ngising sambit ko.

"Fuck. Hindi ako nakikipagbiruan sayo Jake. Kapag sinabi kong layuan mo si Airah, layuan mo." galit na wika nya sa akin.

"Hindi mo ako mapipigilan Gino, mahal ko si Airah at nililigawan ko sya. At teka nga-- diba girlfriend mo ang pinsan ko? Bakit di na lang sya ang atupagin mo?" balik na sabi ko sa kanya.

Medyo natahimik sya pero bakas pa rin ang pagpipigil nya ng galit.

"Ah alam ko na, kaya siguro pinapalayo mo ako kay Airah dahil natatakot kang sagutin nya ako, dahil nga mahal mo na sya. Ano tama ba ako Gino?" paghahamon kong saad muli.

Hindi sya naka-imik pero gitgit nya na ang kanyang ngipin ngayon dahil sa sobrang galit at pakiramdam ko isang salita ko pa rito ay sasabog na sya.

"Pero kahit naman mahal mo sya, wala ka pa ring magagawa kapag naging KAMI na. At alam mo, pakiramdam ko nga nagugustuhan na rin ako ni Airah." ngising wika ko.

Hanggang sa,
biglang kumalampag ng malakas ang kanyang mesa.

"Fuck Jake! Hindi ko hahayaang maging KAYO! Tangina!"

Dahil sa sigaw nya ay maging guro at mga kaklase ko ay nagulat.

Nakatayo na sya ngayon kaya talagang nasa kanya na nga ang atensyon ng lahat.

And this time, mas lalo kong nakompirma na totoong mahal nya nga si Airah.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon