Chapter 79

6.3K 168 10
                                    

Jake Pov:

Halos alas-onse ng gabi kami nakarating ni Airah sa Manila.

At isa lang ang masasabi ko, lutang na lutang at palaging tulala ang babaeng mahal ko.

Sobra na akong naaawa sa kalagayan nya.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng to.

"Jake, sa bahay ko na lang mismo ako ihatid." walang ganang sabi nya.

Matamlay na matamlay ngayon ang buong katawan nya at tila ba dadapuan sya ng sakit.

Kung titingnan, hindi na sya yung Airah na nakilala kong matapang.

"Airah, don ka na muna sa bahay ko. Para naman maalagaan kita." suhestyon ko rito para sa ganon kapag may kailangan sya ay madali ko syang matulungan.

Pero dahil sa sinambit ko ay mapakla itong tumawa.

"No Jake. Mas gugustuhin ko pang tumuloy sa mismong bahay ko kaysa sa bahay mo." pagwiwika nito na tila may pinupuntirya sya.

"Airah----"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang muling umagos ang luha nya.

Pero sa puntong ito, ang iyak nya ay may halong tawa.

"Hahaha puta Jake, ang sakit eh. Alam mo yon? Sirang-sira na yung buhay ko." Habang sinasabi nya ang katagang yon ay hindi ko maiwasan na madala sa emosyon nya.

Ramdam ko ang sakit na nararanasan nya sa mga oras na to.

"Jake, wala na yata akong mukhang maihaharap pa sa mga tao bukas."
"Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko." patuloy na saad nito.

Pero hindi ko inaasahan ang sunod nyang sinambit.

Ilang minuto rin naging tahimik kaming dalawa.
Gusto ko sanang magsalita pero ninais ko na umiyak muna sya para kahit papano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nya.

Pero laking gulat ko na lamang nang sabunutan nya ang kanyang sarili at malakas itong sumigaw.

Puno ito ng galit sa isang tao.

"Tangina! Hinding-hindi ko mapapatawad ang pinsan mo Jake!"
"Hinding-hindi ko mapapatawad si Sarah!"
"Hayop sya!"
"Sya ang may gawa ng lahat ng to!"
"Pinainom nila ako ng drugs!"
Pagsusumigaw nito.

Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon dahil sa nalaman at narinig ko mula sa bibig ng babaeng mahal ko.

Hanggang sa nagsimula nang magkwento si Airah kaya ninais kong makinig muna sa kanya.

"Inutusan nya ang dalawang lalaki na gahasain ako."
"At para maniwala ang mga tao na ginusto ko ang nangyari ay saka nila ako pinilit na uminom ng drugs."
"Nang umpekto yon, hindi ko napigilan ang sarili ko eh. Tangina, kahit ayokong gawin ay nagawa ko."
"At habang ginagawa namin yon, may taong kumukuha sa amin."

Habang nasa kalagitnaan sya ng kanyang pagsasalita ay bigla itong huminto at hinarap nya ako ng puno ng hinanakit.

"Alam mo ba kung sino yon?"
"--Yung boyfriend ng pinsan mo." wika nito.

Medyo naguluhan naman ako sa huling binigkas nya.

"Si Gino?" tanong ko rito.

Dahil ang alam ko ay si Gino lang ang naging boyfriend ni Sarah na humantong rin sa hiwalayan.

"Pati pala ikaw na pinsan ay naloko rin ni Sarah." iling na sambit nya.

Taka ko naman syang tiningnan at hindi makapaniwala sa kanyang tinuran.

"Jake, matagal ng may boyfriend si Sarah."
"--At silang dalawa ang nagplano nito sa akin." Wika niya habang may galit na umaapaw sa kanyang boses at mukha.

Lalo tuloy akong naguluhan.
Lalo pa't sangkot pala ang pinsan ko sa nangyari sa babaeng mahal ko.

Pero bakit?

Anong dahilan para gawin ni Sarah yon?

Gusto ko sanang magtanong pa kay Airah pero minabuti ko na lamang na ako na lang ang magtuklas ng dahilan.

Gaya ng sinabi ni Airah ay hinatid ko na nga sya sa bahay nila.
Sumakay lang kami ng taxi dahil nga't wala akong kotse.

Nang mahatid ko sya roon ay umalis na agad ako.

Kailangan kong makausap ngayon si Sarah.

Kailangang maging malinaw sa akin ang lahat.

Tumungo na rin ako sa mismong bahay ko, baka sakaling nandon ang pinsan ko sa mga oras na to.

At hindi nga ako nagkamali ng aking hinala.
Naabutan ko kasi si Sarah na masayang nakikinig sa musika na nanggaling sa kanyang cellphone.

Natigilan naman ito nang tumayo ako sa harapan nya.

"Jake, nandyan ka na pala."
"By the way, meron na akong biniling ulam sa labas. San ka ba kasi galing?" tanong nito sa akin habang may naka-ukit na ngiti sa kanyang labi.

"Ako ang dapat na magtanong nyan sayo Sarah." balik na wika ko rito.

"Ano bang pinagsasabi mo pinsan?"

"Ang paalam mo lang ay isang araw ka lang sa bicol at babalik ka na agad dito sa Manila. Pero nung mga oras na napanood ko ang video ni Airah ay hindi ka pa rin umuuwi."
"Ngayon sabihin mo sa akin Sarah, nasan ka nung mga oras na kumalat ang video ng babaeng mahal ko?!"

Nasa kataasan na boses na ako nung itanong ko iyon sa kanya.

"Pinagdududahan mo ba ako Jake, na ako ang gumawa ng sex video ni Airah?" pagtatanong nya sa akin sa halip na sagutin nya ang tanong ko.

"Jake, nandito na ako sa Manila nung mga oras na yon. Sadyang nilibang ko lang muna ang sarili ko bago ako umuwi dito sa bahay mo."
"--At nung dumating ako dito ay Ikaw naman ang wala." paliwanag nya para ako'y makumbinsi.

Medyo nag-aalinlangan pa sya sa kanyang sinasabi sa akin ngayon.

"-b-bakit ka ba ganyan sa akin Jake?!"
"I'm your cousin, sa tingin mo ba magagawa kong gawin yon kay Airah?"
"And siguro naman, nakita mo yung video nya diba? At halatang ginusto nya yung nangyari. Kaya walang rason para pagbintangan mo ako." muling wika nito.

Sa puntong ito, tiningnan ko sya sa kanyang mata ng malapitan.

Medyo umiwas pa ito kaya hinawakan ko ang kanyang mukha.

"Siguraduhin mo lang Sarah na nagsasabi ka ng totoo."
"Dahil sa oras na malaman kong kasangkot ka sa nangyari kay Airah."
"--Ako na mismo ang magpapakulong sayo kahit na pinsan pa kita."

After I said those words ay iniwan ko na sya at tumungo na ako sa kwarto.

Damn it!

Kailangan kong gawin ang tama para malinis ulit ang pangalan ng babaeng mahal ko.

©TimojiWP

Ps: Get a guy na katulad ni Jake, readers💞

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon