Chapter 24»»

10.3K 254 6
                                    

Chapter 24

Jutay POV:

"--Hindi ko rin alam Airah. But one thing I know,nagseselos ako.",

"--Hindi ko rin alam Airah. But one thing I know,nagseselos ako.",

"--Hindi ko rin alam Airah. But one thing I know,nagseselos ako.",

Paulit-ulit na sumagi sa isip ko ang katagang sinabi ko kay Airah kanina.
Maging ako ay natigilan dahil sa katagang binitiwan ko rito.

'Tangina Gino, ba't mo kasi sinabi 'yon?',
Kausap ko sa aking isipan na may halong pagsisisi pa.

"N-nagseselos ka?",
Hindi makapaniwalang tanong ni Airah dahilan para mapabalik ako sa aking sarili.
Ilang minuto kasing nabalot ng katahimikan kaming dalawa dahil nga sa sinabi ko sa kanya.

Shit! Ano na lang ba ang sasagutin ko sa kanya?
Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon. Tangina!

Tsk. Tama bang umamin ako rito at sabihing totoo ngang nagseselos ako?

"Of course not.", iwas tingin na bigkas ko rito.

"Ano bang pinagsasabi mo?", muling bigkas ko para kahit papano, isipin nito na mali ang kanyang narinig.

"S-sabi mo kasi, nagseselos ka.", saad niya naman sa akin.

"Psh. Asa ka namang sasabihin ko 'yon? Baka nagkakamali ka lang sa  narinig mo. Tsk.",
Matapos kong sabihin yon, diretso akong tumungo sa kwarto.

Fuck! So weird!
Ang weird ko talaga ngayon.
Masyado na akong nagiging possessive pagdating kay Airah.
Bigla tuloy sumagi sa isip ko, kung gusto ko ba talaga ang dalaga o baka naaattract lang ako sa kanya?

Tsk. Sobrang mali kung magkataon na magkagusto ako kay Airah. Alam kasi ng utak ko na si Sarah lang ang babaeng dapat kong gustuhin at mahalin.

Airah POV:

Bigla tuloy akong nadismaya dahil sa biglaang pagbawi ni Jutay sa sinabi niya.
Potah! Nabingi lang siguro ako.
Nakakahiya tuloy ang pagiging assuming ko.

At this point, ginalaw ko ang aking tenga gamit lamang ang daliri.
I try to check it, baka kasi may duming nakasalpak rito pero wala naman.
Sadyang mali lang talaga 'yong narinig ko.

Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang aking sarili.
Tinuloy ko na nga aking trabaho bilang yaya.
Medyo nakaka-stress nga lang ang araw na 'to dahil sa nangyari.
Kung hindi lang sana lalaki si Jutay, feeling ko rineregla siya dahil sa pagiging moody niya.

Bigla ba kasing inagaw ang cellphone ko na walang paalam.
Teka, speaking off my cellphone?
Parang nasa kanya pa yata 'yon at 'di niya pa sa akin binabalik.

Nang sumagi sa isip ko ito, mabilis akong tumungo sa kwarto. At kung minamalas ka nga naman at naka-lock ang pinto.

"Jutay! Hoy! Buksan mo nga 'to! Yung cellphone ko!", malakas na kalampag ko sa pintuan. Pero tila ba hindi niya narinig ang sigaw ko dahil hindi nito binuksan ang pinto.
At sa tingin ko, magiging aso't-pusa na naman kami.

"Jutay! Bingi ka ba ha? Hoyy!", muling bulyaw ko.

"Potah.", tanging bigkas ko na lamang.

Napailing ako ng wala sa oras at umupo sa sofa. Ang sakit na masyado ng lalamunan ko dahil sa kakasigaw.

Jutay POV:

Hindi ko binuksan ang pinto kahit naririnig ko ang sigaw ni Airah.
Wala eh, masyado lang akong busy sa kakatingin at kaka-check sa cellphone niya.
Kanina ko pa kasi nalaman na hawak ko pa rin pala ito.
Nakita ko ang mga pictures nilang magkakaibigan na kasama si Jake. Syempre agad ko itong binura. Nakakasagwa kasing tingnan ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Fuck!
Dinelete ko na rin pati ang mga messages nito, ang corny niya masyado. Hindi naman sila bagay ni Airah.

Ewan ko ba. Pero simula nang malaman kong gusto niya ang dalaga, naging mainitin na ang ulo ko sa kanya.
Dati naman close kami, pero ngayon pakiramdam ko iba na eh. Ibang-iba na.

Habang nag-sstalk pa ako sa cellphone ni Airah, may tumawag naman rito.
Inis ko itong sinagot nang mabasa kong pangalan ni Jake ang nasa screen.

"Hello Airah. Ahm pasensya na kung naistorbo kita. Hindi mo kasi ako nirereplayan kaya tinawagan na kita. Nga pala, gusto ko kasing sunduin ka--",

"Fuck, stop calling her.", agad na sabat ko at galit kong inend ito. Hindi ko na pinatapos s'yang magsalita dahil nakakairitang pakinggan ang boses niya. Tsk.

Jake POV:

"Fuck, stop calling her.",

After kong marinig 'yon, biglang na-end ang tawag.
Muli kong inalala ang boses nang sumagot sa akin.
Boses lalaki ito na tila ba galit. Medyo pamilyar nga yung boses niya para sa akin.
Pero imposible naman siguro na si Gino ang sumagot ng tawag ko.
Yes, kaboses niya kasi si Gino. At alam kong malabong mangyari 'yon dahil hindi naman sila magkakilala.

"Oh pinsan, masyado naman yatang malalim ang iniisip mo?", sulpot na wika ni Sarah sa akin habang tinatapik-tapik ang aking balikat.
Napatingin naman ako sa gawi niya at pilit na ngumiti.

"Wrong timing kasi ang pagtawag ko kay Airah. Amo niya yata ang nakasagot.", inis na sambit ko. Ito kasi ang unang pumasok sa isipan ko na baka amo lang ng dalaga ang nakausap ko.

"So si Airah pala ang reason kaya malalim ang iniisip mo. Ikaw pinsan ha, masyado ka yatang patay na patay sa babaeng 'yan?" tuksong sambit nito sa akin.

"Yes pinsan, patay na patay nga ako kay Airah.", ngiting sagot ko sa kanya.
Umupo ito sa aking tabi at inakbayan niya ako.

"Alam mo pinsan, bagay kayong dalawa ni Airah. Pero sana kilalanin mo muna siya ng mabuti bago mo ligawan.",

"What do you mean Sarah?", tanong ko rito.

"Hmmmm. Hindi naman sa sinisiraan ko si Airah, pero I smell something wrong sa kanya. And I hope na mali ang iniisip ko. But anyways, kung gusto mo talaga si Airah, I'm here to support you pinsan.", mahabang wika niya sa akin.

"Salamat Sarah.", tanging saad ko.

Pero medyo napaisip tuloy ako sa sinabi nito.

'Kilala ko na ba talaga si Airah?',

He's My Boss (Book 1) CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora