Chapter 29

9.5K 251 3
                                    

Chapter 29

Jutay POV:

Nawalan na tuloy ako ng ganang makipag-usap kay Sarah ngayon, dahil ang isip ko ay tumatakbo kung ano ang ginagawa nila Airah at Jake.
Fuck.
Bat ba kasi sila magkasama?

Hindi na naman nakikinig itong si Airah sa akin.
Ilang beses na namin yan pinagtalunan eh.

"Hey bhoo, are you listening?" tanong ni Sarah sa akin habang kinakaway-kaway nya yung kanyang kamay sa mukha ko.

"What?" tanging bigkas ko.

"Hays. Sabi na nga ba eh, your not paying attention. Kanina pa ako dito, salita ng salita pero hindi ka naman pala nakikinig." wika nito na may halong pagtatampo.

Hinawakan ko naman ang kanyang pisngi at marahan ko itong kinurot.

"Sorry na bhoo, ano na nga ulit yung sinasabi mo?" tanong ko sa kanya habang may paglalambing sa aking tono.

"Well, kanina ko pa kasi sinasabi yung about sa pagpunta natin sa Bicol. Diba sabi mo next week na tayo pupunta ron?"

"Yes bhoo, next week nga."

"Ehh maganda ba ang bicol bhoo?" muling tanong nya sa akin.

"Sobrang ganda. Kasing Ganda mo Sarah. Magaganda ang tanawin sa bicol at marami akong lupain don kaya hindi ka maboboring na pumasyal." sabi ko na lamang sa kanya.

"Bhoo naman eh, pinapaexcite mo lalo ako." sambit nito na animo'y gustong-gusto nya ng makapunta roon.

"Di bale bhoo, mabilis lang lumipas ang araw. Kaya konting tiis na lang." tanging saad ko rito.

Bahagya akong ngumiti sa harapan nya pero Tangina! Laman pa rin ng isip ko sila Airah at Jake.

"Oh natahimik ka yata bhoo? May iniisip ka ba?" puna nito sa akin.

"Ah-nothing. Umuwi na tayo."

"Huh? Umuwi? Ayoko pang umuwi bhoo. Gusto ko pang pumasyal tayong dalawa. Pwede ba?" pagpapacute na bigkas nya habang nagpapacuty-eyes pa talaga.

Ginulo ko naman ang kanyang buhok kasabay ng pagpayag ko na mamasyal kami.

Kahit papano ay gusto kong mabawas-bawasan ang pag-iisip ko kay Airah at Jake ngayon.

After naming kumain ni Sarah ay tumungo kami sa isang mall.

Marami syang gustong ipabili sa akin at mabuti na lang ay dala ko yung aking credit card.

"Bhoo, look. Ang ganda ng dress, mukhang bagay sa akin. Can you buy it for me?"

"Sure bhoo, pili ka lang ng gusto mo at bibilhin ko para sayo." ngiting sabi ko sa kanya.

Makita ko lang si Sarah na masaya ay nagiging masaya na rin ako.

"Thanks bhoo, I'm so lucky to have you." sweet na tugon nya naman.

Naglibot-libot kami sa mall at halos marami na kaming nabili.

4 pair sandals and 25 dress, isama mo pa yung mga pampaganda.
Yan ang i-ilan sa mga napiling bilhin ni Sarah.

"Bhoo, ang cute nung teddy bear, please-- try mo namang kunin yon for me." sabi ni Sarah sa akin habang tinuturo ang mga lalaking may binabaril na lobo at ang prize ay ang malaking teddy bear.

"Gusto mo yon?"

"Yes bhoo, super gusto ko yon."

"Then I will buy you." sambit ko agad sa kanya.

"Eh ayokong bilhin mo yon bhoo, gusto ko paghirapan mo please?" puppy eyes na saad nya sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lamang.
Kahinaan ko talaga ang pagpapacute nya.
Hindi ko sya matiis Tsk.

Lumapit kami don at kumuha na ako ng baril. Ako na kasi ang sunod na lalaro.

Nakailang try ako pero hindi ko talaga mabaril lahat ng lobo.
Kaya in the end, hindi ko nakuha yung teddy bear na gusto ni Sarah.

"Sorry bhoo, hindi ko talaga kaya. Bibilhan na lang kita." pagwiwika ko na lamang sa kanya.

Ngumuso lang ito at walang imik na lumayo sa akin.

Shit! Nagtatampo sya.

"Bhoo, sorry na." Bigkas ko habang sinusundan ko sya.

"Hays. Nakakatampo ka  kasi. Akala ko pa naman, magaling ka don. Talo ka pala ni Ralph eh." Sambit nya sa akin.

Kunot-noo ko syang tiningnan dahil may nabanggit syang tao na hindi ko naman kilala.

"Ralph? Sino yon?" takang tanong ko sa kanya.

"Ah nevermind. Hes just my-- friend. Tara na nga, umuwi na tayo." pag-iiba nyang topic at tila ba nawala bigla yung kanyang tampo.

Hinawakan nya ang aking kamay ngayon and I found it so weird because she's acting like nothing happened.

Jake POV:

Dahil sa sayang umaapaw sa akin ngayon ay hindi ko na inaksaya pa ang oras at sinimulan ko ng ligawan si Airah.

Ngayon na pumayag na sya ay hindi ko na sasayangin pa yon.

Tinext ko na rin si Sarah na nandito si Airah sa bahay ko para sa ganon hindi sya makaistorbo sa aming dalawa.

At ngayon, kasalukuyan akong nagluluto ng soup para kay Airah.
Medyo malamig kasi ang panahon kaya I try na paglutuan sya ng mainit na sopas.

"Nga pala Airah, bukas pagpasok natin sa campus, hayaan mo sanang ako na ang magdala ng mga gamit mo." Sabi ko rito habang ang atensyon ko ay nasa pagluluto.

"Jake naman, no need. Kaya kong dalhin ang mga gamit ko." pagmamatigas nya.

"But Airah, manliligaw mo na ako. At role kong itrato kang prinsesa para maramdaman mong seryoso ako sayo"

"Hays. Ang kulit mo Jake. Pero sige- ikaw bahala." pagpapayag na lamang nya.

Natapos ang pagluluto ko ay sinerve ko pa yung soup sa kanya.

"Kumain ka na neto Airah, para sa ganon hindi ka lamigin." saad ko rito kasabay ng paglapag ko ng sopas sa lamesa.

"Thanks." tipid na bigkas nya naman.

Tiningnan ko na lamang sya habang pinapalamig nya ng konti ang sopas bago nya ito isubo.

"Your so cute Airah." komplimentong sabi ko sa kanya dahilan para sya ay masamid sa pagkain.

"Sorry Airah."

"No it's okay Jake. Next time , wag kang magkomplimento sa akin ng ganyan, nagugulat ako eh." real talk na saad nya sa akin.

Kahit kailan talaga, masyadong straight to the point sya sa pagsasalita.

"Airah, ako na lang ang magpapasubo sayo." wika ko sa kanya.

"Jake hindi na ako bata. Kaya ko ng pakainin ang sarili ko."

"Kakasabi ko palang sayo Airah diba? My role is to treat you like a princess. So can I?" malambing na tanong ko rito.

Matagal-tagal rin ito bago pumayag.

So kinuha ko ang pagkain nya at ako na mismo ang sumubo sa kanya.

This time, kahit lalaki ako ay kinikilig ako.

"Bakit mo pa kailangan syang subuan? Matanda na yan!"

Napalingon bigla kaming dalawa ni Airah sa boses ng isang lalaki na nanggagaling sa may pintuan.
Pagtingin namin ay naroon sila Sarah at Gino na kanina pa palang nakatingin sa aming dalawa.

"Wow, sinusubuan mo sya pinsan? Anong ibig sabihin nyan? Kayo na ba?" sunod-sunod na tanong ni Sarah sa amin.

Tiningnan ko si Gino na ngayon ay nagsasalubong ang kilay.
Hindi ko alam kung anong gusto nitong iparating pero isa lang ang alam ko, parang may sinasabi sya kay Airah ngayon.

Kaya ako na mismo ang humarap sa kanila.

"Sarah, Gino-- gusto ko lang ipaalam sa inyo na nililigawan ko na si Airah ngayon."

Dahil sa sinabi kong yon ay halos pareho ang dalawa nagulat.
Hindi ko maipinta ang mukha nila, na tila ba may iba-ibang tumatakbo sa isipan nila.

Hays ang gulo!

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now