Chapter 21»»

10.4K 337 21
                                    

Chapter 21

Airah POV:

Mabilis na sumapit ang gabi kaya hindi na ako pina-uwi pa ng mom ni Jutay sa bahay ko.
Sabi niya, dito na lang daw ako matulog total wala naman akong pasok bukas.
Hindi na ako umayaw pa dahil masyado na ring gabi at nakakatakot ng umuwi sa amin.

Kaya heto't nasa mansion pa nila ako. Saktong kumakain na ako ng dinner sa mga oras na 'to. Buti na lang, nasa kwarto si Jutay. Alam ko kasing mabibwisit lang ako 'pag nakita ko ang mukha niya.

After kong kumain, tumungo na ako sa guess room kung saan ko ninais matulog.
Ayoko kasing matulog sa kwarto ng binata dahil hindi ako makakatulog ng mahimbing kapag katabi ko siya.

Agad akong tumalon sa malambot na kama na tila ba isa akong bata na tuwang-tuwa.
Ang guess room nila, sobrang laki at sobrang ganda kumpara sa tinutuluyan ko.

Nang mapagod ako sa kakatalon, kinuha ko ang kumot na sobrang bango at inamoy-amoy ko ito. Buhat na rin siguro sa lamig ng aircon, tinalukbong ko na ito sa aking katawan.

"Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag mayaman.", wika ko sa aking sarili habang dinadama ko ang presensya ng kamang hinihigaan ko.

Maya-maya'y biglang nagvibrate ang phone ko. Dinukot ko naman ito sa aking bulsa para tingnan kung sino ang tumatawag.
Tila nagsalubong ang kilay ko nang makita kong 'unknown number' ang nasa screen.

"Hello? Sino ka?" tanong ko agad sa kabilang linya. Nagawa kong sagutin ito para kompirmahin kung sino ba ang taong 'to.

"Airah, ako ito. Si Jake.", sagot na tugon ng boses lalaki.

Napahiga ako ng maayos nang mapagtanto kong si Jake ang tumatawag.

"Jake? Teka, pa'no mo nalaman ang number ko?",

Ni minsan kasi hindi ko binigay ang number ko sa kanya. Kaya nagtataka tuloy ako kung pa'no niya nalaman at nakuha ang iniingatan kong cellphone number.

"Ah hiningi ko kay Annie.  Ayaw nga sanang ibigay kaya pinilit ko.", sagot nito sa akin.

"Gano'n ba? Ba't ka nga pala napatawag?", I asked him again.

Ang totoo niyan, kapag kausap ko si Jake parang normal lang ang lahat. Hindi man lang ako kinikilig.
Kung sabagay, wala pala akong gusto sa kanya.
Dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa binata.  

"Gusto ko sanang yayain ka na kumain tayo sa labas? Pwede ba Airah?", walang paligoy-ligoy na balik tanong niya sa akin.

"Naku Jake, pasensya na pero may trabaho na kasi ako bukas. Sorry ha?",

Sa sinabi kong 'yon, naramdaman ko na medyo nalungkot siya. Narinig ko kasi ang malalim na paghinga nito.

"Ayos lang Airah. Pero maaari ko bang malaman kung saan ka nagtatrabaho?", muling tanong niya.

"Sa malapit lang ako nagtatrabaho Jake.",

"Okay. Basta 'wag mo lang pagurin ang sarili mo. Ahm, next time pala, pwede bang magdate tayong dalawa?",

Muntik ko ng mahulog ang phone ko dahil sa katagang binitiwan ni Jake.

"Date? Niyayaya mo akong magdate?", pagkaklaro ko sa kanya. Baka nabingi lang ako kaya mabuti na yung malinaw.

"Yes Airah, date nga. Malapit na kasi ang birthday ko. At gusto kong kasama ka sa araw na 'yon.",

"But Jake--"

"Kahit regalo mo na sa akin 'yon Airah. Please?",

Napaisip naman ako sa sinabi nito. Pakiramdam ko,pinapakonsensya ako ng tao. Kaya hindi na ako tumanggi pa sa kanya.

"Sige Jake, pumapayag na akong makipagdate sa'yo.", tugon ko rito at saka ko binaba ang phone.
Data lang naman 'diba? At siguro, wala 'yon na meaning.

Akma ko na sanang ipipikit ang aking mata, kaso may isang boses akong narinig sa bandang pintuan ng kwarto.

"Hindi ka makikipagdate Airah.",

Napalingon ako roon at laking gulat ko nang makita kong si Jutay. Siya pala ang nagsalita habang naka-sanday ito sa wall.

"At bakit naman ha?!", saad ko kasabay ng aking pag-upo.

Lumapit naman ito sa aking gawi habang diretsang nakatingin sa akin.

"Dahil magiging yaya na kita. At hindi kita bibigyan ng day-off para makipagdate sa kanya.", kalmang sagot ng binata.

"Excuse me? Bakit ba pinipigilan mo ako sa mga gusto ko ha?",

"Hindi ko na kailangan magbigay pa ng dahilan sa'yo. Siguro naman sapat na ang katagang boss mo ako.", bigkas nito sa akin.

"Boss nga kita, pero hindi ikaw ang magpapasweldo sa akin.", malakas na loob na wika ko.
Nakipagsukatan na rin ako ng tingin sa kanya.

"Tsk. When I said no, NO. Hindi ka makikipagdate sa lalaking 'yon.",  diing sabi ni Jutay.

"Fine! Hindi ako makikipagdate kay Jake, pero sa isang kondisyon.", panghahamon ko at inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga.

"H'wag ka rin dapat makipagkita kay Sarah.", ngising patuloy ko.

"Fuck! Hell NO!", agad na sigaw nito na may kasama pang mura.

Kibit-balikat naman ang aking ginawa.

"Okay. Madali lang akong kausap. Kung ayaw mo ng kondisyon ko, edi makikipagdate ako kay Jake.", taas-noo na sabi ko.

"Tangina! Bahala ka nga sa buhay mo!", tanging tugon ng binata na alam kong naiinis na sa akin.

"Talagang bahala ako sa buhay ko. Sayang ang chance noh? And besides, I decided na sa araw ng date namin, aamin na ako kay Jake na gusto ko rin siya.", kunware ay kinikilig na bigkas ko sa kanya.

Bigla namang umiba ang awra ng mukha nito at napalitan ng nakakatakot.

"Hindi! Hindi ka makikipagdate sa kanya.Dahil ayokong umamin ka at ayokong mapunta ka sa taong 'yon.", seryosong sabi ni Jutay kasabay ng paghawak niya sa aking mukha.
Nagtama ang paningin naming dalawa at tila ba may kuryenteng dumaloy sa aking katawan.

"Airah, gusto kong linawin sayo na kahit hindi mo ako boyfriend, gusto ko AKIN KA LANG.",  patuloy na sabi niya at talagang diniinan pa ang huling kataga.

This time, parang may karera sa aking puso dahil sa bilis na pagtibok nito.
Ako na rin ang unang sumukong alisin ang tingin sa kanya. Dahil pakiramdam ko,matutunaw ako sa mga titig ng binata.

He's My Boss (Book 1) CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant