Continuation of CHAPTER 88

6.1K 147 9
                                    

Airah POV:

Tama si Jake.

Tama lang na kalimutan ko na ang pagmamahal ko kay Gino.

Tama lang na itigil ko na ang pagiging tanga ko sa lalaking paulit-ulit na pinagtatabuyan ang tulad ko.
-

Ngayong narealize ko na ang lahat.
Kailangan kong pagkatiwalaan at gawin ang sinabi ni Jake.

At sa puntong ito, 
may pinuntahan kaming lugar para umpisahan ang paglimot ko.

Narito kami ngayon sa isang malaki at mataas na building.

Kung saan nasa rooftop kami ng 8th floor at kung titingnan mo sa ibaba ay talagang mahihilo ka na lang.

Tinapunan ko ng tingin si Jake para sana tanungin sya, ang kaso ay naunahan nya na akong magsalita at tila nasagot agad ang itatanong ko sa kanya.

"Shout now Airah."
"--Kailangan mong isigaw ang lahat ng galit mo sa mga taong nanakit sayo."
"--Para sa ganon, mawala kahit papano ang hinanakit dyan sa puso mo."
sambit ng binata habang may konting ngiti sa labi.

Marahan naman akong tumango at huminga ng malalim.
Ipinikit ko ang aking mata kasabay ng malakas kong pagsigaw.

"I HATE YOU GINO! PAULIT-ULIT MO NA LANG AKONG SINASAKTAN!"
"GUSTO NA KITANG KALIMUTAN!"
"GUSTO NA KITANG ALISIN SA BUHAY KO!"
"PAGSISISIHAN MONG MAS PINILI MO SI SARAH KAYSA SA AKIN!"
"MAGSAMA KAYONG DALAWA!"
"KAPAG TULUYAN NA KITANG NABURA SA PUSO KO, wala ka ng Airah na babalikan pa." habol na hiningang bigkas ko.
Naging mahina na yung huling salitang sinambit ko dahil sa pagod na dulot ng aking pagsigaw.

Ewan ko ba, pero palaging may tama si Jake.
Nabawasan nga kahit papano ang hinanakit ko.

-
Naramdaman ko na lamang ang pag-akbay sa akin ng lalaking kasama ko.

"Masaya ako na pinapakinggan mo na ang sinasabi ko Airah."
"--Wag kang mag-alala, sa una lang mahirap ang lahat, pero once na nakamove-on ka na, mawawalan ka na rin ng pake sa kanya." saad ni Jake sa akin.

Bakit ganon?
Bakit kung magsalita ang taong to, masyadong malalaman ang mga sinasabi nya.
May sense lahat at para bang expert na expert sya pagdating dito.

Buhat na rin siguro ng pagsigaw ko ay hindi na ako nakapagsalita pa.

-
Halos nagtagal rin kami ng kalahating oras sa rooftop and after non ay we decided ng umuwi.

Hindi na natuloy pa ang pagpasok ko muling kasambahay kay Gino dahil nga sa nangyari kanina.
But anyways, wala na rin akong pake.

Dahil buo na ang desisyon kong kalimutan ang lalaking yon.
Kakalimutan kong minahal ko sya.
At kakalimutan kong nakilala ko ang tulad nya.

Jutay POV:

"Arghhh! I really hate that girl!"
"Wala syang karapatan na sampalin ako!"

Kanina pa umaapaw ang galit ni Sarah dahil pa rin sa ginawa ni Airah sa kanya.

Hindi nya matanggap ang dalawang sampal na natamo nya sa dalaga.

Kung sabagay, maging ako nga ay hindi makapaniwala sa kakaibang Airah na pinakita nya sa amin.

Pero ang pinagtataka ko lang yung sinabi nya sa akin kanina, 'ang magising ako sa katotohanan'.

Hindi ako magkakamali na nasabi nya na rin ito sa akin noon.

Ano ba talaga ang pinupunto nya?

-

Nagkaroon tuloy ng kaguluhan sa isip ko.

Pero agad rin itong nawala nang kumandong bigla sa akin si Sarah.

"Alam mo bhoo, buti na lang talaga tinakwil mo na ang babaeng yon."
"--Concern na concern pa naman ako sa kanya nung umpisa."
"--hayss. Sya na nga itong gumawa ng kahihiyan, sya pa itong may ganang maging matapang."
"Okay lang sana kung ako lang yung sinampal nya, pero dinamay ka nya bhoo!" 
muling wika nito na hindi pa rin maalis ang galit.

Nakapulopot na rin ang braso ng dalaga sa leeg ko, kaya marahan ko itong inalis.

"Just forget about it Sarah."
"--Wag mo na lang pansinin si Airah." 
Tanging sabi ko rito para pakalmahin sya.

"Well, if that's what you want, then okay."
"--Kakalimutan ko na lang yung nangyari kanina." 
ngiting sambit na ni Sarah at dinampian ako ng halik sa labi.

"But bhoo, can I have a favor?"
Bigkas nito habang may panguso.

"Ano yon?" pagtatanong ko naman.

"Gala naman tayo bhoo. Halos ilang araw rin tayong di nagbonding na dalawa."
"--Alam mo na, masyado lang kitang namiss." malambing na wika nya sa akin.

Tumango na lamang ako bilang tugon sa kanya.
Pumayag na rin ako dahil gusto ko rin namang makabawi sa pagkukulang ko rito.

Mas mabuti ng matuon na kay Sarah ang atensyon ko, para sa ganon maibalik ko ang pagmamahal ko sa kanya noon.

Gino's MOM POV:

"So nagkabalikan na nga si Sarah at ang anak ko?"

"Yes ma'am. Ang katunayan nyan, pumunta pa nga si Miss Airah sa bahay ni Sir Gino pero pinagtabuyan lang sya ng binata dahil mas pinili nyang kampihan at paniwalaan si Sarah." pagbabalita ng isa sa mga tauhan na inutusan ko para pagmanmanan ang mga kilos ng Sarah na yon.

Napangiti naman ako ng malawak dahil sa magandang balita na narinig ko mula sa labi nito.

"That's a good news! So ano pa ba ang nangyari? Si Airah lang ba ang pumuntang mag-isa sa bahay ni Gino?"
Pagtatanong ko muli.

"Hindi ho ma'am. May kasama ho si Airah. Si Jake. Yung palagi kong nababanggit sayo."

Napataas-kilay naman ako dahil sa nalaman ko.

Hindi ako magkakamali na palaging si Jake ang syang nagiging karamay ng dalaga.

Mahal talaga ng binatang yon si Airah.

"Ganon ba? Sige, sundan mo lang ng tingin yang si Sarah. At kung magkataon na lumabas yan kasama si Gino, sabihin mo agad sa akin dahil gusto ko na ring makaharap ang demonyitang babaeng yan." Bilin ko sa aking tauhan.

Matapos kong sabihin yon ay agad ko ng binaba ang phone.

Siguro kailangan ko na talagang makita muli ng harapan si Sarah.
Halos ilang taon na rin simula nang makita ko ang kaplastikan na mukha nito.

Kung magaling sya makipagplastikan, pwess ibibigay ko sa kanya ang award na hindi nya makakalimutan.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now