Chapter 60

8.1K 185 14
                                    

Sarah Pov:

Hindi ako umuwi sa bahay ni Jake sa halip ay sa hotel ako tumuloy.
Mabuti na lang at meron akong perang dala na good for one day only para pambayad sa isang gabing pagtulog ko rito.

Napagdesisyunan ko kasing mapag-isa muna para makapag-isip ng ng susunod kong plano.

Hindi ko ibinalita sa boyfriend ko ang nangyari kahapon dahil ayokong madisappoint sya sa akin.

Naglagay na ako ng pulang lipstick sa aking labi kasabay non ay nag-apply na rin ako ng foundation.

Kailangan kong magmakaawa at kulitin ngayon si Gino para matuloy ang pagpunta namin sa Bicol bukas.

💞💞💞

Airah Pov:

Magkasama pa rin kami ngayon ni Jutay habang patuloy kaming pumipili ng damit na susuotin namin.

And all I can say, masyadong chessy si Gino at talagang pinaninindigan nya na girlfriend nya ako.

Pero okay lang, gusto ko naman yung mga kasweetang ginagawa nya.

"Ahm-- Jutay, ang dami na nitong damit. Baka pwedeng tama na to?" pahayag ko rito na halos twenty lagpas na ang damit na binili nya sa akin.

"No Airah, kailangan pa nating dagdagan yan." tugon nito sa akin.

"Bakit Jutay? Ilang araw ba tayo don?" tanong ko sa kanya dahil medyo nagtataka na talaga ako.

"Matagal tayo don Airah. Dahil kailangan kong sulitin ang araw na tayong dalawa lang ang magkasama." Sagot nito sa tanong ko.

"Ehh --magkasama naman tayo palagi ha? Sa iisang bubong pa nga tayo nakatira" pilosopang sambit ko rito.

Ginulo nya lang ang aking buhok kasabay non ay ngumiti sya sa akin.

"Iba kasi pagdating sa Bicol Airah. Doon, Ikaw at ako lang. Hindi na mag-eeksena si Jake sa atin para agawin ka." paliwanag nya naman.

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat dahil sa sinabi nya.

Susss, bakit di nya na lang masabi na gusto nya akong masolo eh.

Inabutan kami ng alas-onse ng umaga sa pagbibili lamang ng damit kaya matapos non ay we decided na pumunta ng karenderya para don kumain.

"Airah, sa restaurant na lang tayo o kaya sa Jollibee. Wag lang tayo dito." sambit ng lalaking katabi ko ngayon.

"Ano ka ba Jutay, andito na tayo oh. Kaya halika na." saad ko naman sa kanya at akma ko sana syang hihilahin pero bigla ulit itong nagsalita.

"Airah, do you think na makakakain ako ng maayos dito? Kung ang mata ng mga lalaki ay nasa sayo." inis na wika nito sa akin.

Napatingin naman ako sa mga taong nasa loob ng karenderya.
Marami ngang lalaki ang kumakain at pinagtitinginan ako.
Karamihan kasi sa mga lalaki ay mga construction workers at ang iba ay mga college students.

"--P-pero kasi gutom na ako." malungkot na sabi ko naman.

Totoong gutom na ako.
Sino ba kasing di magugutom kung limang oras kaming naghanap ng damit.

"Fuck Airah, can you please understand my situation? Intindihin mo naman ako, pano kung mapaaway ako dito ng wala sa oras dahil sa kamanyakan na tingin ng mga lalaki sayo." bigkas nito na animo'y pinipigilan nya lang na di tumaas ang kanyang boses.

"Ok. Fine. Sa iba na lang tayo." mahinang sambit ko sa kanya.

Ako na rin itong unang tumalikod at sumakay sa kanyang kotse.

Nang sumunod na sya ay ramdam ko na napatingin sya sa aking gawi.

"Airah, I'm sorry,okay?"
"--hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko kapag ganito ang nangyayari."
"--Ayoko lang na mabastos ka at manyakin ng iba."
"--sana maintindihan mo yon." Mahabang wika nito bago nya pinaandar ang kanyang kotse.

Sa Jollibee rin naman ang padpad naming dalawa.

Pero habang kumakain kami ay tahimik lang ako at hindi ko sya pinapansin..

"Airah, galit ka pa ba?" Tanong nya sa akin pero nanatiling tahimik lamang ako.

"Airah, please, kausapin mo ako." pangungulit nito.

Ewan ko ba sa sarili ko at trip kong magtampo ngayon.
Ganito lang siguro ako pag-gutom.

"--Airah naman. Nag-sorry na ako sayo. Ano pa bang gusto mo?" bigkas nyang muli.

Tumigil naman ako sa pagkain at walang emosyon ko syang tiningnan.

"Hindi ako galit Gino kaya kumain ka na." sambit ko sa kanya.

"Okay, kung hindi ka galit. Ngiti ka nga sa akin." parang batang request nito.

"Wala ako sa mood na ngumiti." matamlay na saad ko rito.

"--C.R muna ako." paalam ko sa kanya at tumayo na nga ako para pumunta ng C.R. kaso ganon na lamang ang gulat ko nang bigla nya akong yakapin mula sa likod.

"Gino, ano bang trip mo?" inis kong tanong rito.
Nagulat kasi ako sa biglaan nyang pagyakap sa akin.

"Airah, may tagos ka."

Tila dumikit sa tiles ang aking paa dahil sa sinambit ni Jutay sa akin.

Kaya dahil don ay alam kong namumula na ang aking pisngi sa kahihiyan na nararamdaman ko.

"Kaya pala iba ang mood mo ngayon Airah dahil meron ka. Now, I understand kung bakit bigla ka na lang nagalit sa akin." mahinang sambit nito.

Lalo tuloy akong nahiya and at the same time nakaramdam ako ng pangangamba dahil naalala kong wala pala akong napkin na dala.

Sa puntong ito, ay agaw pansin na naman kami ng mga taong nasa loob ng jollibee dahil sa posisyon namin ni Gino.

"J-jutay, alisin mo na ang pagkakayakap mo sa akin. Ako ng bahala sa sarili ko." saad ko sa kanya.

"-Per Airah, gusto kong tulungan ka. Hindi ko man nararanasan ang nararanasan mo ngayon, but I know na masakit yan." wika nito sa akin.

Dahil makulit naman si Gino ay kinapalan ko na ang aking mukha na magsabi ng totoo.

Total, sya na rin itong ang nag-insist na tulungan ako.

"--Actually, w-wala akong napkin na dala Jutay. Kaya pwede bang bilhan mo ako sa labas?" mahinang sabi ko rito.

"Okay Airah, anong bang name ng napkin ang ginagamit mo?" tugon naman nya.

"S-sister." sagot ko sa kanya pero tila hindi nya ito narinig.

"Huh? Hindi ko maintindihan Airah."

"Sabi ko sister ang ginagamit kong napkin." muling ulit ko.

"Hindi ko masyadong marinig Airah, paki-ulit nga." bigkas nya sa akin.

Huminga ako ng malalim at muling nagsalita.

"Sister nga ang ginagamit ko." Medyo inis ng saad ko.

"What? Paki-lakasan mo Airah, baka kasi magkamali ako ng pagbili at tawanan pa ako." sambit nya sa akin, dahilan para uminit na ang ulo ko.

"Potah naman Gino! SABI NG SISTER EH! SISTER NA NAPKIN ANG IBILI MO SA AKIN! ANG BINGI MO MASYADO! PAULIT-ULIT KA NA! SISTER NGA! SISTER!" sigaw ko ng sabi sa kanya.

Halos mapanganga na lamang si Gino dahil sa gulat nya sa akin.

Doon ko narealize na andito pa pala kami sa loob ng Jollibee.

Narinig ko naman ang mahinang hagikhik at tawa ng mga taong nakarinig sa sigaw ko.

Shet!
Nakakahiya!

©TimojiWP

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now