Chapter 73

6.9K 202 60
                                    

Chapter 73

Airah POV:

Hinang-hina akong napaupo sa gilid ng kalsada matapos akong kaladkarin ng mga guards ni Gino palabas ng Mansion.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko wari'y maisip na mangyayari ang lahat ng to at hahantong sa ganito ang relasyon namin ni Gino.

Tinakwil nya ako at pinandidirihan dahil sa videong kanyang napanood.

Walang tigil pa rin ang pag-agos ng aking luha.

Pakiramdam ko, napakarumi ko ngang babae dahil sa ginawa ko at ginawa ng mga hinayupak na lalaki sa akin.

Oo, hinalikan ko ang lalaki at naging mapusok ako sa mga oras na yon dahil sa drugs na pinainom nila pero hindi naman nila nakuha ang pagkababae ko.
Kaso sa pananaw ni Gino, nakipagtalik ako sa kanila.

Hindi ko naman sya masisisi kung bakit galit na galit sya sa akin, pero sana naman hinayaan nya akong magpaliwanag.

Dahil sa kaguluhan at samut-saring pumapasok sa isip ko ay mabilis kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa at tinungo ang YouTube.
Pagkatingin ko don ay halos 551, 000 views na agad ang nakapanood.
Mas lalong nadurog ang puso ko dahil sa mga masasakit na salitang binabato nila sa akin.

'Yuckss pokpok'
'hindi ka na nahiya girl'
'malandi ka! Salot ka sa lipunan'
'Magka-aids ka sana ulol!'

Sa mga nababasa ko, parang wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao.

At ngayon, alam ko na kung bakit sinabi ni Gino na nakipagsex ako dahil sa nakalagay na caption don,

#SexScandalwith2boys
Full video will be uploaded tomorrow.

Dahil dito ay lalo akong nangamba.
Kasi alam ko sa sarili kong wala ng kasunod na nangyari pa sa amin ng mga lalaking yon.

Malakas ang kutob ko na baka may binabalak na naman si Sarah sa akin para siraan ako.

Wala talaga syang puso!
Gagawin nya ang lahat para lang makuha ang kayamanan ni Gino kahit na makasira pa sya ng dignidad ng isang tao.

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko sa mga oras na to.
Hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta at magpapalipas ng gabi.

Unti-unti ko namang naramdaman ang patak ng tubig sa aking balat.

Napatingala ako sa langit at don ko narealize na umuulan na pala.

Sumasabay yata ang ulan sa pag-iyak ko.

Wala akong nagawa kundi ang manatili na lamang sa aking pwesto.

Wala na akong pakialam kung magkasakit man ako.

Dahil wala na eh, wala na akong lakas pa.

Hanggang sa naabutan ako ng alas-dyes ng umaga sa labas ng mansion.
Natuyo na rin ang aking damit na nabasa ng ulan kagabi.

Umipon ako ng lakas para makatayo at saktong nakita ko ang kotse ni Gino na papalabas na ng mansion.

Sa muling pagkakataon, gusto kong magmakaawa sa kanya.

Kaya ang ginawa ko ay hinarangan ko ang dadaanan nya para matigil sya sa pagdadrive.

Inis naman itong lumabas sa kanyang kotse at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"G-gino--"

"Akala ko ba lalayuan mo na ako?" bigkas agad nito na hindi man lang ako hinayaan na tapusin ang aking sasabihin.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon