Chapter FIVE°

13.2K 362 5
                                    

Chapter 5

Airah POV:

Dahan-dahan ng pinaandar ni ate Leny ang kanyang kotse papuntang mall na tinutukoy nito. Talagang ingat na ingat din siya sa kalagayan ko.

Habang tumatagal,nakokonsensya na tuloy ako.
Nakokonsensya na ako dahil sobrang bait at caring nila sa akin.
Kaya natatakot ako kung pa'no umamin ng katotohanan, lalo pa't ang alam nila ay buntis ako.

Sa tuwing naglalakad kaming dalawa ni ate Leny, 'di ko maiwasan na di mailang sa kanya.
Pano ba naman, ngayon ko lang napagtanto na kanila pala itong mall.

"Hi ma'am Leny.",

"Goodmorning ma'am Leny.",

"Hello Ma'am.",

"Magandang araw sayo ma'am.",

I-ilan lamang yan sa mga naririnig ko na bati ng mga saleslady sa mall.
Tanging matamis na ngiti lamang ang naitutugon ng babaeng kasama ko.

"Leah! Come here!", tawag nito sa isang saleslady.

"Ano po yon maam?", magalang na tanong nito sa kanyang amo.

"Hanapan mo ng magagandang damit pambuntis itong kasama ko. Make sure na babagay sa kanya ha?", utos na wika ni ate Leny.

"Yes po ma'am.",

"Sige na Airah, Sumama ka na sa kanya. I'll just wait you here.", sambit nito sa akin.

Sumama na nga ako sa babaeng 'yon kung saan isa-isa akong binigyan ng mga damit na isusuot ko.

Sa loob ng isang oras, apat lang ang bumagay sa akin.
Ang totoo n'yan, baduy talaga ako sa mga dress.
Kaya 'yon, konti lang ang nabili sa akin na damit pambuntis.

"Ate Leny, hindi naman 'to kailangan eh.", nahihiyang saad ko sa kanya.

Matapos naming pumunta ng mall, dumiretso na kami rito sa parlor.
Nakakagulat nga dahil ang usapan namin ay mall lang, pero may parlor pa palang pupuntahan.

"No Airah. Dapat kahit buntis ka, may time ka pa ring magpaganda. Dahil 'yong kapatid ko, madali 'yon magsawa. Baka maghanap 'yon ng iba, sige ka.", wika nito sa akin.

'Hays. Pake ko ba kung maghanap siya?
Kung alam mo lang ate, wala talaga kaming relasyon ng brother mo.', sambit ko sa aking isipan.

"Oh hello sisteret Leny. Anong kailangan mo?", bungad na tanong ng bakla.

"Gusto kong ayusan mo 'tong kasama ko. Bongga dapat ha?",

"Obcors sisteret, walang problema. But anyways, sino ba siya?",

"She's my sister in law.", tipid pero proud na sagot naman nito sa bakla.

"Omeged. You mean, asawa ng brother mo?",

"Yah.",

"Enebe! Ang swerte mo girlalu! Talagang nabingwit mo ang lalaking mahal na mahal ko.", dramang wika ng bakla.

"Tumigil ka na nga at umpisahan mo na s'yang ayusan.", inis na saad ni ate rito.

"Oo na. Eto na Sisteret ohh.",

Nagsimula na ngang ayusan ni beki ang buhok ko.
Marami s'yang ginawa na animo'y tinutupad nito ang bilin ni ate Leny.

"So anong masasabi mo sisteret? Ayos na ba?",
tanong ni bakla kay ate nang harapin n'ya ako sa dalaga.

"Okay na. She looks perfect. Thank you.", tanging sambit nito sabay lahad ng bayad.

Kumain muna kami ni ate sa mamahaling restaurant bago umuwi.
At sa pagtapak palang namin ng mansion, bumungad na agad ang mukha ni Jutay.

"Tsk. Tagal n'yo.", iritang saad nito.

" 'Yan lang ba ang sasabihin mo brother?",

"Bakit may dapat ba akong sabihin ate?",

"Wala ka man lang bang nakikitang kakaiba ngayon kay Airah?", tanong ni ate Leny sa kanya.

"Yung buhok lang naman ang kakaiba sa kanya. Tsk.",

"My gosh brother! 'Yan lang ang sasabihin mo? Alam mo bang ilang oras s'yang  inayusan?",

"I don't fuckin care ate. Hindi siya maganda sa paningin ko. Look at her, kung hindi lang s'ya nagpakulay ng buhok siguro napagkamalan ko na s'yang si dora the explorer.", wika nito.

Teka, parang may mali akong narinig na sinabi n'ya tungkol sa akin?
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang aking kamay, para hawakan ang aking buhok kasabay ng aking bangs.

At don ko lang napagtanto na para nga akong si dora! Potah!

Nakatutok ako ngayon sa harapan ng isang malaking salamin habang pinagmamasdan ko ang aking mukha.

Hindi naman ako si dora eh. Kung tutuusin, maputi akong babae.
Ang Jutay na yon, grabe kung makapanglait sa akin.

Nga pala, nandito na ako sa loob ng kwarto.
Kung hinahanap n'yo ang binata, nasa loob s'ya ng banyo at naliligo.

Humiga na muna ako saglit, para sana makapagpahinga.

Pero mga ilang minuto palang, narinig ko na ang tunog ng pinto ng banyo, kasabay non ang paglabas niya.
Nagpanggap akong tulog para sana di n'ya ako laitin.
Pero talagang malandi ang mata ko at unti-unti ko itong binuksan para tingnan si Jutay.

And guess what, nakatopless lang ang gago!

Yung abs n'ya, dinadaluyan ng tubig galing sa buhok nito.

Shet! Ang hot n'yang tingnan!

"Kung gusto mong hawakan ang abs ko, 'wag ka ng mahiya.", agad na sambit nito.

Dahil do'n, ipinikit ko ang aking mata at nagpanggap ulit na tulog.

"Tsk. Manyakis na flat.", rinig kong bulong n'ya.

Gusto ko sanang batuhin s'ya ng unan pero kinalma ko ang sarili ko at 'di na lamang 'yon pinansin.
Kaso 'di ko namalayan, na nakatulog na pala ako ng tuluyan.
At nagising na lamang ako na katabi ko na ang jutay na 'to.

Napatingin ako sa may wall clock and then I saw na it's already 8pm.

Akma na sana akong tatayo nang marinig kong nagring ang phone ni Jutay.
And because of my curiosity,napatingin ako sa screen kung sino ang tumatawag.

Nabasa ko naman ang name ng girl, she's Sarah.

Teka Sarah?
Mukhang narinig ko na yata 'to. Ewan ko lang kung kailan.

Dahil wala namang sumagot, naging missed call ang tawag. But after a minute, nagtext ito.

"Ilang days na lang, uuwi na ako. I'm excited to see you again bhoo.",

Hindi ko naman sinasadya na mabasa 'yon.

Bhoo? May callsign silang dalawa? At Sarah ang name n'ya?

Muli kong binalikan ang aking memorya para alalahanin kung saan ko nga narinig ang pangalan na 'yon.

Doon sumagi sa isip ko, 'yung nanaginip ang lalaki.
Tama! Sya nga!
Sarah ang binanggit ni Jutay kasabay ng pag-ilove you nito habang tulog.

So hindi ako magkakamali na baka si Sarah ang babaeng mahal n'ya.
Hays. Bigla tuloy kumirot ng bahagya ang puso ko.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now