Chapter 37

8.8K 238 12
                                    

Chapter 37

Jutay POV:

Fuck!

Nakaka-asar na talaga ang Jake na yon!
Kung umasta sya ay para sa kanya tong bahay.
Tangina, pasalamat sya at narito si Sarah sa tabi ko.

Tsk.
Bakit ba kasi sinama pa nito ang pinsan nya?

"Bhoo, sa akin ba ang fries na yon?" sambit ni Sarah na ngayon ay nakatingin sa mga fries sa lamesa.

"Yah, sayo nga." kalmang sagot ko.

Ayokong ipakita sa kanya ang pagka-asar at pagka-inis ko sa pinsan nya.

"How sweet mo naman bhoo. Talagang maraming fries ang binili mo para sa akin." masayang sabi nya kasabay ng pagpulopot nya sa akin sa braso ko.

Nagsimula na nga kaming mag-usap na dalawa ni Sarah.

Walang ibang topic kundi ang pagpunta namin sa bicol at ang mga ari-arian ko.

Pero bigla akong nagulat sa kanyang isinabi ngayon.

"Hmmm bhoo, gusto ko sanang magkaroon ng sariling bahay." wika nito dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Matagal na kasi akong walang bahay eh. Nakikitira lang ako kay Jake at masyado ng nakakahiya kung buong buhay ko ay nandon ako sa kanya at umaasa diba?" patuloy na saad nito na may halong paliwanag.

Bakas sa mukha nya na may halong lungkot ito.
Bigla naman akong napatingin sa kamay nya ngayon na lumalakbay sa aking dibdib.
Tila ba may mapang-akit itong ginagawa sa akin.

Agad ko naman itong hinawakan para patigilin sya dahil nga yong kamay nya ay halos mapunta na ito sa ibabang parte ko.

"Bhoo. Stop."

"Bakit bhoo? Ayaw mo ba ng ginagawa ko? Linalambing lang naman kita." tampong sambit nito.

"Hays bhoo. May tamang oras at araw para dito, okay?"

"Fine bhoo, masyado ka namang pakipot eh. Bigyan mo na kasi ako ng ari-arian mo." wika nya na may inis sa tono.
Tila ba sya nadulas sa kanyang sinabi dahil bahagyang napakagat-labi pa sya.

"I mean-- mas maganda kasi bhoo kung hindi na ako tumitira sa bahay ni Jake."

"--kaya gusto ko sanang humingi ng isang lupain mo, if okay lang sayo." muling saad nito.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Para kasing may kakaibang inaakto si Sarah ngayon.

Hindi ko man mabasa pero mukhang hindi na sya yung Sarah na nakilala ko noon.

"Bhoo, ano na? Naghihintay ako sa sagot mo."

"Pag-iisipan ko." tanging tugon ko rito.

Pero bigla itong napahingang malalim kasabay ng pag-nguso nya.

"Bakit mo pa pag-iisipan bhoo? Diba sabi mo, mahal mo ako? Isang hiling ko lang naman yon sayo tapos mukhang ayaw mo pa yata." malungkot na sabi nya.

Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa inaakto ngayon ni Sarah.

"Okay bhoo, bibigyan kita." pagpapayag ko na lamang rito para sa ganon ay maibsan at maalis ang lungkot nya.

"Talaga bhoo?" Parang isang batang hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.

Tumango naman ako bilang tugon sa kanya.
Pero mas nagulat ako nang may kinuha ito sa kanyang bag na isang papel.

"Since na pumayag ka na bhoo, pirmahan mo na ito. Dali."

"Ano yan?" takang tanong ko sa kanya.

"Dokumento. Pirma mo na lang ang kailangan bhoo." sagot nito sa akin.

"Sarah--"

"Bhoo, alam ko ang iniisip mo. Well, simula nung sabihin mong may lupain ka sa bicol, inasikaso ko agad to para sa ganon hindi ka na mahirapan pa. And beside, alam ko namang pipirma ka dahil love mo ako diba? Kaya sige na bhoo, para magkaroon na agad ako ng sariling bahay."

"-- and Don't worry, dahil yung bahay at lupa na yon hindi ko sasayangin."

wikang sabi nito sa akin ng harapan.

Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko dahil sa mga narinig ko mula kay Sarah.

Pero natigilan bigla ako nang halikan ako ni Sarah sa labi.
Yung halik na binibigay nya sa akin ngayon ay medyo marahas at mapang-akit.

Halos nagtagal ng ilang segundo ang paghahalik nya sa akin at muli nya akong tiningnan sa mata.

"I love you bhoo. So please, pirmahan mo na."

Tila ba nagdadalawang-isip pa akong kunin yung ballpen at papel na hawak nya pero sa huli ay nagawa ko itong pirmahan.

Labis naman ang sayang umapaw sa mukha ni Sarah at nagawa ako nitong yakapin ng mahigpit kasabay ng pagpupog nya sa akin ng halik.

"Thank you bhoo. Thank you." paulit-ulit na sambit nya sa akin.

Nakita ko namang inilagay nya sa bag ang papel at ballpen.

Maya-maya ay kumuha ito ng fries at sinubuan ako.

Airah POV:

Kasalukuyan kaming naglalaro ngayon ni Jake ng games sa kanyang cellphone.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan sa labas nila Sarah at Jutay dahil nga masyadong malakas ang volume ng linalaro namin.

But anyways, hindi ko na inaksaya pa ang oras ko at kay Jake na lamang nakatuon ang atensyon ko.

"Wow, grabe! Ang galing mo Jake ha? Masyado ka ng expert sa paglalaro nyan." manghang sambit ko nang maipanalo nya ang game.

"Hindi naman ako gaanong magaling Airah, Ikaw talaga." pa-humble na saad nya.

"Nga pala Airah, gutom ka na ba?" tanong nito sa akin.

"Hmm, actually gutom na talaga ako Jake eh." pagsasabi ko naman ng totoo sa kanya.

"Hays, sabi na nga ba. Kanina ko pa kasi naririnig na kumakalam ang tyan mo haha." cute na tawa nito.

"Narinig mo? Nakakahiya pala ako." pout na bigkas ko rito.

Oo kanina pa tumutunog yung tyan ko at buong akala ko ay hindi yon narinig ni Jake dahil nga masyado syang naka-focus sa kanyang nilalaro.

Nakakahiya tuloy.

"Don't be shy Airah, natural na yon sa tao." saad nya naman kasabay ng pagtayo nya.

"I will buy you some foods. Hintayin mo na lang ako."

"Naku Jake wag na." pigil ko sa kanya.

"You said, nagugutom ka na."

"Oo nga pero-- ako na lang ang bibili." kamot na sabi ko sa kanya.

"Airah , ako na. Ano pang silbi kong manliligaw kung wala akong ginagawa di ba?"

Sabagay may point sya.

Tumango naman ako pinayagan sya.

"Here, para hindi ka maboring mag-laro ka na muna." lahad nya ng phone nya sa akin.

Kinuha ko naman ito.

"Sige, bibili na ako Airah." paalam nito at bago sya lumabas ay hinalikan nya ako sa noo.

Nang gamitin ko ang phone nya ay mukha ko agad ang wallpaper nya rito.

Nakaramdam naman ako ng tuwa.
Kahit papano ay may isang taong minamahal talaga ako ng totoo.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon