Chapter 55

8K 188 14
                                    

Chapter 55

Jutay POV:

Marahan kong tinulak si Sarah palayo sa akin.

Sya itong unang humalik kaya maging ako ay nagulat dahil sa ginawa nya.
Napuno tuloy ng hiyawan ang campus dahil sa ginawa nyang paghalik sa akin.

Hindi ko rin alam kung paano ito nakapasok at kung paano ako nito nahanap.

Hindi nya siguro matanggap yung paghiwalay ko sa kanya kanina.

"Sarah, stop it." inis na bigkas ko nang akma nya ulit akong hahalikan.

"Umalis ka na." Malamig na saad ko rito.

"But Gino, ayusin na muna natin to please." sambit nya sa akin habang may pagmamakaawa sa kanyang mukha.

Umiling na lamang ako rito bilang tugon na wala ng dapat ayusin pa.

"Sarah, tapos na tayo. Tinatapos ko na kung anong meron tayo." wika ko sa kanya para kahit papano ay maging malinaw na sa kanya ang lahat.

Tiningnan nya na ako ngayon ng diretsa kasabay non ay pinunas nya ang kanyang luha sa pisngi.

"Bakit Gino? Ano bang dahilan mo para hiwalayan ako?" tanong nito sa akin at bakas sa kanyang boses ang galit.

Ngayon ko lang narealize na marami palang mga chismosa dito sa University na to dahil until now ay pinagtitinginan pa rin kami.

"Answer me Gino! Ano bang dahilan mo ha?! May ginawa ba akong mali o baka naman meron ka ng ibang linalandi?!" galit nyang sigaw muli.

Sa oras na to, ibang Sarah na ang nakikita ko sa kanya.

"Ano Gino? Hindi ka makasagot?! My ghad ! Mahal na mahal kita pero bakit nagagawa mo pa rin akong hiwalayan?!" pabulyaw na wika nito sa akin.

"May mahal na akong iba Sarah. And I think, enough ng rason yon para makipaghiwalay sayo." sabi ko sa kanya kaya bigla syang natahimik.

Wala na akong nagawa pa kundi ang aminin na lamang ang totoo sa kanya total kinukulit nya ako.

"--Si Airah ba?" mariing na tanong nito sa akin na alam kong pinipigilan nya lang ang galit.

"Yeah. I love her more than I love you." sagot ko rito.

Mapakla itong tumawa at giit muli itong nagsalita.

"Sabi na nga ba, that bitch! Talagang gusto ka nyang agawin sa akin!"

"Sarah, wag mong sisihin si Airah. Dahil hindi nya ako gustong agawin sayo, sadyang mahal ko lang sya." sambit ko naman sa kanya.

"Wag mo na ako guluhin pa, at hayaan mo na lamang akong maging masaya." mahinang saad ko ulit rito at tuluyan na akong naglakad palayo kay Sarah.

Mabuti na lang at hindi na ako nito sinundan pa.

Ngayon na nakipaghiwalay na ako ng tuluyan kay Sarah, ang kailangan ko na lang gawin ay tuunan ko ng pansin si Airah.
Gusto kong bumawi sa kanya at iparamdam na mahal ko sya.

Nang makarating ako sa classroom ay hinanap agad ng aking mata ang babaeng mahal ko.
Pero hindi ko ito nakita at tanging mga kaibigan nya lang ang naroon.
Bigla tuloy akong nangamba lalo pa't narealize kong wala rin si Jake sa mga oras na to.

Fuck! Sana naman hindi magkasama ang dalawa.

"Annie, si Airah?" tanong ko agad sa isa sa mga kaibigan nya.
Ito rin kasi ang huling kasama ni Airah na nakita ko dahil nga sya itong humila sa dalaga palayo sa amin ni Jake.

Tiningnan lang ako nito at hindi man lang sinagot ang aking tanong.

"Shit. Tinatanong kita Annie, nasan si Airah?" inis na ulit kong tanong sa kanya.

"--Nasa C.R." walang ganang sagot nito na halatang napilitan lang na umamin.

Hindi na ako nag-atubling magpasalamat pa, sa halip ay dumiretso na agad ako sa Cr ng mga babae.

Hindi pa man ako tuluyang nakakarating don ay narinig ko agad ang usapan ng dalawang babaeng sa tingin ko ay kagagaling lang sa Cr.

"Ang swerte ni Airah, merong Jake na patay na patay sa kanya."

"Yeah right, kung ako sa kanya si Jake na lang ang mamalin ko. Ang sweet kaya nilang tingnan."

Dahil sa mga narinig ko ay nakompirma ko ngang magkasama ang dalawa.

Ewan ko ba pero umapaw na naman agad ang selos ko.

Humakbang ako ng limang beses at saktong nasa tapat na ako ng Cr.

Sa labas palang nito ay may dalawang tao akong nakita na magkayakap sa isat-isa.

Hindi agad ako nag-react at tiningnan ko na muna sila.

Nang matapos silang magyakapan ay inalalayan ni Jake si Airah na tumayo.

Kapwa sila pareho nagulat nang makita nila ako.

Pero agad din namang bumalik ang ekspresyon ng mukha nila sa dati.

Si Airah na mismo ang humawak sa kamay ni Jake at akma na sana silang aalis sa harapan ko kaso bigla kong pinigilan ang braso ng babaeng mahal ko.

"Airah, mag-usap tayo." saad ko rito na sa boses ko palang ay halatang may pakiki-usap.

Inalis nya naman ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso at taas-kilay nya akong tiningnan.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Gino. Kaya pwede ba, tigil-tigilan mo na ako."

"Pero Airah--"

"Gino, pagod na akong pakinggan ang mga kasinungalin mo." pagtatapos nyang wika kasabay non ay tinalikuran nya na ako.

Kukulitin ko pa sana ito pero bigla akong hinarangan ni Jake.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi nya diba? Pagod na sya Gino, at sa tingin ko hindi ka naman bobo para di yon maintindihan." sambit nito sa akin at pakatapos non ay sumunod na rin sya kay Airah.

"Fuck. Ang gago mo Gino! Tangina." mura ko sa aking sarili na may halong pagsisisi pa.

Kung matagal ko na sanang hiniwalayan si Sarah ay hindi sana to mangyayari.

Sarah POV:

Pinagsisipa ko ng malakas ang mga bagay na nadadaanan ko sa labas ng kalsada.
Masyado akong naiinis ngayon dahil tuluyan na ngang naagaw ni Airah ang pagmamahal ni Gino na dapat ay para sa akin lamang.

"Pagbabayaran mo ito Airah! Pagbabayaran mo ito! Masyado kang hadlang sa mga plano ko!" galit na saad ng aking isipan.

Nakakapanghinayang lang kasi dahil isang araw na lang at pupunta na sana kami ng bicol pero mukhang hindi na yata matutuloy dahil sa nangyari ngayon.

Pero hindi,
Hindi ako makakapayag na isang ari-arian lang ang makukuha ko kay Gino.

Gusto ko lahat!
Lahat ng meron si Gino ay mapunta sa akin!

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon