Chapter 74

6.3K 137 21
                                    

Chapter 74

Jake POV:

Matagal bago pumayag si Airah na sumama sa akin pauwi ng Bicol.

Naiintindihan ko ang kalagayan nya ngayon.

Dahil sa video na kumalat ay halos kamuhian na sya ng maraming tao, at ang masakit pa don ay tingin sa kanya ay isang pokpok at maruming babae.

Hindi ko naman masisisi sila kung ganon na lamang ang trato nila kay Airah, dahil kung panonoorin mo yung video-- iisipan mo agad sya ng masama.

Pero ako? Hindi sumagi sa isip ko na husgahan agad sya.
Dahil matagal ko ng kilala si Airah at higit sa lahat, wala syang kakilala dito sa Bicol kaya imposibleng ginusto nya ang nangyari.

Kung ano man ang dahilan ni Airah, makikinig ako sa kanya at paniniwalaan ko sya.

Sa puntong ito ay nasa loob na kami ng bus.

Halos isubsob na nga ni Airah ang kanyang mukha para hindi sya makita ng tao at makilala.

Pero kahit anong gawin nya, may isang tao pa ring nakapansin sa kanya.

"Grabe Miss, matapos ng dalawang lalaki kahapon, meron ka na namang bago?" sambit ng nasa unahan naming upuan habang nakatingin sa amin.

Hindi umimik si Airah sa halip ay nanatili syang nakasubsob sa aking dibdib.

"Masyado ka namang maharot."
"--But anyways, excited na akong mapanood yung full video mo." muling saad ng babae.

"Can you please shut up?" inis na turan ko na rito.

Hindi ko na kasi napigilan pa ang sarili ko dahil ang ibang nasa loob ng bus ay nagsisitinginan na sa amin dahil sa sinabi ng babaeng to.

"Wow, pinagtatanggol mo pa yang kasama mo?"
"Sabagay, ikakama mo rin pala sya mamaya, kaya feeling hero ka ngayon sa kanya." ngising wika niya.

Magsasalita na sana ako kaso nagulat ako nang biglang nagsalita si Airah.

"Kung huhusgahan mo ako, sana naman-- wag mong idamay ang kasama ko." giit na bigkas nito na animo'y pinipigilan nya lang ang galit.

Hindi na lamang sumagot pa yung babae, sa halip ay umirap na lang ito kay Airah.

"Calm down."
"Wag mo na lang pakinggan ang sinasabi ng mga tao sayo." saad ko sa babaeng katabi ko ngayon para kahit papano ay maging kalmado sya.

Maya-maya ay isinanday ko ang kanyang uluhan sa aking balikat para naman makatulog at makapagpahinga sya habang nasa byahe kami.

Tama nga ang naging desisyon ko na pumunta agad dito sa Bicol dahil alam ko ang magiging sitwasyon ni Airah.

Nung mapanood ko kasi yung video ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at tumungo agad ako rito para sa ganon ay tulungan sya.

Binayaran ko pa yung isang bus para lang mapabilis ang pagdating ko sa lugar na to.
Buti na lang at hindi na ako nahirapang hanapin sya dahil nakita ko mismo kung paano sya bastusin ng tatlong lalaki kanina.

Sa oras na to, tiningnan ko ang mukha ni Airah.

Isa lang ang masasabi ko, nakakaawa sya sa lagay nya ngayon.

"Andito lang ako sa tabi mo Airah, pangako." bigkas ng aking isipan.

Pag-uwi namin sa Manila ay tatanungin ko sya kung ano ba ang totoong nangyari.
At kung mapatunayan ko na may kasalanan ang dalawang lalaking yon na nasa video ay --tangina, ipaghihiganti ko sya.

Sarah POV:

Nakabalik na kaming apat sa Manila!

And all I can say, success ang plano namin.

Trending na trending na ngayon yung video ni Airah.
Halos sya yung pinag-uusapan ng mga tao.

"Fuck Sarah, nabitin talaga kami sa babaeng yon."
"Dapat pala dinamihan ko ang pagpainom sa kanya." pagsisising saad ni Ronald.

Kahapon pa sya nagrereklamo at batdtrip na badtrip dahil hindi sya naka-isa kay Airah.
Hanggang halik lang kasi ang nagawa nila sa babae.

"Oo nga eh."
"--Nakakapanghinayang tuloy." sambit naman ni Cedric .

Tinapik ko naman ang dalawa ng pamaypay na hawak ko.

"Tumigil nga kayo dyan. Kung nabitin man kayo sa babaeng yon, edi maghahanap tayo ng iba na pwedeng parausan nyo." wika ko rito.

Sabay naman silang napatingin sa akin, maging ang boyfriend kong si Ralph ay kunot-noo akong tiningnan.

"What do you mean babe?" tanong nito.

Napangisi naman ako nang maalala ko yung caption na nilagay ko sa YouTube.

Kailangan sa araw na to, magawa kong i-upload yung kasunod.

"May babayaran tayong isang babae na pwedeng magpanggap na Airah, at kung saan kayo nagtapos sa video ay ganon ang gagawin nyo sa babae hanggang sa maging 's*x scandal na ng tuluyan yon." pahayag ko sa kanila.

Medyo nawala naman ang kanilang pagkakunot-noo dahil umukit na sa kanilang ang kamanyakan.

"So you mean, maging ang suot na damit ni Airah kahapon ay dapat ganon din ang ipasuot natin sa babae?" tanong ulit ni Ralph sa akin.

"Tumpak ka dyan babe! Para sa ganon, ang isipin ni Gino ay tuluyan syang niloko ni Airah." bigkas ko naman.

Yinakap naman ako ng boyfriend kasabay ng paghaplos nya sa aking bewang.

"Ang galing mo talagang mag-isip Sarah."
"--pero paano kung makita ng babae yung mukha sa video?"

"Ralph, wag kang masyadong mag-alala, madali lang ang pag-edit noh. Ako ng bahala don." sambit ko na lamang sa kanya.

Marunong ako sa larangan ng pag-edit ng video dahil pinag-aralan ko na yon dati nung nag-aaral pa ako.

Kaya para sa akin, easy-easy na lang ang lahat.

"Gusto ko ang idea mo Sarah!"
"Pareho talaga kayo ni Ralph eh, magaling magplano." wika ni Ronald habang dahan-dahan na pumapalakpak.

"Of course, ako pa!"
"So pano, hahanap na ako sa Mall ng katulad na damit ni Airah at kayong dalawa na lang ang bahalang maghanap ng babae sa club." utos ko sa kanila, at bago pa man sila tuluyan na tumayo ay muli akong nagsalita.

"And oopps, make sure na yung babaeng yon ay maikli rin ang buhok at hindi nagkakalayo sa katawan ni Airah." pahabol na sabi ko sa kanila.

Tumango naman silang dalawa at tuluyan ng umalis sa harapan ko.

Ngayon, magiging masaya ang pasko ko kapag nakuha ko na ulit ang atensyon ni Gino.

"Im so proud of you babe." bigkas ni Ralph at mabilis na hinagkan ang aking labi.

Tumugon na rin ako sa halik na to hanggang sa napunta na iyon sa mainit na pagsasaluhan naming dalawa sa kama.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now