Chapter 17»»

11.3K 322 6
                                    

Chapter 17

Jutay POV:

Tuwang-tuwa ngayon si mom dahil sa biglang pag-uwi ni dad. Kitang-kita ko kung pa'no hagkan ni mom ang labi ng aking ama kasabay ng pagyakap nito ng mahigpit.

"Buti naman at umuwi ka na hon. Akala ko nga, sa sunod na araw pa ang dating mo.", malambing na wika nito.

Yung kaninang galit na boses,napalitan ngayon ng kasweetan.

"Namiss na kasi kita hon. Matagal-tagal na ring hindi tayo nagsama dahil pareho tayong busy sa trabaho.",

"Ohh, how sweet mo naman honey.", sambit ni mom rito at hinalikan muli si dad.

Napailing akong tumalikod sa kanila at akma na sana akong aalis, kaso pinigilan ako ng aking ama.

"Gino, mag-usap tayo.",

Napalingon ako ng wala sa oras kasabay ng pagkakunot-noo ko.

"For what?",

"Tungkol sa ex-fiance mo. Yung kinwento sa akin ng mom mo.", tugon nito sa aking tanong.

Fuck! So she's talking about Airah.

"Tsk. Not now dad.", seryosong bigkas ko.

"No son. Ngayon na natin 'yon pag-usapan.",
"Ano ba talagang nangyari sa inyo? Kasi hanggang ngayon, hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang kasal n'yong dalawa.", pagwiwika ni Dad at nilapitan ako.

"At gusto kong malaman 'yon mula sa'yo.", patuloy n'yang sabi.

"Bakit dad? Akala ko ba sinabi na sa'yo ni mom ang dahilan? I don't want to repeat it. Masyado ng nakakairita.", inis na saad ko sa kanya.

Kung si mom nakakatakot ang boses, ibahin niyo si dad.
Kalmado lang ito magtanong pero asahan mong iba na ang mga gawa niya na talagang ikagugulat mo.

"Hindi pa. At wala pang nasasabi sa akin ang mom mo.  Ang tanging alam ko lang, hindi na matutuloy ang kasal niyo.", diretsang sambit nito sa akin.
Sa tingin niya palang, alam kong may gusto siyang ipahiwatig. Hindi ko lang ito mabasa dahil hindi s'ya masyadong expressive pagdating sa mukha.

"Dad, I know you. Kaya pwede ba, kung ano man ang binabalak mo, sabihin mo sa akin.",

Dahil sa sinabi kong 'yon, medyo napatawa siya ng bahagya kasabay ng pagtapik nito sa aking balikat.

"Anak nga talaga kita. Alam na alam mo kung may binabalak ba ako o wala. Pero pasensya na Gino, hindi ko masasabi 'yon sayo ngayon.", tanging wika nito.

"Shit dad! Umuwi ka ba dito para guluhin rin ang buhay ko?!",
Hindi ko na maiwasang mapataas ang boses dahil pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako.

"Hindi son. Hindi ako bumalik para guluhin ang buhay mo. Bumalik ako para ayusin ang buhay mo.", paliwanag niya sa akin.

"Pwede ba dad, 'wag ka ng  tumulad kay mom na mahilig mangi-alam ng buhay ko!",

After I said those words, matalim kong tiningnan si dad at umalis na ako sa harapan niya.

Yes, I admit na wala akong galang! But fuck! Sila ang gumagawa ng dahilan para mawalan ako ng respeto sa kanila.

Airah POV:

"Friend, halika. I have a good news for you.", masayang bigkas ni Annie sa akin habang papasok palang ako sa campus.

"Diba naghahanap ka ng work?", patanong na wika nito.

Napatango naman ako bilang tugon sa tanong niya.
Nakakataba ng puso dahil talagang inabangan nila ako para lang dito.
Pinakita ni Annie sa akin ang isang paskil ng coupon bond.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now