Chapter 32

10.1K 259 3
                                    

Chapter 32

Airah POV:

Narito na ako ngayon sa loob ng room namin habang hinihintay kong pumasok ang mga kaibigan ko.

Hindi ko pa kasi sila nakikitang dumarating at maging si Jake ay wala pa rin.

Medyo inaantok pa ako kaya iginaya ko muna ang aking ulo sa may desk.

Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may sumusondot sa aking tagiliran.

Pagtingin ko ay bumungad agad sa akin ang maamong mukha ni Jake.

"It seems na pagod ka yata Airah." sabi nito sa akin kaya agad akong umupo ng maayos.

"Ah di naman, napaaga kasi ako ng gising. Wala pa pa sila Annie?" tanong ko rito.

"Kanina pa sila nasa gym, hinihintay ka."

"Huh? Gym? You mean-- second period na?" Halos hindi makapaniwalang bigkas ko.

"Yes Airah, second period na. Dalawang oras ka ng tulog, mabuti na lang at may meeting yung mga teachers ngayon." ngiting sabi nito sa akin.
Napakagat-labi na lamang ako dahil sa kahihiyan na naramdaman ko.

"--anyways, wag mo ng isipin yon. Ang mahalaga, maganda ka pa rin kahit tulog. Haha" tawa naman ni Jake na sobrang cute pakinggan.

Tumayo na ako at sya na itong nag-insist na bitbitin ang bag ko.
Hindi na ako tumanggi pa dahil napag-usapan na namin iyon kahapon.

Habang naglalakad kaming papuntang gym ay ako na mismo ang nag-open ng topic rito, dahil nangako ako sa kanya na magpapaliwanag ako.

"I'm sorry sa inakto ko kagabi sa pinsan mo Jake at sorry rin kung hindi ko agad nasabi sayo yung tungkol sa pagiging Yaya ko kay juta-- este kay Gino."

"You don't need to say sorry Airah. Naiintindihan ko naman. Pero yung tungkol sa pagiging Yaya mo kay Gino, bakit di mo agad sinabi sa akin?" mahinahon na tanong nito.

"Ah ano kasi-- nakakahiya yung trabaho ko. Beside, magkakilala kayong dalawa ni Gino kaya naunahan talaga ako ng hiya." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Okay , kung yan ang dahilan mo. I will respect it. But Airah, I hope na wag mong ikahiya ang trabaho mo. "

"Opo Jake, hindi na haha" magalang na sambit ko rito habang may kasamang tawa pa.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa Gym na dalawa.

Hindi na ako magtataka pa sa mga tinginan ng estudyante sa amin.

And don ko narealize na hawak pala ni Jake ang kanang kamay ko.
Kaya agad ko itong inalis at nauna akong tumungo sa pwesto ng mga kaibigan ko.

"Holding hands while walking? Ano yon Bess ha?" pakiki-ichosang tanong agad ni Annie sa akin.

"Don't tell me-- may something na sainyong dalawa ni Jake." pasegunda naman ng isa kong kaibigan.

Hindi ko namalayan ay nasa likod ko na pala si Jake habang binibigay sa akin yung bag ko.

"Wow, may padala-dala pa talagang bag. Ikaw Airah ha, baka naman iba na yan. Umamin ka nga!" muling sabi ni Annie.

Kung may award lang siguro ang pagiging chismosa at madaldal, panigurado nangungunahan na ang mga ito.

"Kung ayaw mong magsalita Airah, Sige si Jake na lang ang tanungin namin." pananakot nito sa akin.

"Hays. Fine. Liniligawan ako ni Jake, happy?" pag-aamin ko na lamang rito.

At ang mga bruha, nagsitilian.

"Omooohhh. How to be you po Miss Airah Magalang?" ngusong sabi ng kaibigan ko.

"Ewan ko sainyo. Tumahimik na kayo dyan." iling na bigkas ko kasabay ng pag-upo ko sa kanilang tabi.

Umalis naman si Jake at tumungo na ulit sa upuan ng mga boys, nginitian pa nga ako nito na may halong kindat pa.

Habang tumatagal na nakakasama ko siya, mas lalo kong nagugustuhan ang ugali nya.

Natapos ang discussion namin sa P.E class na nahuhuli kong nakatingin sa akin si Jake, medyo naiilang nga ako pero deep inside nakakaramdam ako ng saya sa puso.
First time rin kasi sa buhay ko na may magkagusto sa akin na lalaki.

"Airah, sabay na tayong kumain ng lunch. Treat ko, kahit isama mo pa sila ." wika nito sa harapan naming apat na magkakaibigan.

"Really Jake? Libre mo rin kami?" hindi makapaniwalang tanong ni Annie.

"Yes Annie, libre ko kayong lahat basta pumayag si Airah." sambit muli kasabay ng pagtingin nya sa aking gawi.

"Of course papayag to noh. Tara na, I'm so hungry na rin kasi." excited na saad ng kaibigan ko at sya na mismo ang humila sa akin patayo.
Wala na akong nagawa pa at sumunod na lamang sa gusto nila.
And this time, hinawakan muli ni Jake ang aking kamay.

💞💞
Sarah Pov:

"Pupunta kami next week sa Bicol, Ralph. Dahil nandon raw ang iba nyang lupain. Kaya naeexcite tuloy ako masyado. " masayang balita ko ngayon sa ka-video call kong si Ralph na boyfriend ko.

Dahil may pasok si Jake ay mag-isa ako ngayon sa bahay nya kaya napag-isipan kong tawagan ang aking nobyo.

Kita ko sa mukha nito ang kasiyahan dulot nang sinabi kong magandang balita.

"That's a goodnews Sarah. Your doing great! Sana nga matapos mo na ang plano nating dalawa, para sa ganon pwede na tayong magsama ng hindi patago." wika naman nya na may halong pagkalungkot sa boses.

"Sorry babe kung nagtitiis ka sa relasyon nating patago. But don't worry, I will do everything for you. Magiging maayos rin ang lahat." sabi ko naman sa kanya.

Kahit papano ay medyo lumakas ang loob nito at nawala ang pagiging matamlay ng kanyang mata.

"Thanks babe, mas lalo tuloy akong naiinlove sayo eh. Basta Sarah, wag ka sanang mahulog ng tuluyan kay Gino. Landian lang ha? Walang seryosohan." pagpapaalala naman nito sa akin.

"Yes babe, hindi ko naman talaga sya seseryosohin. Hello? Ginagamit ko lang sya. And beside kunware lang naman na boyfriend ko sya." smirk na bigkas ko.

Matapos naming mag-usap ay sinara ko na yung aking laptop.

Ngayon na hawak ko na ang loob ni Gino,  ang kailangan ko na lang gawin ay yung ilayo sya kay Airah.
Dahil may nararamdaman talaga ako sa babaeng yon.
Feeling ko sya itong magiging hadlang sa pagkamit ko ng aking pangarap na maging mayaman.

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon