Chapter 56

8.4K 198 1
                                    

Chapter 56

Airah POV:

Bumalik na kami ni Jake sa may classroom at saktong naroon na ang guro namin.

Payuko kami na umupo sa sarili naming upuan.

Huminga ako ng malalim at rinelax ko ang aking sarili para sa ganon hindi mahalata ng mga kaklase ko na umiyak ako.

Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa aming guro na ngayon ay nagsisimula ng magdiscuss.

Pero maya-maya pa ay dumating na rin si Gino.

Saktong pagtingin ko sa kanya ay nagtama ang paningin naming dalawa.

Kung titingnan may lungkot na bumabalot sa mukha ni Jutay ngayon.
Dahil ba ito sa sinabi ko sa kanya kanina?
Tsk. Imposible naman siguro diba?

Umiling na lamang ako sa aking naisip at umiwas  na ako sa kanyang tingin.

Natapos ang discussion na kakaiba ang kinikilos ngayon ni Jutay.
Oo na, sinusulyapan ko sya ng tingin kahit papano pero malayo ang isip nito na hindi ko mahulaan kung ano.

Tumayo na ako para sana lumabas at mauna ng umuwi sa bahay.
Hindi na ako nagpaalam pa sa mga kaibigan ko at kay Jake dahil gusto ko talagang mapag-isa.

Mabuti na lang at hindi namalayan ni Jutay na lumabas na ako ng classroom dahil nga nakatulala ito at talagang malayo ang iniisip.

Nang makalabas ako ng campus ay pumunta ako sa kabilang kalsada para don maghintay ng masasakyan pauwi.
Pero laking gulat ko na lamang nang makita ko si Sarah na nakaupo roon na kung titingnan para itong may hinihintay.

Hindi ko sana ito papansinin kaso it's too late dahil nakita na rin nya ako.

Mabilis itong tumayo sa pagkaka-upo kasabay ng paglapit nya sa akin.
Base sa mukha nya, para itong naghahanap ng gulo dahil na rin siguro sa galit na dinadala nya.

Teka-- bat naman sya magagalit?
Sa huling pagkakaalala ko, magkahalikan palang sila ni Jutay.

"Masaya ka na ba Airah ha? Masaya ka na ba sa pag-aagaw mo kay Gino sa akin?" saad nito na may halong galit sa boses.

Prinoseso ko muna sa aking isipan ang kanyang sinabi dahil medyo naguguluhan ako.
Kaya kunot-noo ko syang tiningnan.

"Oh ano? Hindi ka makapagsalita? Tsk."
"--Ang landi mo masyado Airah! Yung pinsan kong si Jake inakit mo, tapos ngayon pati boyfriend kong si Gino gusto mong agawin sa akin?! How dare you Airah! Mang-aagaw ka!" sigaw nito sa akin at akma na sana ako nitong sasampalin pero mabuti na lang at mabilis kong pinigilan ang kanyang kamay.

"Kung mang-aagaw ako, pwes - Ikaw mang-gagamit! Kaya wag na wag mo akong sasabihan ng kung ano-ano Sarah, dahil tinatago mo palang , amoy na amoy ko na agad ang baho mo!" matapang na bulyaw ko naman rito.

Anong akala nya sa akin, matatakot sa tulad nya?
Tsk. Peste sya!

Marahas nyang inalis ang kamay nya sa akin kasabay non ay matalim nya akong tiningnan.

"Bakit Airah? Ano bang alam mo ha?!"

Dahil sa naging tanong nya ay napangisi ako ng wala sa oras.

"Lahat alam ko Sarah."
"Matagal ko ng alam na linoloko at pinapa-ikot mo lang si Gino. Dahil ang totoo, may boyfriend ka na sa ibang bansa." wika ko rito na kanyang ikinagulat at tila nanlamig ang mukha nya.

Para insultuhin sya lalo ay linapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga.

"At meron pa akong alam,  na habol mo lang kay Gino ay yung kayamanan nya." ngising patuloy ko at muli ko syang hinarap.

"Pero sorry, hindi na yon matutuloy. Dahil nasa akin na ang atensyon ni Gino."
"So BIG 'EWWW' na lang sayo." maarteng sambit ko rito kasabay non ay tinarayan ko pa sya.

Wala na itong masabi sa halip ay halos sumabog na ang kanyang mukha sa galit nya sa akin.

Jake POV:

Sa tingin ko ay gustong mapag-isa ni Airah dahil hindi na nitong nagawang hintayin pa kami ng mga kaibigan nya.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Gino ngayon na nakaupo pa rin at tila ba walang balak na tumayo.

Kahit inis na inis ako sa lalaking to ay may halong  inggit akong nararamdaman sa kanya.

Wala eh, na-iinggit ako dahil mahal sya ng babaeng mahal ko.

Pero tangina lang, dalawang babae ang nasasaktan nya.

"Jake, tara na umuwi na tayo." aya sa akin ni Tin na isa sa mga kaibigan ni Airah na ngayon ay kaibigan ko na rin.

"Mauna na kayo, may kakausapin lang ako." saad ko rito.

"Okay Jake. Ingat." tanging sambit na lamang nito kaya ngumiti na lang ako sa kanila.

Ngayon ay kami na lang na dalawa ni Gino ang nasa loob ng classroom.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya.

"Anong kailangan mo?" agad na tanong nito kaya medyo nagulat ako dahil nahalata nya pala ang presensya ko.

"Gusto kong mag-usap tayo ng maayos Gino." diretsang saad ko rito.

"Sa tingin mo ba makikipag-usap ako ng maayos sa lalaking karibal ko sa babaeng mahal ko?" seryosong sabi nya at tumayo ito dahilan para maging magkapantay na kaming dalawa.

Aminado ako na medyo malaki ang pangangatawan ni Gino sa akin pero kung sa kagwapuhan lang ang pag-uusapan , hindi magkalayo ang mukha naming dalawa.

"Gino, alam kong may hindi tayo pagkakaunawaan na dalawa pero gusto ko lang ipaalam sayo na mahal ko si Airah at hindi ko kayang ipa-ubaya na lang sya sayo."
"-- Kaya kung maaari lang ay yung pinsan ko na lang ang pagtu-unan mo ng pansin total girlfriend mo sya diba?"
wika ko rito.

"Tsk. Wala na kami ni Sarah, hiniwalayan ko na sya dahil mas mahal ko si Airah."
"--At pwede ba Jake, wag mong diktahan ang sarili ko." galit na bigkas nito.

Dahil sa nalaman ko ay merong pangangamba tuloy akong naramdaman.
Magiging buo na kasi ang atensyon nya kay Airah para maagaw ito sa akin.

Pero ang isip ko ngayon ay napunta sa pinsan kong si Sarah at sa tingin ko sa mga oras na to ay labis itong nasasaktan.

Mabilis kong kinwelyuhan si Gino.

"Kahit kailan talaga gago ka! Ginagawa mo na lang na laruan ang damdamin ng babae! Tangina Gino, dalawang babae ang sinasaktan mo dahil sa ginagawa mo ngayon!" giit na sabi ko rito .

Pero nakakainsulto lalo sya dahil sa ngising umukit sa kanyang labi.

"Oo Jake, gago nga ako. Alam ko na yon matagal na."
"Pero magiging gago lalo ako kapag hinayaan kong mapunta sayo si Airah."
"--Fuck Jake, ginawa ko lang kung anong gusto ng puso ko."

Matapos nyang sabihin yon ay malakas nyang inalis ang kamay ko na nasa kwelyo nya at umalis na sya sa harapan ko.

Sa tingin ko mahihirapan lalo ako na mapasa-akin ang babaeng mahal ko lalo pa't pareho na ang nararamdaman ng dalawa sa isat-isa.

He's My Boss (Book 1) CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora